Matapos nilang kumain ay inihatid siya ni Mory sa boarding house niya. Malayung-malayo na ang ang klase ng buhay niya ngayon kaysa sa buhay niya noong nasa poder pa siya ni Alexis, at malayung-malayo ang klase ng tinitirhan niya kumpara sa tinitirhan ng mga mayayaman. Ganun paman ay wala siyang narinig ni anumang reklamo o pangmamalit sa kanya ni Mory hanggang sa maihatid siya nito at masilip nito ang loob ng maliit niyang boarding house. Gusto niya kasing ipamukha kay Mory na hindi siya ang nababagay rito ngunit nginitian lang siya nito. “I’ll get going. Pag-isipan mo ang sinabi ko Ghian. You don’t deserve to be treated that way Ghian, know your worth. Please let me treat you how a man should treat a woman.” Dahan-dahang lumapit sa kanya si Mory at hinalikan ang pisngi niya bago i

