bc

Fixing The Broken (COMPLETED)

book_age12+
139
FOLLOW
1K
READ
possessive
contract marriage
friends to lovers
student
bxg
lighthearted
ambitious
campus
first love
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Stephen Montereen is in an arranged marriage with Courtney Indayo. Courtney's parents died from an accident, since then Stephen became the only person who stayed beside her. One day, he realized that he is falling in love with her, but she is still young. Stephen left in order for him to control his feelings then came back to confront it, but it's too late because Courtney's heart is already broken. Broken because of Stephen.

-

"I'll do everything just to get her back. I'll accept the consequences for leaving her."

-Stephen Monterren

*******

"I regret every seconds, minutes, hours, days, week or even a year that I think about him! I regret marrying him because in the first place IT'S JUST AN ARRANGED MARRIAGE and I regret falling in love with him!"

- Courtney Indayo - Monterren

chap-preview
Free preview
C1: Her Side
C1: Her Side - [Courtney Indayo - Monterren] I was just 15 when I get married dahil sa hindi lumulumang fixed marriage o arranged marriage na pinaniniwalaan pa rin ng ibang mga magulang lalo na ng mga magulang ko at business partners nito. Ganito naman talaga sa mga pelikula at ibang libro na hindi ko alam mangyayari din sa buhay ko. Ang makulong sa isang marriage na hindi mo gusto dahil napilitan ka lang ay isang pinakamalungkot na parte ng buhay ng isang tao. Sa murang edad ay nawala lahat ng kalayaan ko. Gusto kong tumakas, gustong-gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil nakasalalay sa akin ang natitirang kayaman ng pamilya namin. Ang business namin na naiwan sa akin. Masyado pa akong bata para i-manage ito kaya kinailangan kong pumayag sa kasunduang tanging choice ko. Gaya ng iba, sa mga matatalik kong kaibigan ko lang nasasabi ang saloobin ko at pangyayari sa buhay ko. Kaya sila lamang ang nakakaalam na may asawa na nga ako. Kaibigan ko na sila mula high school at schoolmates ko sila ngayong college na ako dahil magkakaiba na ang course namin. I'm taking up Business Management para ma-take over ko na ang parte ko sa business namin at company na PinkBlack Shoes Corporation na matagal pinamahalaan ng parents ko. Lalo na ang branch nito sa ibang bansa kaya ako laging naiiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay noon. Mag-i-18 na ako ibig sabihin magli-legal age na ako, samantalang si Stephen na ay 23 years old na. Napagdesisyunan na ng parents niya na magsama kami sa iisang bubong. Noong 15 pa lang kasi ako, kasama namin sila sa bahay kung saan may mag kaiba kaming kwarto doon. Maayos ang pakikitungo ng mga magulang niya sa akin kaya maayos akong namuhay kasama nila ng almost 3 years of my life. Hatid-sundo ako ni Stephen simula nang manirahan ako sa bahay nila gaya ng utos ng mga magulang niya na hinahayaan ko na lamang dahil wala din naman akong pagpipilian. Madalas kaming tuksuhin sa isa't-isa ng mga magulang namin bata pa lang kami na hindi ko alam na binabalakan na pala kaming ipakasal sa isa't-isa. Mas maayos ang pagsasama at pagkakaibigan namin noon ni Stephen, pero simula nang ikasal kami nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Mas naging mailap pa nga ito ngayon hindi gaya ng dati na nakukulit ko pa. Kuya ko pa nga siya noon eh pero ganoon 'ata talaga. Lahat nagbabago na unti-unti ko na din namang natanggap. "Handa ka na ba sa debut mo bukas?" Nangingiting tanong ni Vivian. Nasa canteen kami ng school ngayon dahil break time. "Oo naman. Namimiss ko lang sila Mommy, sila naman kasi talaga ang may gustong mag-celebrate ako ng debut noon pa man." Napapasimangot na sagot ko dito. "Don't worry, alam kong laging nakabantay sina Tito at Tita sa'yo." Nakangiting pagpapagaan ng loob kong sabi nito. "Yes. Lagi ko silang kasama." Sabi ko na lamang. - Sumapit ang 18th birthday celebration ko na ginanap sa isang pinakamalaking hotel sa Pilipinas na hindi ko naman talaga napili pero ito ang napili ng parents ni Stephen and they insisted it. Sila ang nag-asikaso ng lahat para sa kaarawan ko. They always want the best for me and also for Stephen. Si Stephen ang ginawa nilang first and last dance ko na sa tuwing maglalapat ang aming mga kamay sa pagsayaw ay nakakaramdam ako ng kuryente na nagdadalaga ng mabilis na t***k ng puso ko lalo na kapag nagtatama ang aminh mga mata. Ang buong akala ko, nawala na ang ganitong pakiramdam ko sa kanya noon dahil 'di pa man kami pinagkakasundo ng aming mga magulang, may namumuo na akong pagtingin dito na akala ko'y puppy love lamang noon kaya hinayaan kong makalimutan pero bakit biglang bumalik nang isinasayaw niya ako? Ngayon ko na lamang siya nalapitan ng napakalapit, natitigan at naramdaman ang totoong presensya niya. "Courtney.." Mahinang tawag nito sa akin habang patuloy kaming nagsasayaw. Napatitig ako sa mga mata niya. Napigil ko ang aking hininga. Bakit ang sarap pakinggan kapag siya ang tumatawag sa pangalan ko? "..Happy birthday." Halos pabulong na sabi nito saka unti-unting ngumiti na nagpabilis pa lalo sa t***k ng puso kong gusto na 'atang kumawala sa dib-dib ko. Naguguluhan ako. Naguluhan ako bigla sa nararamdaman ko. Napapikit ako nang hinalikan nito ang aking noo saka ako yinakap. It's a first time and it feels like forever. Bakit kaninang first dance ko siya, parang wala siyang pakialam na kasayaw niya ako? Kung kailan last dance na saka niya pa ako binati pero sa lahat naman ng bumati sa akin. Ang pagbati niya ang pinakakakaiba ang dating. Nabuo ang gabi at kaarawan ko dahil sa pagbati niya. My birthday became extra special because of him. Parang ayoko na ngang matapos ang gabing iyon pero bawat araw ay nagtatapos. Natulog pa rin akong may ngiti sa aking mga labi at nagpapasalamat sa Diyos sa dagdag na taon na ibinigay Niya sa akin. - Pagkalipas ng ilang araw ay nagsama na nga kami ni Stephen sa iisang bubong. Magkaiba pa rin naman ang kwarto namin pero masaya akong kahit papaano ay may nagbago sa pagsasama namin simula noong kaarawan ko. Parang bumalik ang dati naming pagkakaibigan. Kinakausap na niya ulit ako na parang isang kaibigan at kontento na ako na ganoon siya sa akin kaysa hindi niya ako pinapansin. Siguro nga tama si Vivian, matagal ko ng lihim na minamahal ang asawa ko pero dahil sa kasunduan mas lalo lang nagtatago ang nararamdaman ko para dito. Siguro nga mahal ko siya pero hindi ko magawang hayaang sakupin at talunin ako ng nararamdaman ko lalo pa't hindi ko alam kung pareho ba kami ng nararamdaman. "Let's go." Biglang sabi ni Stephen kaya sumunod na ako dito. Ganito na ang routine namin araw-araw, hatid-sundo pa rin niya ako sa school saka siya didiretso sa trabaho, magsisimba kaming magkasama, dadalawin kami ng parents niya every Sturday o kami ang dadalaw sa bahay nila. Habang nakatingin ako sa bintana ng kotse nito nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko kaya napatingin ako dito. "B-bakit?" Pagtataka ko. Bigla naman itong ngumiti. Napapadalas na din ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa mga ngiti niyang bibihira ko nga lang makita eh madalas namang kabaliwan ng puso ko. "I want to give our marriage a chance. Gusto mo rin ba, Courtney?" Malumanay na sabi nito. "H-huh?" Naguguluhang reaksyon ko. "Pag-isipan mo na lang muna. Hindi kita minamadali." Parang disappointed na sabi nito saka inalis ang kamay na nakahawak sa kamay ko saka pinaandar ang sasakyan. "Stephen, galit ka ba?" Lakas loob kong tanong dito. "No." Tipid na sagot nito. "Talaga?" "Just shut up." Walang ganang sabi nito kaya napasimangot ako. Dumating kami ng school ko na nakasimangot pa rin ako. Hindi ako bumaba ng kotse niya. Isip bata na kung isip bata pero nagmatigas ako. "Bumaba ka na. Mali-late ka na." Hindi ko ito pinansin. Hindi ko ito sinunod. "Bababa ka o hahalikan kita?" Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa sinabi nito kaya agad kong binuksan ang pinto. Mas ikinagulat ko ang biglang pagtawa nito na ngayon ko na lamang narinig. "I was just joking. Talagang ayaw mong magpahalik sa akin ah." Natatawang sabi pa nito. "G*g*!" Biglang sambit ko saka ito seryosong napatingin sa akin na siya namang pag labas ko ng sasakyan niya. Hindi ko na ito nilingon pa. Hinayaan ko itong tawagin ako. -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook