Melinda’s POV “Kuya!” tawag pansin ko kay kuya Martin dahil bihis na bihis ito at may dalang malaking basket na may magagandang bulaklak. Nakangiti itong lumingon sa akin. “Aakyat ka na naman ba ng ligaw kay Jewel?” kinikilig na tanong ko. Agad lumapad ang pagkakangiti niya saka ako tinanguan. “Tingnan mo nga ang itsura ko, poging-pogi na ba ang kuya mo?” masayang tanong nito at ibinuka pa ang dalawang kamay para ipakita sa akin ang buong itsura niya. Nakasuot siya ng itim na pantalon at long sleeve na sky blue ang kulay. Nakatupi ito hanggang siko at naka-tucked in. Ang buhok naman niya ay nakaayos palikod o iyong tinatawag nilang brushed-up hairstyle. Sunod-sunod akong tumango pagkatapos siyang sipatin mula ulo hanggang paa. “Ayos na ayos kuya! Sigurado, sasagutin ka na no’n ngayon!

