Paggising ko ay bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Marco na nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. “I think I can’t let you go…” anas nito habang hinahaplos ang pisngi ko. “We can still see each other, right? Unless…” nahihirapan akong ituloy ang sasabihin dahil parang may bumikig sa lalamunan ko. “Unless what?” seryosong tanong nito kaya napalunok ako. “Unless, you are married?” patanong na tugon ko. Tumawa ito nang mahina saka umiling. Napangiti naman ako at parang tumalon ang puso ko. Seriously, bakit nga ba ako natuwa? “Why are you smiling like that?” nakataas ang kilay na tanong niya. “Siyempre mahirap maging kabit ‘no! Sa ganda kong ito gagawin mo lang akong kabit? Ayoko nga!” nakairap na litanya ko kaya lalo itong natawa. Ang guwa

