HINDI na ako muling nakatulog dahil sa kaiisip kung paano makakatakas sa problema namin ni Ryu. Buong magdamag akong nakatulala sa kawalan at paminsan-minsan ay lumilipat ako ng pwesto upang mapagmasdan ko siya. Kung maaari lang na makalimot kaagad ang puso ko sa kaniyang ginawa, pero hindi, e. Sobrang lalim ng sugat na ibinigay niya sa akin at pakiramdam ko’y maglalatay iyon ng matagal na matagal sa aking buong pagkatao. Inabot na ako ng madaling araw at nang magising siya ay kaagad kong sinabi na uuwi na kami sa Laquiero. He was neither happy nor sad on knowing my decision. Sa unang pagkakataon ay hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. “Pwede bang dito muna tayo kahit isang araw pa?” he requested as he tried to catch my eyes. Kumunot ang aking noo, gusto ko siyang tanungin ng

