Third Person POV Pagkatapos ng tawag ni Royvin sa kapatid niyang si Raiza ay agad niyang idinayal ang number ng daddy niya. Nakailang attempt na siya ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Siguro ay abala ito ngayon. Ngunit umagang-umaga pa lang sa Pilipinas kaya imposible namang may ginagawa na agad ang daddy niya. Iyan ang laman ng isip niya pagkatapos sumuko at napagpasiyahang tatawagan na lang ulit mamaya ang daddy niya. Bandang alas-otso na ng gabi nang magtungo si Royvin sa isang Jewelry shop kung saan niya kukunin ang ipinagawa niyang singsing para kay Raiza. Nakaplano na ang lahat sa isip niya at iyon ang isa pang gustong niyang sabihin sa daddy niya. Nakangiti siyang pumasok sa shop at agad namang binati ng mga saleslady na nakatalaga roon. “I’m here to get my order please,” sabi

