Kabanata 6

2043 Words
NABITAWAN niya ang dalawang malaking bag na hawak niya nang masaksihan ang pagsiklop ng mga palad namin Blade, dahilan upang mahulog ang kaniyang mga gamit sa buhangin. Kasabay niyon ay ang pagdarabog ng aking damdamin, nagtataka kung bakit bumibilis pa rin ang pagtibok ng puso ko sa tuwing makikita ko siya. Mabilis kong iwinaksi ang pakiramdam na tinatakasan ko. Itinuon ko kay Blade ang aking pansin sa pamamagitan ng pagsulyap at pagngiti sa aking bagong kaibigan. Sinubukan kong planuhin na saktan siya sa pamamagitan ni Blade, ngunit sa huli ay hindi ko kinaya. Naisip kong pareho lang kaming lalong masasaktan at hindi ko rin gustong madamay sa gulo namin si Blade. “S-sino siya, Zemira?” dahan-dahan at mahinang tanong ni Ryu na nagpasidhi ng pagtibok ng aking puso. “Bakit ang dali mo akong ipagpalit?” punong-puno ng malungkot na emosyon na litanya niya habang titig na titig sa magkasiklop na palad namin ni Blade. He’s mad, however his emotions suddenly changed when our eyes met for seconds. Sandali siyang natahimik na parang tinitimbang ang mga nangyayari. Makikita sa kaniyang ekspresyon na gusto niyang manumbat, ngunit mas namayani sa kaniya na intindihin ako at ang sitwasyon naming dalawa. Doon ko napagtanto ang isang bagay. Kahit gaano kalaki ang galit ko sa kaniya ay hindi ko basta-basta makalilimutan na mahal ko siya, na hanggang sa mga oras na ito ay umaasa pa rin akong nananaginip lamang ako. Marahan kong tinanggal ang pagkakasiklop ng mga palad namin ni Blade pagkatapos ay umalis ako sa pagkakatago sa likuran niya upang harapin ang lalaking nagpapasakit sa aking puso. His eyes glittered with tears as he slowly shook his head. Ang dapat na pagkatuwa dahil nakita siya ay mabilis na naglaho nang maalala ko ang lahat ng nangyari. Sumikip na naman ang aking dibdib, parang hindi ko na kayang gumalaw pa sa aking kinatatayuan dahil sa hapding dumadaloy sa aking buong sistema. Naitanong ko tuloy sa langit kung bakit. Bakit ang lupit ng tadhana para sa aming dalawa? Bakit hinayaan ng Diyos na sa ganitong dahilan kami maghihiwalay? “T-tell me, he’s nothing. Maniniwala ako sa’yo,” he muttered painfully before he looked away. Nag-init ang gilid ng aking mga mata at nagingilid ang aking mga luha dahil sa mga pagsusumamo niyang hindi ko na kayang tanggapin. “Where’s Papa? Bakit ikaw ang nandito at hindi siya?” sunod-sunod kong tanong upang ibahin ang aming diskusyon. Hindi ko siya tinitigan sa mata, dahil nadudurog ako sa tuwing susubukan ko. Gumuguho ang aking mundo sa bawat pagpatak ng kaniyang mga luha na hindi ko kayang pahirin dahil mas matindi pa ang sugat na ibinigay niya sa akin. “Answer me, first. Sino siya, paano mo siya nakilala at bakit kayo magkasama?” Rinig na rinig ko ang panginginig sa kaniyang boses pati na rin ang takot na baka tuluyan na akong mawala sa kaniya. Napalunok na lamang ako at napasulyap kay Blade bago tuluyang bumagsak ang taksil kong mga luha. Sinasaway ako ni Blade, ngunit hindi ko na napigil ang pagkukumawala ng damdamin. Mula sa pagmamahal at awa na nararamdaman ko kanina ay sumilay ang pagkamuhi sa aking dibdib. Galit na galit ako sa kaniya, pati na rin sa buong mundo. “Hindi pa tayo hiwalay, Zemira, at hindi ako rin papayag. Sa akin ka lang, pumpkin,” pagmamatigas niya ngunit mahinahon ang pagkakasabi, kaya napasinghap na lang ako ng hangin pagkatapos ay sinamaan siya ng tingin. “Umuwi na tayo,” he added before he tried to grab my wrist, however I quickly moved away, making him looked at my hand that he wanted to hold. “L-let’s go home, please,” mahinang pagmamakaawa niya bago muling sinubukang hawakan ang aking palad, tila wala na siyang pakialam kung pagtinginan man kami ng mga tao sa paligid. “Hindi na ako magtatanong kung sino siya, basta sumama ka lang sa akin, pumpkin, please.” Mariin akong umiling at hindi pinakinggan ko ang mga sinasabi niya. “H-hindi ako uuwi kung ikaw ang kasama ko. Ryu, pagpahingahin mo naman ako. Hindi na kita kayang makita pa,” mahaba kong sagot kaya napaiwas siya ng tingin. Pinagsiklop kong muli ang mga palad namin ni Blade at sinenyasan ito upang humingi ng tulong. “Umuwi ka na,” I firmly told him before I pulled Blade away from the scene. Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay muli siyang magsalita na lalong nagpasakit ng aking damdamin. “Mahal kita.” Napabitaw ako kay Blade nang tila tumigil sa pagtibok ang aking puso nang marinig ko na naman ang mga katagang iyon na tumarak na naman sa aking dibdib. “Please, don’t hold his hand. Mahal kita, hindi nagbabago iyon.” Kung noon ay nakikiliti ang aking puso sa tuwing babanggitin niya iyon, ngayon ay para na lamang akong nilalampaso sa matutulis at magagaspang na bato. “Stop saying you love me! Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin!” I burst into tears before I faced him. Para akong tanga na gumagawa ng eksena sa harap ng maraming tao. Pagod na pagod na akong pakinggan na mahal niya ako pero sa tuwing tatanungin ko siya kung bakit niya ako nagawang lokohin ay tatahimik lamang siya at hindi siya sasagot. “I’m sor—” I raised both of my hands on air to stop him. Sawang-sawa na rin akong marinig ang mga pagpapaumanhin niya. Hindi napapagaan ng sorry niya ang nararamdaman ko dahil ang sakit-sakit sa tuwing babanggitin niya iyon. “Umalis ka na. Ang Papa ang kailangan ko, hindi ikaw.” Pinahid ko ng kanang kamay ang mga luha sa aking magkabilang pisngi bago huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. “Please don’t make me hate you so much. May pinagsamahan pa rin naman tayo bilang magkaibigan.” Pinilit kong maging mahinahon, ngunit napatigil ako sa pagsasalita nang lumapit siya sa akin at walang sabi-sabing lumuhod sa aking harapan habang humahagulhol ng iyak. “Ayaw ko. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi kita kasama. Mababaliw ako, pumpkin,” tugon niya ngunit bago pa ako makasagot ay hinila na ako ni Blade upang itago muli sa kaniyang likuran. "Bro, haven't you heard her? Hindi siya uuwi at hindi ko rin siya ibibigay sa'yo," sansala ni Blade na sumeryoso ang ekspresyon, pagkatapos ay humarap siya sa akin upang sabihin na tigilan ko na ang pag-iyak. Ngunit paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib nang makita ko ang miserableng si Ryu na nakaluhod pa rin at nagmamakaawa sa akin. Hindi niya pinakikinggan ang sinasabi ni Blade, pati na ng mga tao sa paligid namin. Para bang ang boses ko lamang ang gusto niyang pakinggan kaya hindi ko masisi ang sarili ko nang sundin ko na naman ang isinisigaw ng aking puso. Lumapit ako kay Ryu. Nanginginig ang aking mga tuhod kasabay ng mga pagsigaw sa loob ng akong dibdib, nakikipagtalo sa aking isip dahil gusto ko siyang yakapin at patahanin. “Ano pa ba ang gusto mo, Dela Riva?” Mahinahon kong tanong bago lumingon kay Blade na napailing na lamang sa pagkadismaya. Nagpaalam na lamang ito sa akin na mauuna na sa loob ng hotel. “One last chance, pumpkin,” he answered seriously as he showed me his index finger. “Marry me,” dagdag niya bago inilabas sa kaniyang bulsa ang singsing na pilit kong ibinalik sa kaniya noong nakaraan. Kaagad ko namang tinanggihan ang kaniyang wedding proposal. Hindi na kami babalik sa dati at kung ipipilit pa naming dalawa ang relasyon na wala ng tiwala ay pareho lamang kaming masasakal. “Ryu, hindi ganoon kadali ang lahat. Wala na tayo at hindi na kita babalikan. Hayaan mo na ako.” He didn’t answer but he reached my right hand, as he stood up. Nang magsalubong ang aming mga paningin ay halos matunaw ako sa paraan ng pagkakatitig niyang punong-puno ng halo-halong emosyon. “Masisiraan ako ng bait.” Sandali siyang tumigil at nagbuntonghininga. Dahil sa kaniyang paghikbi ay hindi na niya kayang magsalita pa ng maayos. “Kung gusto mo talagang gumanti. Papayag na akong tumabi ka sa ibang lalaki, pero pagkatapos niyon, akin ka na ulit. Babalik ka na sa akin. Tatanggapin kita ng buong-buo, pumpkin.” Natigilan ako at napanganga dahil sa kaniyang sinambit, kapagkuwan ay marahas kong tinanggal ang kamay niya sa akin. “Teka.” Naguguluhan ako habang iwinawagayway ang aking mga palad sa hangin pagkatapos ay umatras ako ng dalawang hakbang papalayo sa kaniya. “Bakit parang ako pa ang masama ngayon? Bakit parang ako ang may kasalanan ng lahat?” “Hindi ako gumaganti! Blade is my friend and he never took advantage of me,” malamig at seryoso kong salaysay habang patuloy na naman sa pagragasa ang aking mga luha dahil sa pinaghalong awa, habag at galit para sa aking sarili at sa kaniya. “I’m sorry. Ayaw ko lang naman na mawala ka sa akin, e. Don’t leave me here, pumpkin, please.” He was very quick to envelope his arms around me, that’s why I couldn’t move. “J-just for tonight.” I stammered while crying silently. Libo-libong pasasalamat ang natanggap ko sa kaniya habang nakakulong ako sa kaniyang mga bisig. Ngunit ang kasiyahan niya’y hindi rin nagtagal dahil sa sunod kong sinabi. “Pero pagkatapos ng araw na ito, hindi mo na ako pakikialaman. Hindi na tayo magkakilala. Forget about us, Ryu.” I closed my eyes, feeling all the bitterness inside my heart. “No, pumpkin,” argumento niya kasabay nang paghigpit ng kaniyang yakap, waring ayaw na ako pakawalan dahil sa kaniyang nalaman. Wala naman siyang nagawa dahil desidido na ako sa aking desisyon. Upang hindi na kami magkasakitan pa lalo ay mabuting simulan na naming kalimutan ang isa’t isa at ang anim na taon naming pagsasama bilang magkasintahan. Pareho kaming natahimik at hindi ko na rin siya pinansin pa hanggang sa makarating kami sa loob ng aking kwarto sa hotel. Um-order siya ng pagkain sana naming dalawa na hindi ko naman ginalaw dahil mas pinili ko na lang na mahiga sa kama at magtaklubong upang hindi niya na ako guluhin pa. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahil siguro sa pagod sa paghahanap sa ama ni Blade at sa pag-iyak kanina ay mabilis akong nakatulog. Nagising lamang ako nang maramdaman ang kaniyang pagyakap at nang marinig ko ang mahihina niyang bulong at paghikbi. “What can I do to win you back? Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Hindi ko kaya, pumpkin.” He buried his head on my nape while he was sobbing. “I’m scared of my future without you. Mas masakit sa akin na hindi ko natupad ‘yong pangako ko sa’yo. Ang gago ko,” he blamed himself and I didn’t know what to say. Mas pinili kong magkunwaring natutulog at ipagsawalang-bahala ang sinabi niya, subalit habang patagal nang patagal ay pasakit nang pasakit ang mga lumalabas na salita sa kaniyang mga labi na laban mismo sa kaniyang sarili. Gusto ko siyang kausapin ulit, pero natatakot akong ibigay muli ang tiwala kong binasag na niya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang mahinang humahikbi. Alam kong alam niya na rin na nagising niya ako kaya lalo niyang akong niyakap ng mahigpit, tila ipinararamdam na ako lang talaga sa buhay niya. “I love you,” he mumbled as he kissed my hair. "Gusto ko nang umuwi sa'yo. You are my home, Zemira. You will always be,” bulong niya bago siya huminga ng malalim. Hinintay ko ang kasunod na kataga ng kaniyang linya ngunit wala na akong narinig. Maingat akong gumalaw paharap sa kaniya at nalaman kong nakatulog na siya sa pagod at sa pag-iyak. He looked so tired and sleepless. Lalong umagos ang luha sa aking magkabilang pisngi. I am aware that he’s hurting, too, but I can’t take him back again. Natatakot akong magaya sa aking Papa na paulit-ulit na niloko at sinaktan ni Mama. Natatakot akong kagaya ni Mama si Ryu, na paulit-ulit lang na sisirain ang tiwala ko. “I’m sorry. Wala ka nang uuwian. We will never find peace with each other again, Ryu. Panahon na siguro para maghanap tayo ng kaniya-kaniyang tahanan,” deklara ko bago pinahid ang mga luha na dumaloy kaniyang magkabilang pisngi pagkatapos ay tinalikuran siyang muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD