Nagising ako nang may humahalik sa leeg ko. Ang mainit na buga ng hininga sa balat ko ay nagpapatayo ng mga balahibo ko. Malamig iyong hangin na galing sa aircon pero hindi ko dama dahil sa pag-iinit ng katawan ko. Napansin niyang gising na ako kaya mabilis niya akong siniil nang mapanakop na halik. Kung kanina ay medyo inaantok pa ako, pero dahil sa halik na iyon ay nagising na talaga ang diwa ko. Nang damahin niya ang dibdib ko ay doon ko lang napagtantong wala na pala akong suot na kahit isang damit. Ganoon ba katindi ang pagod ko at ni hindi ko man lang naramdamang hinubaran na niya ako? Bahagya akong nagdilat ng mga mata upang tingnan ang oras at alas tres pa lang ng madaling araw! Kung kanina ay nasa gilid ko lang siya at nakayakap sa akin, ngayon naman ay nasa ibabaw ko na siya at

