Pagkalipas ng ilang araw ay kinontak siya ng mga kaibigan niya at nagsuggest ang mga ito na magkita-kita sila. At dahil alam ng mga ito na kasama niya si Alexis sa iisang bubong ay nagpasya ang mga itong bibisitahin siya ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag na lang sa gusto ng mga ito pero aniya ay kailangan muna niyang magpaalam kay Alexis. Pinuntahan niya si Alexis sa kwarto nito ngunit wala ito roon. “Si Alexis?” tanong niya sa isang maid na tila mas matanda lang sa kanya ng ilang taon. “Nasa gym po señorita.” Magalang sa sagot ng katulong. “Sige, salamat.” Aniya at agad siyang tumungo sa gym na nasa 2nd floor. Nandoon din ang library at mini office pati na rin ang mini bar at may ilang guest room. Pagpasok niya sa gym ay agad niyang nakita si Alexis sa isang maliit

