Kinagabihan, alas sais pa lang ay nakahanda na si Ghian para makipagkita kay Mory. Doon na lang siya magdidinner sa restaurant kung saan sila magkikita o kaya ay mamaya na lang siya kakain dahil wala pa naman siyang gana. Or maybe she’s just thinking a lot of things kaya hindi pa siya nakakaramdam ng pagkagutom. Paglabas niya sa kabahayan ay naghihintay na pala sa kanya si Rodel, ang driver niya noon pag pumapasok siya sa paaralan at kasalukuyan pa rin pa lang driver sa mansiyon. Pagkalabas ng kotse sa gate, nang lumiko ang sasakyan ay napansin niya ang kotseng nakasunod sa likod nila. Hindi tinted and window glass ng sasakyan kaya namukhaan niya si Alexis na siyang nagmamaneho niyon. Halata ring mamahalin ang kotse na iyon kaya parang imposibleng kung sinu-sino lang ang magdadrive n

