Kinabukasan ay laglag ang mga balikat na umuwi ang mga kaibigan niya na hindi man lang ng mga ito nasilayan si Alexis. Babalik na lang daw ang mga ito sa ibang araw pero dapat daw ay siguraduhin na niyang nandoon si Alexis at hindi aalis. Tumango na lang aiya sa mga ito pero deep inside ay hindi naman niya susundin ang mga ito. Her friends would only flirt with Alexis at ayaw naman niyang makita iyon. Maging siya ay nagtaka na rin dahil kahit tanghali na ay tila hindi pa rin ramdam ang presensiya ni Alexis sa mansiyon. Hindi na lang din siya nagtanong sa mga katulong kung nandon ba si Alexis o umalis ito ng mansiyon dahil baka makarating pa kay Alexis na hinahanap niya ito at kung ano pa ang isipin nito. Pagsapit ng hapon ay naisipan niyang manuod ng movie sa kwarto niya para malibang

