Maagang pumasok sa trabaho si Ghian kinabukasan dahil ngayon nila makikilala ang bagong may-ari ng pinagtatrabahuhan niya. There isn’t any hint kung sino ang bago nilang big boss at maging ang manager nila ay hindi pa ito nakikilala. Nang lahat na silang magkakaopisina ang naroon at nakatayong naghihintay sa opisina ng manager ay panay ang bilin sa kanila ng manager nila na wag daw silang papalpak at pag tinanong daw sila ay dapat alam nila ang sagot. “Eh Sir bakit po ba kailangang nandito kami? Bakit hindi na lang po kami maghintay sa table namin para makita ng bagong may-ari na nagtatrabaho kami?” tanong ni Teresa. “Aba malay ko basta iyon ang utos kaya sumunod na lang tayo!” istriktong sabi ng manager nila at bahagyang pinanlakihan pa sila ng mga mata. Saglit pa ay may tumawag s

