Kabanata 8

2072 Words

TATLONG araw akong nagkulong sa kwarto ko, ni hindi ko alam kung buhay pa ba ako dahil sa bawat segundo ay pinapatay ako ng alalahanin na baka ako nga talaga ang may kasalanan at hindi si Ryu. Tahimik akong umiiyak habang nakaupo sa harap ng aking study table, inaabala ang sarili sa paggagawa ng mga bagong jewelry design. Wala akong pinapasok sa kung saan ko piniling magtago, kahit si Ate Zeleste na nakikiusap ay hindi ko pinagbuksan. May mga pagkakataong nakalilimutan ko nang sandali ang problema, ngunit madalas ay nakatulala lamang ako sa harap ng isang papel, tinitimbang ang mga pangyayari sa aking buhay. May magbabago ba kung pumayag akong magpakasal sa kaniya ngayon? Natatakot akong baka magiba na nang tuluyan ang mundo ko kung pagbibigyan ko ang kagustuhan nilang lahat. Hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD