ANIKA POINT OF VIEW "Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Kanina pa siya tahimik. Walang kibo at nakatitig lang lagi kay Nathalie. Nakaupo kami ngayong dalawa sa isang gilid habang si Nathalie naman ay tumatakbo at pabalik-balik na humuhuli ng tutubi. "Mahal, ayos ka lang ba?" Hinawakan ko na ang kamay niya. Napalingon siya sa akin na parang nagulat kaya naman hinuli ko na ang mga tingin niya. "Okay lang ako," mahina niyang sagot. "Okay? Sa tingin mo ba kapani-paniwala 'yang mukha mo?" Bumuntong hininga na siya at yumuko bago muling titigan si Nathalie. "Nakakalungkot lang kasing isipin na hindi niya tayo kasama noong birthday niya. At bukod doon, ang pinakamasakit sa lahat ay hindi ko na alala kung kailan 'yon dumaan. Ni hindi ko na nga alam kung anong petsa na ngayon," papa

