C2: Good Times

1001 Words
C2: Good Times - [Courtney Indayo - Monterren] Hindi ako makatulog kaya naisipan kong kunin ang laptop ko at buksan ito para buksan ang sss ko nang makapagmag-scroll-scroll hanggang antukin ako. Sino ba namang babae ang makakatulog pagkatapos kiligin ng todo sa asawa niyang sinundo siyang may dalang mga bulaklak? Sh*t lang talaga! Para akong pinagpiyestahan ng mga mata kanina sa school dahil sa kanya. Iyon pa naman ang kauna-unahang pagkakataon na hinayaan niya ang mga taong pagtinginan kami. Nakatanggap pa ako ng iba't-ibang panunukso galing sa mga kaibigan ko lalo na kay Vivian. Namumula akong tinanggap ang dala niyang mga bulaklak saka puamsok sa kotse niya. May maliit na card doon na may nakasulat na 'Sorry about my joke earlier'. "Courtney.." Bigla ko namang naisara ang laptop nang marinig ko ang pangalan ko. "Courtney?" May kasama pa itong mahihinang katok sa pinto. "Courtney, gising ka pa ba?" "Bakit?" Nahihiyang tanong ko na hindi pa binubuksan ang pinto. Nasa tapat lang ako ng pintuan ko. "Hindi tayo pupunta bukas sa bahay." "Tayo ulit pupunta?" Malumanay na tanong ko. "Hindi rin, may pupuntahan tayong iba bukas. Gusto ko lang malaman mo ngayon. Good night, Courtney." "Aah. Sige. Good night." Mahinang sabi ko saka na bumalik sa kama. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi akong napapangiti kapag nababanggit niya o tinatawag ang pangalan ko pero gustong-gusto ko. - "Good morning, Courtney." Bungad nito sa akin kaya napatulala tuloy ako ng ilang segundo dito. Nakakapanibago lang ang mga pagbati niya lately. "G-good morning!" Nakangiting bati ko dito saka ako napahawak sa dib-dib ko. Pinipigilan ko itong kumalma dahil sa ngiti ngayon sa akin ni Stephen. "Mag-almusal na tayo." Sabi nito saka naunang maglakad papunta sa dinning area namin. "Stephen.." Tawag pansin ko dito na agad naman ako nitong binalingan ng tingin na may pagtatanong kung bakit ko siya tinawag, "..Ano kasi, pwede bang bawasan mo ang pagngiti mo ng ganyan sa akin? Naiilang kasi ako." Nahihiya pero lakas loob kong sabi dito. Ang nakakainis eh tumawa pa ito saka ginulo ang buhok kong kakasuklay ko lamang. Inilingan pa ako nito imbis na sumagot. Napanguso tuloy ako saka sumubo ng pagkain. "Stop pouting, Courtney." Seryosong suway nito na agad namang sinunod ko. Ganito talaga ako magreact sa kanya madalas lalo na kapag seryoso mukha niya. Nakakatakot na hindi sumunod. Lalo na't nakikita ko ngayon ang isa nitong kamay na mahigpit ang pagkakakuyom. May problema kaya siya? Nakakatakot ding magtanong kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ng almusal namin. Pagkatapos kumain ay naligo na ako para daw makapaghanda sa pag-alis namin ngayon na hindi naman nito sinasabi kung saan ba. "Tutal wala na din naman akong kawala dahil nasa byahe na tayo. Pwede ko na bang malaman kung saan tayo pupunta?" Malumanay na parang batang tanong ko dito. Umaasang maaawa siya sa boses kong gustong-gustong malamn kung saan kami pupunta. "We'll have two days and one night vacation sa Laguna." Sagot nito habang nakatutok ang mga mata sa daan. "What?! Tapos ni isang damit wala tayong dala?!" Gulat na sambit ko. "Take it easy, Courtney. Pwede naman tayong bumili ng damit doon. Tyaka don't worry tayo lang sa isang resort doon." Patawa-tawang sagot nito na ikinagulo nanaman ang pintig ng puso ko. "B-bakit mo naman naisipang magbakasyon tayo ng dalawang araw?" Nahihiyang tanong ko. "Because I want to give our marriage a chance to work out." Seryosong sagot nito ng may ngiti. "At sa tingin mo ito ang simula?" Puno ng kuryosidad na tanong ko. Actually, natutuwa ako. "Sort of. Bakit? Ayaw mo ba?" Malungkot ang tono ng boses nito. "Hindi naman sa ganoon per--" "No buts please. Let's just give it a try at kung hindi mag work out, saka na natin pag-usapan kung anong dapat nating gawin. May pinagsamahan din naman tayo bago pa tayo ipagkasundo hindi ba?" Pangungumbinsi nito. "O-oo naman." Naiilang kong sagot dito. Hindi kasi ako sanay na magsalita siya ng ganito. Ba't ba ako nauutal pagdating sa kanya? Hays. "Good. Naaalala ko pa noon kapag napapadaan ako sa classroom mo noong elementary ka, lagi mo ako hinihingian ng pagkain kahit madami ka namang baon." Natatawang kwento nito. "Ayoko kasi ng baon ko noon. Tyaka nasanay akong ibinibigay mo sa akin ang baon mo. Kung hindi ka sana dumadaan sa classroom ko tuwing recess edi sana 'di kita hinihingian." Patawa-tawang komento ko naman. "Alam mo ba? Kaya ako dumadaan sa classroom mo?" Mahinang tanong nito. "Huh? Eh bakit nga ba?" Pagtataka ko. Marami naman kasing pwedeng daanan kung iisipin. "Dahil may babae akong inaabangan doon. Gusto ko siyang laging bantayan. Ayokong may nang aaway sa kanya. Binubuo niya lagi ang araw ko kahit sa isang sulyap ko lang sa kanya." Halata sa tono ng pananalita nitong natutuwa siya sa babaeng ikinikwento nito. Napanguso naman ako sa kwento nito. Sino naman kaya ang babaeng 'yon? Ba't niya sa akin kinikwento? Isa ba 'yon sa kaibigan ko? Baka isa sa mga kaklase ko? Baka naman may kapatid siya sa labas? "Wala ka namang kapatid ah? Ba't mo siya binabantayan? Body guard ka ba niya?" Nakasimangot na tanong ko dito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga labi nitong nagpipigil ng ngiti. Bakit niya pinipigilan?! Pero pabor naman ang pagpipigil nito ng ngiti sa akin. Kalmado ang t***k ng puso ko kapag hindi siya ngumingiti o tumatawa eh. "She's special for me ever since. Gusto mo bang malaman kung sino siya?" Nangingiting sabi nito. " 'Wag na noh!" Mataray na sagot ko. Ayokong malaman. Ewan ko ba ba't naiinis ako. "Are you sure?" Paninigurado pa nito. Hindi ba nito halatang ayoko malaman? "Bakit? Sino nga ba 'yon?! Teka! Pinapaselos mo ba ako?!" Iritadong tanong ko. Naisip ko lang kasi baka pinapaselos lang ako nito. Bigla itong tumawa saka umiling-iling. "Bakit mo naman pagseselosan ang sarili mo?" Tumatawang sabi nito. "Ewan ko sa'yo. Minsan ka lang makipag-usap, 'di ko pa maintindihan." Mataray na sambit ko saka pinikit ang mga mata ko para matulog na lamang kaysa ang makipag-usap sa kanya. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD