Epilogue

555 Words
Epilogue [Stephen Monterren] I'm so happy whenever she's with me. I'm so in love with her. Thank you Lord for granting my prayers kahit marami akong nagawang kasalanan. Ako talaga ang nag-request ng Arranged Marriage na 'to sa parents ko at sila na ang gumawa ng paraan para sa akin. Masasabi kong gusto ko na siya noon pa man pero 'di ko pa nakukumpirma na kung ano nga ba ang lebel ng pagkagusto ko kung gusto ko lang ba talaga o mahal ko na talaga siya kaya mukhang napilitan lang din ako sa kasalan but deep inside ang sarap sa feeling na pakasalan ang taong gusto mo lalo na ang taong pinangarap mo. Ewan basta iba talaga ang pakiramdam ko. Noong araw na umalis ako at iniwan ko siya ay 'di ko na maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya ayokong masaktan siya kapag mali naman pala ang nararamdaman ko para sa kanya kaya minabuti kong kumpirmahin ang totoo kong nararamdaman in a way na paglayo. 'Yon lang kasi ang naisip kong paraan. 'Yung i-challenge ang sarili kong malayo sa taong gusto ko dahil kung mahal ko na nga siya syempre sa paglayo ko 'di mawawala ang pagmamahal na 'yon. Gusto ko makasigurado. Ayokong aasa siya sa akin na walang kasiguraduhan. Alam kong ang babaw ng paraan ko pero iyon lang ang paraan na alam ko noon. Naisip ko din na sa maikling panahong nakasama ko siya eh napapabayaan niya ang pag-aaral niya at ayokong maging hadlang sa pag-aaral niya kaya naging isa din 'yung dahilan ng tuluyan kong pag-alis. Nag iwan naman ako ng sulat no'ng araw na 'yon pero mukhang hindi naman niya nagawang maintindihan. Ang talagang plano ko ay uuwi ako after graduation niya ang kaso 'di ko na siya matiis lalo na no'ng nalaman ko sa private investigator ko na maraming pumoporama dito at may nag-iisang epal na seryosong pumoporama sa kanya at ayokong maagaw siya sa akin dahil sa kag*g*han ko. Kaya napauwi ako ng maaga. Hindi ko naman alam na ganoon na pala ang galit niya sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanya, nalaman ko na lang sa mga kaibigan niya. Alam kong immature tingnan ang mga nagawa ko kaya pinagsisisihan ko 'yon. Hindi nga talaga yata ako nakapag-isip ng maaayos. Nasa huli pala talaga ang pag-sisisi pero maaari nating gawing inspirasyon ang pag-sisising iyon para tayo'y bumangon at muling lumaban. Ipaglaban ang kung anong laban na ating nasimulan. I'm so thankful na worth it ang paglaban ko sa kanya and I'm looking forward to our future together with our own kids. "I have something to tell you." Bungad sa akin ng aking pinakamamahal na asawa. Kakatapos lang nitong maligo. Ang bango. "Say it." Nakangiting sagot ko. "We're going to Paris next week!" She excitedly exclaimed. Kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. "I already cancelled my meetings for next week." "Paano mo nalaman?" "You know my parents. Mas excited pa sila sa atin." Natatawang kuwento ko dito. "Akala ko pa naman ako unang magsasabi." Natatawa na ring komento nito. "I love you, Courtney." Madamdamaing saad ko na lamang. Ikinulong ko ito sa yakap. Yumakap din ito sa akin. "I love you more." Bulong naman nito saka humalik sa pisngi ko. Wala na akong mahihiling pa. - The End ❤ *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD