Chapter 2 Ashnea’s Eyes

1323 Words
Hindi ko naiwasan ang hindi mapasinghap nang makita ang maluwang at napaka-eleganteng receiving area na tumambad sa paningin ko. Mataas ang ceiling na mayroong dalawang higanteng chandelier. Cream at gray ang kulay ng loob kung saan sa gita ay may malaking set ng itim at puting sofa. Halos bawat gilid na madapuan ng paningin ko ay may malaking paso na may halaman. Napaka-refreshing naman ng loob. Parang ang sarap-sarap tumira rito. Parang ayaw ko na yatang umuwi kapag ganito kaganda ang bahay na titirhan ko. Isang banayad na tikhim ang umagaw ng pansin ko at mula sa pintuan sa kaliwa na ngayon ay nakasara na ay lumabas si lolo. Nakapulupot sa braso niya ang mga kamay ni lola. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako habang pinagmamasdan silang papalapit sa akin. Alam ko nang pareho silang maganda at guwapo pero hindi ko naman akalaing triple pala sa personal. Pansin ko ang gray na kulay ng mata ni lolo na kagaya ng sa akin. Sa aming magkakapatid ay ako lang ang naiiba ang kulay ng mga mata. Nakuha ko pala ito kay lolo kasi parehong brown naman iyong kina mommy at daddy. “Hija, halika at maupo ka. Bakit nakatayo ka lang diyan?” Ang malamyos na boses ni lola ang agad na nagpangiti sa akin. “Ikaw na ba ang anak nina Jewel at Samuel?” kasunod namang tanong ni lolo na sinipat pa ako mula ulo hanggang paa kaya ninerbyos na naman ako. Ano ba ito, para naman akong haharap sa hukuman sa nararamdaman ko. “Magandang araw po lolo, lola. Ikinagagalak ko po kayong makilala nang personal. Grabe po ang bata-bata ni’yo pa po palang tingnan sa personal!” hindi ko napigilang bulalas. Mahinhing tumawa si lola saka bumitiw sa pagkakakapit sa braso ni lolo at lumapit sa akin. Ginagap niya ang mga kamay ko at ngumiti ng ubod tamis. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Iginiya niya ako hanggang sa makaupo na kami sa sofa. May dalawang unipormadong katulong naman ang kumuha ng trolly bag na dala ko at dadalhin daw sa magiging kuwarto ko. “Ikinagagalak ka rin naming makita at makilala apo. Napakaganda mong bata. Alam mo bang kamukhang-kamukha mo ang lolo mo,” malambing na sabi nito at nilingon pa sa asawa na bahagyang ngumiti at tumango sa kanya. “Ipinapasabi mo nina mommy na sorry dahil hindi sila nakarating. May disgrasya po kasing nangyari sa factory ni daddy kaya kailangan nilang asikasuhin lalo at may ilang dinala sa ospital,” kiming pagpapaliwanag ko. Sa totoo lang ay magaan na agad ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa kaya lang medyo natatakot pa rin ako kay lolo. Napakaseryoso at napakapormal ng mga gawi nito kaya kinakabahan akong may magawa akong mali at mapagalitan niya. “Naitawag na iyan sa akin ni Jewel. Gayun pa man ay masaya ako dahil kahit paano ay nakita ko na ang isa sa mga apo ko sa kanya.” Napalingon kami pareho kay lolo nang magsalita ito. Ang guwapo-guwapo ni lolo. Kaya kung kamukha ko siya, ibig bang sabihin noon ay maganda rin ako? Well, marami namang nagsasabing maganda talaga ako pero siyempre mahirap naman maging assuming. Pero ngayong nakita ko na ang mukha ni lolo hindi ko maiwasang hindi kiligin. “Gaano katagal mo naman gustong mamalagi rito? Marami akong gustong malaman tungkol sa iyo at sa mga kapatid mo. Ikuwento mo sa amin ang lahat, okay?” masuyong saad ni lola at sunod-sunod ang naging pagtango ko. “Mamayang gabi ay darating dito ang ang dalawang kuya ng mommy mo at ang mga asawa nila. Gayun din ang bunso na si Sapphire,” pagbibigay-alam ni lola. Nakaramdaman ako ng excitement sa sinabi niya. Puro galing sa mamahaling bato ang pangalan nilang magkakapatid nina mommy. Si uncle Jade iyong panganay at si uncle Jasper iyong pangalawa. Si mommy ang pangatlo at si tita Sapphire iyong bunso. Halos dalawang oras pa ang itinagal ng pagkukumustahan at kuwentuhan namin nina lolo at lola. Tuluyan nang napawi ang pangamba at takot ko sa kanila dahil napakabait nila sa akin. Wala rin silang binanggit na anumang masama tungkol sa mga magulang ko. Masaya pa nga sila nang ipakilala ko ang mga kapatid ko. Mula sa cellphone ko ay ipinakita ko rin ang mga pictures nila. Pero sa huli ay napag-alaman kong nag-hire pala si lolo ng detective na palaging umaalam sa kalagayan namin mula pa noon at nagbabalita ng lahat sa kanila. Nang makita raw nilang masaya na si mommy kasama kami ay napagpasiyahan na lang nilang magpatawad at kalimutan ang lahat. Inanyayahan ko rin silang mamasiyal sa bahay namin at tiyak na matutuwa sina mommy at daddy, lalo na sina ate at Joshua. Kinahapunan ay abala na ang lahat sa paghahanda ng hapunan. Dumating na rin ang dalawang uncle ko kasama ang mga pamilya nila. Si uncle Jade ay dalawang nagguguwapuhang lalaki ang anak habang si uncle Jasper naman ay Babae ang panganay at lalaki ang bunso. Si mommy pa pala ang may pinakamaraming ambag na apo sa pamilya nila. Bahagya akong napahagikgik sa naisip ko. Habang nakaupo ako sa resting area sa gilid ng garden ay napaunat ako nang may tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako nang mamataan si tita Sapphire. Si tita naman ang younger version ni lola. Si mommy kasi kapag titingnan mixture siya ng looks ng mga magulang niya. “Ayos ka lang ba rito? Hindi ka ba nabo-bored?” malambing na tanong nito. Maagap akong umiling at sinuklian siya ng matamis na ngiti. “Hindi po tita. Ang ganda-ganda nga po rito. Ang sarap sigurong tumira rito ano? Sariwa ang hangin at napakaganda at payapa ng paligid. Malayong-malayo sa maingay at maruming siyudad,” sagot ko sa kanya. Lalong lumapad ang ngiti nito at tinabihan ako. Bahagya akong umusog para bigyan siya ng mas malapad na espasyo. “Tama ka. Ito ang lugar kapag gusto mong makapag-relax at magkaroon ng peace of mind. Pero dito na ako lumaki kaya parang nagsawa na rin ako,” nagpakawala siya nang mahinang tawa bago nagpatuloy. “Don’t get me wrong. I love this place however, I felt like I am a prisoner here. I was ten years old when your mom ran away with your father. And since then, our father became stricter especially in entertaining suitors for me. Imagine, thirty-four na ako next month pero hanggang ngayon wala pa rin akong matatawag na boyfriend s***h husband-material,” pagpapatuloy nito. May himig nang pagbibiro iyong dulong bahagi nang sinabi niya pero ang ngiti niya ay hindi umabot sa mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung ano’ng sasabihin sa kaniya. “Siguro po hindi ni’yo pa nahahanap si Mr. Right,” pabirong sagot ko pero tumawa lang ito nang mapakla. “Paano ko naman mahahanap iyong kung lagi lang akong nakakulong dito. Alam mo sa totoo lang gusto kong tumira sa Maynila at magtrabaho roon. Kaya lang ayaw ni papa dahil mas kailangan daw nila ako rito. Alam mo inggit na inggit ako kay ate Jewel kasi nahanap at natupad niya iyong buhay na gusto niya kasama ang daddy mo…” malungkot na pahayag ni tita. Bigla tuloy akong naawa sa kanya kaya hinaplos ko ang kamay niyang malapit sa tabi ko. Nilingon niya iyon at saka malungkot na ngumiti. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay puno na ng luha ang mga mata niya kaya naalarma ako. Umiling naman siya at ngumiti nang mapait nang makita ang reaksiyon sa mukha ko. “Huwag mo akong alalahanin, Ashnea. This is the first time na may napagsabihan ako ng tunay kong nararamdaman. Thank you, my gorgeous niece,” nakangiting saad niya at pinahid ang mga luhang bumalong mula sa kanyang mga mata. Masiyado namang old fashion iyong si lolo. No wonder kaya sinuway siya ni mommy. Grabe, ilang taong na si tita Sapphire pero kung ituring niya parang bata pa rin. Kawawa naman talaga siya. Naisaloob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD