C13: Sweetness

931 Words
C13: Sweetness - [Courtney Indayo - Monterren] "Congrats!" Bati ng halos lahat ng nakakasalubong ko. "Thank you!" Sagot ko naman sa kanila. Katatapos lang ng graduation namin and celebration at the same time. "Tired?" Biglang tanong ni Stephen habang nag-da-drive. Pauwi na kasi kami ng bahay. Hawak niya lang ang kamay ko at marahang pinipisil ito habang nangingiti-ngiti sa pabaling-baling na pagsulyap nito sa akin. "Yes but worth it." I said, smiling. Nang makarating kami sa bahay sobra na akong inaantok pinilit ko na lang magbihis saka nahiga agad, nakapikit na ako ng makarinig ako ng mga yapak at alam kong si Stephen 'yon kaya 'di ko na tiningnan. Nakaramdam na lang ako ng paggalaw ng kama at pagdampi ng labi sa noo ko. "Good night. I love you wife." At 'yon ang huli kong narinig bago ako tuluyang nakatulog. - "This is it, Court! Your wedding again! But this time magpapakasal kayo because you love each other na talaga. We're so happy for you." Sabi ni Tyree na mukhang mas excited pa sa akin. "Basta kahit anong mangyari we're always be here for you, Court." Sambit naman ni Vivian. "Yeah!" Pagsang-ayon naman nina Petunia, Eirah, and Ariah. Nang matapos na akong ayusan. Sinundo na ako sa bahay ng parents ni Stephen. Sila daw ulit ang maghahatid sa'kin sa altar because my parents is not here anymore at alam ko kung nasaan man sila ngayon, masaya sila para sa akin. "Are you ready ija?" Tanong ng parents ni Stephen sa'kin. "Opo." "Let's go outside then." - After our wedding two months ago nag enjoy lang kami ng two weeks for our honeymoon na 'di ko naman napagbigyan. Kaya ayun nag enjoy kami, I mean ako in a way na kasama ko siya 'di ko lang alam kung siya din. After no'ng two weeks na nag training na ako sa company para makapagtrabaho na rin at matulungan ang company namin. Ayaw niya pa nga ako papagtrabahuin eh kaso sabi ko sayang naman ang pinagaralan ko kung 'di ko magagamit kahit ilang taon lang habang wala pa kaming planong mag anak. Eh wala namang nangyayari kaya ibig sabihin wala ngang balak pang magkaanak. Hanggang make out lang talaga napupunta ang paglalambingan namin eh. Hindi ko alam kung nananadya ang tadhana o pinipigilan ko talaga ang sarili kong magpaubaya. "Alis na ba tayo?" Tanong ko dito. "Tara!" Sabi nito na nakaakbay pa sa akin. Nang makarating kami sa company binati kami ng lahat ng nakakasalubong namin. Magkatabi lang ang office namin dahil 'yon ang gusto niya. Nang makapasok na ako sa office ko wala pang isang oras pinapapunta na ako sa office niya. Tinatanong ko naman kung bakit pero binabaan lang ako kaya pinuntahan ko na. "So, what do you want, Mr. Monterren at 'di pa man nag iisang oras eh pinapupunta mo na ako dito? Ano ako secretary mo?" Mataray na sabi ko na tinawanan niya lang. Lumapit naman ako sa kanya ng nakapamewang. "Bakit? Busy ba ang asawa ko?" Malambing na tanong nito kasabay ng paghila sa'kin nito kaya napaupo ako sa kandungan niya na siya namang pagyakap niya sa bewang ko at biglang pagdampi ng halik sa leeg ko. " 'Di naman. Pero ba't mo ba ako pinapupunta dito?" Tanong ko sa inilagay ang mga braso ko sa leeg niya. "Gusto kong lagi kang nasa tabi ko. Na-miss kita agad eh." Sambit nito at binaon ang ulo sa leeg na may pagsinghot pang nalalaman. Nakikiliti tuloy ako. Nahampas ko naman ng marahan ang mokong. "Seriously, Mr. Monterren? Magkasama tayo sa bahay at magkasama din tayo papunta dito so bakit mo pa ako namimiss?" Nakataas kilay na tanong ko. "Mrs. Monterren, I just need my inspiration here." Malambing na sambit nito na mas hinapit ako papalapit sakanya . "Hindi ka ba busy?" Seryosong tanong ko saka napatingin sa mga papeles sa table niya. "I'm always busy..." Malumanay na sagot nito na may pagbuntong hininga pa. "See? So I better go out na." Sabi ko saka tumayo pero hinila niya ako pabalik at hinigpitan ang pagyakap na para bang aalis ako na iiwan ko siya. "Busy loving my wife... Loving you." Sabi nito sabay halik-halik sa pisngi ko na 'di ko napigilang kiligin pero 'di ko pinahalata, "...I love you. I love you. I love you so much!" Madiing sambit nito saka ako binigyan ng magaan at nakakapanghinang halik sa labi. Hanggang sa nararamdaman ko ang paghimas niya sa bewang ko at marahang pagpisil nito na maya-maya'y pagbaba ng halik papunta sa leeg ko then back to my lips then went down to my neck again nang biglang magring ang telepono niya sa office kaya naitulak ko siya ng marahan pero 'di nagpatinag because he continue kissing me. " 'Y-yung...telepono mo..." 'di ko magawang matuloy ng maayos ang sasabihin ko dahil na hihirapan akong magsalita dahil sa mga halik niya, "B-baka im...portan..te..Ste..phen!" "But your much important." Pagrarason pa nito na may nakakalokong ngiti sa labi niya at nagpatuloy pa sa paghalik, binatukan ko nga, "ARAY!" Doon lang siya tumigil at nang akma na akong tatayo pinigilan niya nanaman ako. "Ano nanaman? 'di mo pa rin ba sasagutin?" Seryosong tanong ko. "I love you." Sambit lang nito sabay halik sa pisngi ko saka sinagot ang tawag. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko bago lumabas ng office nito. Parang ewan talaga 'yung asawa ko minsan. Nadaanan ko pa ang secretary niyang nangingiti sa akin. Mukhang nahalata ang pamumula ng buong mukha ko. Sh*t! Lagi siyang ganyan ngumiti sa akin. Parang lagi kaming may nagagawang kalokohan sa loob ng opisina ng asawa ko. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD