“Mauna na kami.” Walang kamali-malisyang paalam sa kanila ni Mory habang papatapos na sila ni Alexis na kumain. Nakatayo na ang mga ito at handa nang umalis. Ngumiti si Alexis at tumango rito at ganoon din ang ginawa niya. Tila wala namang iniisip na kakaiba si Alexis at mukha ngang kumportable na si Alexis kahit halos kasama lang nilang kumain si Mory. Sumulyap siya kay Angie ngunit ni hindi ito sumulyap ulit sa kanya at seryoso rin ang mukha nito. Naglakad na ang dalawa habang nakaalalay si Mory kay Angie at hawak pa ng lalaki ang beywang ni Angie. Napansin niyang sinundan ng tingin ni Alexis sina Mory na parang namamangha ito. “Who would have thought…” wala sa loob na nasabi ni Alexis sa sarili nito ngunit bahagya lang niya iyong narinig. Umiling-iling pa ito habang nakangiti ba

