Few months before Alexandra’s first birthday, they flew to the US. Sa airport pa lang ay sinalubong na sila ng Tito Erick ni Alexis kasama ang asawa at anak nitong binata na. “Ito na ba ang maganda kong apo? Oh boy, manang-mana sa’yo Alexis itong anak mo. A real Montalban. How are you little girl?” kay baby Alexandra agad lumapit ang mag-anak at agad pa itong inagaw kay Alexis ng Tito nito. Ngumiti naman agad ang anak nila na lalong ikinatuwa ng kamag-anak ng asawa niya. “By the way, Tito, Tita, Kiel, this is my lovely wife, Ghian.” Bahagya siyang nakaramdam ng hiya sa paraan ng pagpapakilala sa kanya ni Alexis. There’s that sweet tone the way he introduced her to his relatives. “Mommy, si Tito Erick, Tito Lorna and this is my cousin Kiel.” Hindi nagbago ang ekspresyon ng mga

