Sa mga sumunod na araw ay napadalas ang pag-alis ni Alexis. Sa tuwing umaalis ito ay nakasuot pa ito ng suit at base sa hitsura nito kapag umaalis ay trabaho ang inaasikaso nito pero kahit isang beses ay hindi siya nangahas tanungin ito. Bahagya na ring nabawasan ang mga pagkakataong inaangkin siya ni Alexis na lihim niyang ipinagtaka. Maybe his woman from states is really pleasuring him better than her. At siguro, kada umaalis si Alexis ay nakikipagkita ito sa babaeng iyon. With that thought ay naisip niyang subukang tumakas habang wala si Alexis. Hindi na siya nagdala ng mga gamit niya at agad na lang niyang tinungo ang gate. Nadatnan niya sa gate ang dalawang guwardiyang siya ring nakabantay nang gabing tumakas siya sa mansiyon 4 years ago. Pang umaga pala ang toka ng mga ito ngay

