Chapter 1 Isla Camiguin

1240 Words
Ashnea’s POV “Mom, bakit mag-isa ko lang na magbabakasyon doon? Akala ko po ba magkakasama tayong pupunta doon?” reklamo ko sa mommy ko nang sabihin niya sa aking hindi na sila makakasama sa bakasyong matagal na naming pinagpaplanuhan. Maging si ate ay hindi rin sasama dahil nga masiyado na siyang busy sa pag-aasikaso para sa nalalapit niyang kasal. Ito ang unang pagkakataong makapupunta ako sa Camiguin kung saan nakatira ang pamilya ni mommy. Ito rin ang unang pagkakataon dahil mula pa noong bata kami ay hindi nagkukuwento sina mommy at daddy tungkol sa pamilya ni mommy. Kilalang-kilala namin at malapit kami sa pamilya ni daddy pero ito talaga ang unang pagkakataong makikila ko ang mga relatives namin sa mother side. “Anak, napag-usapan na natin ito. Nagkaproblema sa factory natin kaya kailangan naming asikasuhin iyon ng daddy mo. Kapag hindi nabigyan ng pansin iyon siguradong mas malaking problema ang kakaharapin natin,” pormal na tugon ni mommy. Medyo masungit pa nga ang pagkakasabi niya at pinandidilatan pa ako kaya nanlumo tuloy ako. “Kung gano’n hindi na lang din ako pupunta. Sabay-sabay na lang po tayo kapag puwede na tayong lahat,” nayayamot kong pahayag kaya lalong naningkit ang mga mata ng mommy ko. namaywang pa ito nang tingnan ako nang Pagalit. “Almost thirty years na mula noong itakwil ako ng mga magulang ko dahil sa pagpapakasal ko sa daddy mo. At ngayong napatawad na nila ako at handa na silang makipagkita ulit sa amin ay malaking bagay para sa akin. Sa atin. Kung hindi lang dahil sa emergency situation ay hindi rin naman ako papayag na hindi sila makitang muli pagkatapos nang mahabang panahon. Kaya nga ikaw ang pinakikiusapan ko ngayon para naman hindi nila isiping nagmamatigas pa rin ako hanggang ngayon,” mahabang litanya ni mommy. Actually, kahapon pa niya ito sinasabi sa akin. Hindi lang talaga ako kumportableng bumiyahe mag-isa papunta roon lalo at hindi ko naman talaga sila kilala. Ipinakita na sa amin nina mommy ang mga pictures nina lolo at lola pati na rin ang mga kapatid ni mommy at ang mga asawa ng mga ito. Gayun pa man, kinakabahan pa rin ako dahil ngayon ko pa lang sila makikilala ng personal tapos mag-isa ko pa. Ayaw din naman sumama no’ng bunso naming kapatid kung wala sina mommy at daddy. Sa huli, kahit napakaraming katuwiran at reklamo ang ipinakita ko sa mga magulang ko, ang ending narito pa rin ako sa biyahe. Isang medyo maharot na lalaki pa itong katabi ko sa eroplano dahil ramdam ko ang ilang beses na paninitig niya sa akin. Kahit nagpapanggap akong hindi ko napapansin ang ginagawa niya ay naiirita pa rin ako. Napakapresko ng dating at akala mo kung sinong guwapo. Kaya ang ginawa ko ay isinuot ang hood nitong sweater sa ulo ko saka ikinabit sa dalawang tainga ko ang Bluetooth earphone ko saka nagpatugtog ng music at pumikit. Susubukan ko na lang matulog kaysa makunsime rito sa sa katabi ko. Huwag lang siyang gagawa ng kalokohan dahil talagang bibigwasan ko siya. Medyo mataas na ang sikat ng araw nang marating ko ang islang kinaroroonan ng hacienda ng lolo at lola ko. Ayon kay mommy maluwang ang plantasyon ng niyog, sagingan at cassava ng mga magulang niya. Ang pamilya daw nila ang isa sa pinakamayamang angkan dito sa Camiguin. Kaya nga noong magpasya ang mga magulang niyang ipakasal siya sa isang binatang galing din sa mayamang angkan ay tumanggi siya dahil nagmamahalan na raw sila ni daddy noon. Si daddy daw ay nagtatrabaho sa koprahan nila noon kung saan sila unang nagkakilala. Mula nga noon ay palihim na silang nagkikita hanggang sa tuluyang mahulog ang loob sa isa’t isa. Pinalayas daw sila ni lolo noon dahil nga buntis na si mommy kay ate. Ang mga isiping ito ang naglalaro sa isip ko nang sa wakas ay marating ko na ang higanteng gate ng mansiyon nila. Grabe naman ang lawak ng bakuran. At malayo pa mula sa gate iyong bahay kaya nagtataka ako kung paano ako magtatao po rito. Maririnig kaya nila ako sa loob? Sinipat ko ang gate kung may pindutan ba ng doorbell dito pero bago ko pa man iyon mahanap ay bumukas na ang gate. Napapitlag pa ako dahil hindi ko ito inaasahan. Bumukas ang gate ng wala namang tao. I mean, hindi na ako bago sa mga automatic na gates dahil mayroon din niyan sa subdivision na tinitirhan namin. Kaya lang probinsiya kasi ito kaya medyo nakakagulat lang ng konti. Slight lang. Isang matandang lalaking mabilis ang paglakad ang papalapit sa kinaroroonan ko dahil nakatunganga pa rin ako sa labas kahit nakabukas na ang gate. Sinikap kong ayusin ang sarili at sinimulan nang pumasok. “Magandang tanghali po seniorita. Kayo na po ba si Seniorita Ashnea?” magalang na tanong nito. Mukha itong kinakabahan at nahihiya dahil halos hindi ito makatingin ng diretso sa akin. Alanganin din ang mga ngiti niya kaya napagpasiyahan kong bigyan siya ng matamis na ngiti lalo at tinawag niya akong seniorita. Well, ang sosyal no’n promise! “Opo, manong. Ako nga po si Ashnea Emerald Ramirez. Ang anak po nina Jewel at Samuel Ramirez,” maagap na tugon ko. Napangiti ito at tumango. “Tayo na po sa loob seniorita. Kanina pa po kayo hinihintay ni Don Fernan at Donia Eliza,” pagbibigay-alam nito sa akin. Doon biglang dumagundong na naman ang dibdib ko. Nagsimula na kaming lumakad patungo sa mansiyon at hindi ko mapigilan panginigan ng tuhod. Bigla ay parang gusto ko na namang mainis kay mommy dahil sa sitwasiyong kinalalagyan ko ngayon. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga sa paligid. May iba’t ibang mga puno at halaman ang nakatanim sa buong paligid ng bakuran. Pero ang pinakaumagaw ng atensiyon ko ay ang magandang hardin sa bandang kaliwa ng malaking bahay na ito. May arkong bakal papasok sa garden na napapalibutan ng halamang gumapang sa katawan ng arko upang magsilbing pinakadisenyo nito. At sa tabi nito mismo ay may dalawang nakatayong rebultong may pakpak at may hawak na malaking banga. Sa bawat banga ay may halamang napakaganda ng bulaklak. Ano kayang halaman iyon? “Seniorita, mamaya ni’yo na po tingnan iyang garden. Baka po mainip na sila sa paghihintay sa loob,” untag nitong matandang lalaki sa akin. Huminto na pala akong maglakad dahil natulala ako sa ganda nitong garden. “Manong, ano nga po pa lang pangalan ninyo?” magalang na tanong ko. Kanina ko pa sana itatanong kaya lang naagaw ang atensiyon ko sa sobrang ganda nitong mansiyon at bakuran nina lolo. “Ako nga po pala si Isko. Ako ang hardinero at driver ng lolo ni’yo mula pa noon. Pasensiya na po kayo kung hindi ako nakapagpakilala agad,” paliwanag nito. Umiling naman ako at binigyan siya ng maluwang na ngiti. “Naku wala po iyon. Ikinagagalak ko po kayong makilala Mang Isko,” malambing na pahayag ko. Bahagya pa itong natawa sa tono ko. Siguro ay hindi niya aakalaing sweet ako. Nang matapat na kami sa pintuan ay muling tumambol ang dibdib ko. Lakas ng loob please lang huwag mo akong iiwan. Hindi naman siguro ako pagbubuntunan ng galit ng mga lolo at lola ko sa kasalanan ng mga magulang ko ‘di ba? Saka kaya nga ako nandito dahil napatawad na nila sina mommy at daddy. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan nang buksan ni Mang Isko ang pintuan at sumalubong sa akin ang isang marangyang sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD