SIXTY-NINE

3653 Words

ANIKA POINT OF VIEW "Sumunod kayo sa akin at 'wag na 'wag kayong gagawa ng mali," masungit niyang saad habang patuloy sa pagpasok sa isang sobrang laking kweba. "Paano natin malalaman kung mali na ang ginagawa natin?" kabado kong tanong kay Rico. "Huminahon ka lang, mahal. Hinding-hindi na ulit kita pababayaan." Paninigurado niyang baling sa akin. Nginitian niya ko at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Sobrang tahimik ng paligid, nakakabingi ang katahimikan, may mga paniki sa itaas na lalo kong ikinakapit kay Rico. "Bakit?" bulong niya. "May paniki. Ayoko sa mga paniki." Yumakap na ko sa braso niya. Natatakot na ko sa bawat paglayo namin sa pinasukan namin kanina. Nakakalito pa ang daan sa loob at lagi na lang may pinamimilian. "Mahal, 'wag kang kabahan." "Nandito na tayo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD