Bandang hapon na nang makabalik kami sa opisina. Hindi pa rin tumatawag o nagte-text man lang si Stan. Hindi ko na rin itinuloy pa na makipagkita sa detective. Sinabi ko na lang na ipadala sa akin sa apartment ko at doon ko na lang babasahin. Nakokonsensya pa rin kasi ako. Bigla kong naisip, paano kung pinaimbestigahan din ako ni Stan? Hindi nga naman maganda sa pakiramdam. Pero paglabas ko ng opisina noong uwian na ay mabilis na kumabog ang puso ko nang mamataan ang isang pamilyar na sasakyan. Kulang na lang ay parang bata ko iyong takbuhin. Nangingilid na rin ang mga luha sa mga mata ko at agad akong natigilan nang bumukas ang pintuan niyon. “Hi! Let’s go?” nakangiting yaya niya sa akin. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang namuo sa mga ito. Mabilis akong sumakay at nang s

