Buong panahon ng hapunan ay masayang-masaya kami. Hinayaan niya lang akong magtanong nang magtanong ng mga tungkol sa kaniya. Pero iyong iba raw ay mamaya na lang niya sasabihin dahil baka may ibang makarinig pa rito. Nagpahinga na rin at kumain iyong mga musikero kanina. “Ihahatid mo na ba ako pauwi?” natanong ko nang matapos ang dinner namin. Talagang sinagad niyang hanggang alas diyes ng gabi. Nakausap pa namin iyong manager ng resto kanina. Halos hindi matapos-tapos ang pagpapasalamat niya at ng mga crew kay Stan. Bukod daw kasi sa hindi sila masiyadong napagod ngayong araw, lahat pa sila ay binigyan ni Stan ng tip. Pati nga iyong mga guards ay damay din sa pa-bonus ni Stan. “Nope, you will spend this Saturday night and the Sunday with me,” hindi man lang niya ako tiningnan nang

