TWO

3197 Words
"Nasaan kana?" Tanong ko kay Maci dahil kanina kopa sya hinihintay dito sa bahay at ngayon kami magshoshopping. I tried to decline it but she's persistent, pinagpaalam pa nya ako kay Dad. "Wait lang malapit nakong matapos chill kalang jan" maarte nyang sabi saka ako binabaan ng tawag, I sighed heavily. Ang sabi nya sakin ay maaga akong gumayak, ngayon ay sya pa ang late at ako ang pinaghihintay nya. I look at myself in the mirror. I put my long curly-on-tip ash rose hair into messy bun. I'm wearing a white spaghetti strap top tucked in a high waist denim shorts at pinatungan ng lose short sleeve black polo, all buttons are open. Pinartneran ko ng white converse chuck taylor all star lugged high top. Naglagay lang ako ng primer, tinted sunblock pressed powder and highlighter para sa mukha ko. Maroon liptint in ombre style and done. "Miss Ry nasa labas napo si Ma'am Maci hindi na daw po sya papasok" rinig ko ang boses ni Ate Rosie sa labas ng kwarto ko pagkatapos ng tatlong magkakasunod na katok. "Okay Ate Rosie bababa nako" sigaw ko pabalik saka kinuha ang sling bag kung nasaan ang phone at credit cards ko. Nang makapasok ako sa sasakyan at nakapag seatbelt ay titig na titig lang si Maci sakin. "What?" Kunot noong tanong ko pero hindi nya yon pinansin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Where's the "Maci I don't like showing too much skin" Ryleigh I knew? Where are your cargo pants? Skinny jeans? Sweat pants? Jeans? Where part of hell did you chain my Prim and Proper friend?" Naghihisterya nyang saad. "You're overreacting. Naisipan kolang magsuot ng ganito ngayon." Sagot ko saka sya inirapan. Inirapan lang din nya ako bago pinatakbo ang sasakyan papuntang mall. Hindi namin kasama si Jai at Hendrix kase may lakad daw sila ng mga ka basketball team para makapag unwind bago ang practice game bukas. Masyado nilang sineryoso nang malaman nilang maglalaro ang mga Menaide. "It's been three days since you told me about your Dad's visitor and I've been asking you who was that but you're ignoring me and you're spacing out everytime. You've been physically present but your mind's flying somewhere else." Napalingon ako nang biglang magsalita si Maci pagpasok namin ng isang boutique. Hindi ko sya pinansin at dumiretso sa mga tops na nakahilera. Isa isa ko itong tinitignan. "Snobber b*tch" dinig kong bulong ni Maci mula sa likuran ko and I chuckled. Nilingon ko sya at naabutang namimili sa mga shorts na naka hanger. "I'm sorry okay? Marami lang akong iniisip. It's Hunter Fritz, Dad's friend together with his family." Sagot ko sakanya at tatalikuran na sana sya pero pinihit nya ako paharap. "Hunter..... Fritz? Wait. Oh my freaking gosh Ryleigh nandon si Rage?" Tanong nya saakin habang nanlalaki ang mga mata. "How did-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang yugyugin nya ako. "Tell me Ry nandon ba si Rage?" Tanong nya saakin habang niyuyugyog ako. "Wait. Yeah nandon sya" sagot ko na ikinatigil nya. Tinitigan lang nya ako nang ilang minuto. "Let's talk about it after this, let's buy clothes first" natataranta nyang saad bago kumuha ng isang ripped denim shorts saka ako iniwan sa kinatatayuan ko. Tinignan ko lang syang naglalakad palayo at nang mawala sya sa paningin ko ay namili na ako sa mga tops na nakahilera at naka hanger. Kinuha ko ang isang white square neck fitted crop top at binitbit. Naglakad lakad pa ako sa loob ng boutique at nakita kopa si Maci na namimili sa mga romper shorts. Nilagpasan ko sya at nilapitan ang mga denim jackets. Kumuha ako isang faded denim jacket. After kong masatisfied sa bibilhin ko ay naglakad na ako palapit kay Maci. Eto lang ang bibilhin ko dahil eto lang naman ang kailangan ko. Nang makalapit ako kay Maci ay halos hindi kona sya makita dahil halos matabunan na sya ng mga pinamili nya. Nilingon nya ako at bumaba ang tingin nya sa dalawang pirasong damit na dala ko saka sya nagtaas ng kilay. "Todo na yan?" Tanong nya habang nakatingin parin sa bibilhin ko. "Yeah, eto lang naman ang kailangan ko" sagot ko. "Whatever. Nagmamadali ako babalikan ko nalang yung iba pang gusto ko" halos matawa ako sa sinabi nya habang sinusundan sya palapit sa counter. "Saan tayo kakain?" Tanong nya saakin habang nakaharap sa cashier. "Ang tanong pala, nagugutom kaba?" She asked again this time nakaharap na sya saakin. Imbes na sumagot ay inilingan ko lang sya. Kumain naman ako sa bahay kanina bago magprepare kaya wala akong maramdamang gutom ngayon. "Okay sa starbucks nalang tayo magchikahan" sagot nya at binayaran ang total ng mga pinamili nya. Nang makalabas kami sa boutique ay nag aya muna syang bumalik sa sasakyan para mailagay ang mga pinamili namin dahil nahihirapan kami parehas sa pagbibitbit. "So anong napag usapan nyo?" Tanong nya habang papasok kami sa Starbucks. "Let's order first" natatawa kong saad and she just groaned bago nagmartsa sa counter. I ordered Samoa Frapuccino and Chocolate Raspberry Vegan Cake while Maci ordered Love Bug Frapuccino and Raspberry Cheesecake Brulee. Umupo kami sa table for two malapit sa glass wall. "Your assumptions are right." Panimula ko kaya nanlaki ang mata nya. "So... you're gonna marry Rage? How about Jai? Sinabi mona ba sakanya? Teka, alam ni Tito na may boyfriend ka diba?" Sunod sunod nyang tanong kaya mahina akong natawa pero sinamaan nya lang ako ng tingin. "Chill" I said then chuckle. "First is I'm not gonna marry him, second I love Jai, third Nope diko pa namemention sakanya ayokong mag worry sya and lastly, oo alam ni Dad" I added. "But....... how?....... why?" Hindi nya alam kung anong sasabihin nya. "Yun nga ang problema ko, gusto kong pasayahin si Dad but damn girl I don't know how, or maybe I know how I just can't do it" sagot ko sakanya. "No offense Ry pero..... pabagsak naba?" She asked referring to our company kaya inilingan ko sya. "Hindi. Hindi ko alam kung anong totoong reason but maybe friendship kaya ang sabi ko pag isipan naming mabuti kase mukhang ayaw din naman nung anak nila Mr. And Mrs. Fritz" sagot ko sakanya. "That's good then" sagot nya saakin. "Wait...... Hindi mopa sinasagot ang tanong ko kanina. Bakit kilala mo si Rage?" Tanong ko sakanya habang pinanliliitan sya ng mata. "Hey hey wag mokong tignan ng ganyan hindi ko sya ex boyfriend, ex fling, or even crush. Yes yummy sya pero that's ew girl I don't support incest" nandidiri nyang saad kaya napa kunot ang noo ko. "What do you mean?" I asked referring to the word incest she just mentioned. "Incest? Duh? May middle name is Fritz, we're cousins. My mom and his Dad are siblings" sagot nya na parang ang tanga ko kase hindi ko alam yon. "Ang dami kasing Fritz dito duh? Malay kobang related kayo" I said mimicking her tone. "Whatever. Pero umamin ka, taray ng genes namin" she said while waving her right forefinger right to left infront of my face. Inirapan ko lang sya at inatupag ang Samoa Frapuccino ko. "But girl demonyo sa babae yon, sa kama" she said habang seryosong nakatitig sakin. "Hanggang kama nga lang wala pang nagiging girlfriend yon e fling marami" natatawa nyang saad. "Mukha nga" sagot habang tumatango tango. Pabalik na kami sa sasakyan nang mag ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa sling bag ko. It was Jai. "Hey" bati ko sakanya mula sa telepono. "Hey.... Where are you?" He asked on the other line. Hindi muna ako sumagot at dumiretso sa passenger seat saka nagseatbelt. "Uhm pauwi na kami ni Maci" sagot ko sakanya at narinig syang napabuntong hininga. "Susunduin kita bukas" dinig kong sabi nya sa kabilang linya. "Is that Jai?" Tanong ni Maci kaya tinanguan ko sya. "Loudspeaker" maikling nyang sabi kaya kinunutan ko sya ng noo at pinanliitan ng mata, umiling naman sya tila alam ang ibig kong sabihin. Pinindot ko ang loudspeaker at inilayo ng kaunti ang phone sa tenga ko. "Jai" tawag nya kay Jai habang nagmamaneho. "Yes" Jai answered in a cold voice. Halos matawa ako kase sobrang lambing nya sakin pero sa iba ay sobrang lamig nya. "Ry's gonna come with me tomorrow I heard the whole team will ride on the University's van. Don't tell me you'll abandon your team?" Namilog ang mata ko sa sinabi ni Maci. Hindi ito sinabi sakin ni Jai but that make sense stupid me, I didn't think of that. "It's fine Maci they'll understand" sagot ni Jai na tinawanan lang ni Maci. "Come on man, 5 years na kayo ni Ry and you're that possessive parin? Nakakasakal yan dude" sabi ni Maci saka humagalpak ng tawa. Hindi agad nakasagot si Jai mukhang dinidib ang sinabi ni Maci. "Is that what you want, babe?" Jai asked kaya lalong natawa si Maci. "Uhm yeah mas magandang tignan kung sabay sabay kayong dadating don" sagot ko sakanya. "Alright then" sagot ni Jai kaya mas lalong humagalpak ng tawa si Maci. "Ibang klase" naiiling nyang sabi. Pagkahatid ni Maci sakin ay umuwi din sya at ang usapan namin ay mag overnight sya saamin para hindi kami matagalan. Kukuha lang sya ng damit at iuuwi rin ang mga pinamili saka babalik dito mamayang hapon. Nang makapasok ako sa bahay ay sinalubong ako ni Ate Rosie kaya inabot ko sakanya ang pinamili ko at saka ko pinalabhan dahil yon ang susuotin ko bukas. Pagkatapos kong iabot sakanya ay dumiretso nako sa kwarto para maligo. Nang matapos akong maligo ay binlow dry ko ang buhok ko at pumwesto sa kama. Iniisip kopa kung anong mangyayari bukas nang hilain ako ng antok. Nagising ako sa may kalakasang sampal na tumama sa mukha ko kaya agad akong bumangon saka sinampal din kung sino man ang sumampal sakin, tinamaan sya ng mas malakas na sampal. "What the hell?" Singhal ni Maci saakin kaya napadilat ako. "Magigising ako kung gigisingin mo ako ng maayos tanga" seryoso kong sagot sakanya pero tinawanan lang nya. "Nanggigil ako sayo e kahit tulog maganda parin, samantalang ako kapag tulog parang naka drugs" natatawa nyang sabi. "Kahit hindi ka tulog mukha kang naka drugs" sagot ko sakanya saka bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Dinig kopa na paulit ulit nya akong minura. Siraulo. Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina para humanap ng makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko. "Ate Rosie may pagkain ba?" Tanong ko sa kay Ate Rosie na inabutan kong nagpupunas ng mesa. "Aaa yes Miss" sagot nya saka hinitak ang usual sit ko sa mesa at tumalikod para ipaghanda ako ng pagkain. "You're so mean!" Maci hissed when she entered the dinning area. "Ma'am Maci kakain din po kayo?" Tanong ni Ate Rosie nang makita si Maci. "She's not hungry" sagot ko kaya sinimangutan ako ni Maci. "Ano bang ulam nyo Ate Rosie?" She asked nang malagpasan ako at pumunta kay Ate Rosie. "Beef broccoli, chicken barbeque, at steamed veggies po" sagot ni Ate Rosie. "Sige Ate Rosie sasabayan kona si Ryleigh kawawa naman e" tatawa tawa nyang sabi saka umupo sa katapat kong upuan. "Nasaan si Tito?" She asked habang nililibot ang paningin sa kusina. "Tigil tigilan mo nga ang pagpantasya sa Daddy ko" inis kong sabi sakanya pero tinawanan lang nya ako ng sobrang lakas. "Sayang at wala kang kapatid na lalaki, edi sana Sister in law mona ko" tatawa tawa nyang sabi na inilingan ko nalang. Madalas akong mapaisip kung bakit koba sya naging kaibigan. "Pero pwede mo naman akong maging Step Mom" she added giggling kaya napasinghap ako saka ngumiwi. "You're gross" I said looking at her with disgust. "You're so judgmental!" Madrama nyang sabi habang nakaturo saakin. "Are you serious?" Nakangiwi kong saad kaya humagalpak sya ng tawa may pa hampas effect pa sa mesa. "What's funny?" Iritado kong saad habang nakataas ang dalawang kilay. "You..." Hindi nya matuloy tuloy ang sasabihin nya nang humagalpak pa sya lalo ng tawa. "Your face...." Hinihingal nyang sabi habang tumatawa. "Go die" I said looking at her questioning our friendship. "You're face so damn funny" sabi nya saka himagalpak ulit sa tawa. "You'll be the tea of our housemaids' conversation after this" seryoso kong saad pero nginisian nya lang ako at bumaling kay Ate Rosie na nag aayos na ng pagkain sa mesa. "Na-uh right Ate Rosie?" She smiled sweetly at Ate Rosie. "Ayy nako Miss sanay napo kami kay Ma'am Maci" natatawang sabi ni Ate Rosie. "Oo nga, si Ry lang naman ang masyadong sineseryoso lahat ng bagay e. " Tatawa tawang sabi ni Maci saka nagsimula nang kumain. Inalok ko si Ate Rosie pero tinanggihan nya ako at sinabing tapos na silang kumain. "Tahimik ka?" Tanong ni Maci saakin habang nakataas ang dalawang kilay. "I'm questioning our friendship so shut up" sagot ko sakanya na sinimangutan naman nya. "You're so mean talaga" she said dramatically. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto habang sya naman ay nakasunod lang saakin. "Go take a bath" sabi ko sakanya kaya diretso syang pumasok sa cr at ako naman ay nagpalit ng bedsheet. Nang matapos syang maligo at magbihis ay ako naman ang naligo. "Let's have movie marathon!" She said excitedly habang nagboblowdry ako ng buhok at sya naman ay komportable nang nakahiga sa kama ko. "No" madiin kong sagot nang hindi sya tinitignan. "Come on Ry! Anong gagawin natin dito?" She groaned in frustration. "Matutulog." Simpleng sagot ko habang sinusuklay ang buhok ko. "You're so boring!" She said full of frustrations. "I should be the one questioning our friendship!" She added dramatically. Tumayo ako at nahiga sa espasyo sa tabi nya at pumikit. "Ang usapan natin dito ka matutulog para maaga tayo bukas hindi para magpuyat at malate so-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang narinig kong may nagsasalita na galing sa tv. Dumilat ako at lumingon sakanya habang sya naman ay nakatutok sa cellphone nya. She connected her phone to my TV. She look at me nang maramdaman ang paninitig ko then smiled innocently. Umiling ako at tumalikod sakanya saka pumikit. "Bahala ka sa buhay mo" I said saka pumikit. Nakapikit ako pero hindi ako makatulog, hindi dahil sa ingay ng TV kundi dahil sa problema ko. Arrange marriage huh? Since then, I haven't done anything worthy for the company that feeds me, supports my financial needs, provides my needs and caprices. Pero wala naba talagang ibang way? I know I shouldn't think twice declining that freaking offer if I truly love Jai, don't question it, I really do love him. It's just that I am thorn between my happiness or Dad's. Damn this situation I can't decide, I love Jai. Pwede naman siguro yon right? Ano? Kabet si Jai? What the hell? Is this really happening? What if I ask Jai to marry me? Para may valid reason ako na tanggihan si Dad. Isa pa maganda rin ang state ng company nila Jai. "Ryleigh uy alam kong gising kapa kase iniisip mo na papasukin ko yung kwarto ng Daddy mo" rinig kong bulong ni Maci sa kalagitnaan ng panunuod. I smirked. Hindi ko idinilat ang mga mata ko sa kalokohan na sinasabi ni Maci. "Magkwento ka nga huy para naman tong others. Ang sinabi mo lang e ipapakasal ka don kay Rage." Panggugulo pa sakin nj Maci sabay kalabit. "Maci tigilan moko manuod ka kung manunuod ka" seryoso kong sagot saka sya tinalikuran. "Ang damot damot mo" bulong nya ng paulit ulit na hindi kona pinansin. Makalipas ang ilang minuto akala ko ay nakatulugan na nya ang TV na naka bukas kaya humarap ako sa pwesto nya at dumilat. Mula sa panonood ay bumaling sya saakin saka ako pinagtaasan ng kilay. "Oh anong tinitingin tingin mo jan?" Mataray nitong tanong saka ako inirapan. Isip bata. Natawa ako sa naisip ko kaya sinamaan nya ako ng tingin. "Wag kang tumawa Ry hindi tayo bati. Hindi moko mahal, palagi ka nalang naglilihim sakin samantalang ako lahat sinasabi ko sayo." Nagtatampo nitong sabi saka kaawa awang bumaling muli sa TV. "Yeah. Pati kung gano ka katanga sa first kiss mo." Natatawa kong sabi para sana patawanin sya pero mukhang dinibdib nya talaga. "Shut up" she said seriously. Hindi ko alam kung maaapektuhan ba ako sa pag iinarte ng isang to o matatawa ako kase ang sagwa nya tignan. I wonder how Hendrix manage to handle this piece of s**t. Malakas akong tumawa dahil sa iniisip pero nahinto rin nang patayin nya ang TV at padabog na ibinaba ang remote sa side table. "Hey hey that's not yours!" I hissed pero hindi nya iyon pinansin at humiga ng patalikod saakin saka nagtago sa ilalim ng kumot. Poor Hendrix. He needs to handle this naughty childish brat. Bumuntong hininga ako at pumikit. Pababayaan ko muna si Maci okay na yan bukas. Marupok naman yan e. Inisip kopa ang mga susunod kong gagawin pero sumakit lang ang ulo ko. Ang hirap pala ng ganito. Ngayon nararanasan kona ang naranasan ni Mommy dati. I wonder kung sinong pipiliin nya between his promised husband and Dad if I didn't came. Maybe his promised husband kase dumating man ako, ay iyon parin ang pinili nya. Luckily I came, Dad's not alone. I honestly don't know if I should hate my Mom. She loved Dad, yes, but she ended up choosing her family. For the second thought, I'm just like her. Maybe at first she's confused. She doesn't know what to do. Just like me. And this is one of the reasons why I can't hate her, aside from the fact that she's my mother. What if I met her one of these days? Will I be able to hug her? Call her Mom? Or I'll just stand there stiffed and unable to move? Then run away like an i***t? Maybe the latter. I grew up so proud of my father, my uncles and cousins older than me told me how wrecked he is when we arrived in The UK and for the following months. He often cry, whatever he's doing, he's crying. He's crying while cooking, while preparing my milk, while singing lullaby for me until I fall asleep. He can't think straight. They even wait for him to gather himself back together to take over the Company's CEO position. He was in pain while taking care of me. I am so thankful that I came, although I somehow resembles my mother as they often told me, and I know that hurt him just by simply looking at me remembering those days he spent with my mom, remembering the woman he once thought of spending the rest of his life with and in just a blink of an eye, all those dreams and goals they made together and thought of fulfilling together, crushed. Malalim akong bumuntong hininga bago kinalma ang sarili sa dami ng iniisip ko. Diretso ang tingin ko sa kisame ng aking kwarto, it painted with musical symbols such as notes and the like and it somehow comforts me and helped me calm myself down while I'm trying not to think about my problems. Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa hinila ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD