Kabanata 5

1948 Words
MASAYA ang naging maghapon ko kasama si Blade. He didn’t force me to tell my story, yet he always made sure that I am feeling well. I thought he’s insensitive for showing his bad boy image. Hindi ko tuloy mapigilan na maalala si Ryu sa kaniya dahil may pagkakatulad sila. Para silang makikipag-basag ulo palagi kung titingnan sa malayo pero pareho rin naman na feeling close. Habang nasa resort na tinutuluyan namin ay boses si Ryu ang naririnig ko, pinapaalala sa akin na gusto niyang dito kami mag-honeymoon sa probinsya ng Micora. My heart pumped badly while seeing happy couples around me. Napansin naman ni Blade na natahimik ako kaya inilibot niya na lang ako sa dalampasigan, ngunit lalo lang nitong pinalala ang pagdadalamhati ko. Dinala ng malalakas na hangin ang aking mga luha kasabay nang pagtulala ko sa kawalan. Natayo lamang ako sa maputi at kumikintab na buhangin ng isla. Sa halip na ina-appreciate ko ang ganda ng lugar ay mas dinama ko ang sakit. “Bata ka pa, Zem, marami pang iba riyan,” he advised with a hesitant on his voice. Parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya sa akin. “I have a lot of friends in England and I also have cousins here in the Philippines. Just say it and I’ll let you meet them,” dagdag niya pa bago inisa-isa ang mga pangalan ng kaniyang mga kaibigan at mga pinsan niyang lalaki pati na rin ang trabaho ng mga ito. Pinahid ko ang bumabahang luha sa aking magkabilang pisngi bago ako nagbuntonghininga at inayos ang tindig. Pinilit ko rin ang aking sarili upang ngumiti at bumaling sa kaniya. “How about you? Hindi ba pwedeng ikaw?” sunod-sunod kong tanong para biruin siya, subalit bigla na lang siyang natigilan at napanganga. “W-what?” Mababakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkagulat kasunod ng ekspresiyon na tila nakokonsensya. “I can’t deny that you’re pretty, but my heart belongs to no one and I swear not to bow to any woman.” Bumagsak naman ang panga ko at wala na akong nagawa kundi ang umirap na lamang. Tila kinakabahan siyang tumatawa at dumaan pa ang ilang minuto bago siya muling sumeryoso. “Kakainin mo rin iyang sinabi mo. I also promised myself before that I won’t love anyone, but what happened? I fell and. . . got broken.” Nagpatuloy ako sa paglalakad habang inaalala kung paano ko ibinigay kay Ryu ng buo ang aking puso. Sumunod naman siya sa akin at sumabay sa paglalakad. Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang ngiti niyang nagpapahiwatig ng katiyakan. “Someone will going to mend your heart, but it’s definitely not me.” I stopped walking, then I started chuckling. Pumatak muli ang aking mga luha, pero hindi ko alam kung dahil ba iyon sa natatawa ako kay Blade o dahil pa rin sa mga alalahanin na iniwan ko sa Laquiero. Bago pa kami makagawa ng eksena sa tabing-dagat ay minabuti na naming umalis at bumalik sa resort. “Zem, take a rest first. Ako na muna ang maghahanap kay Daddy. Bukas ka na lang sumama,” aniya nang maihatid niya na ako sa tapat ng pinto ng aking kwarto. We checked in here earlier. Dito kami nagpunta sa resort kung saan sinabi ng kapatid niya na namamalagi ang ama nila. “Blade, salamat. I will really pay you after I went back home.” Hindi ko gusto na magkaroon ng utang sa kahit na sinoman, lalo na sa tao na hindi ko naman talaga kilala. “Don’t mind it. Ayos lang sa akin. Mayaman ako at wala naman akong pinagkakagastusan,” nakangiti niyang sagot bago itinaas-baba ang kaniyang kilay habang iniyayabang ang net worth niya kahit na hindi raw siya magtrabaho. Tumango na lamang ako at hindi na kumibo. Hindi na ako mag-re-react dahil ang laki na ng utang na loon ko sa kaniya. Mula kasi sa pagkuha ng kwarto, mga damit na halos pang-isang linggo hanggang sa mga gamit na pambabae ay binili niya para sa akin. Naisip ko tuloy na ibinigay siya sa akin ng Diyos para maging fairy godmother ko. “Here’s my extra phone. Call me when you need something,” he muttered as he handed me his extra phone. Kinuha ko naman agad 'yon at nagpasalamat muli. “Lock the door. Huwag kang magpapasok ng ibang tao kahit na ako,” pagpapaalala niya pa pagkatapos ay nagpaalam na sa akin. Pumasok ako sa loob ng kwarto at inilapat ko ang aking likod sa malambot na kama. Hindi ko namalayan ang oras sa pagtulala ko sa kisame dahil sa pag-iisip kung paano maipapaliwanag ang sitwasyon ko sa aking Papa. Sa huli ay namayani pa rin sa aking sarili na tumawag sa bahay at sabihin na nandito ako sa Micora. KINABUKASAN ay wala kaming sinayang na oras ni Blade upang hanapin ang kaniyang ama, ngunit inabot na kami ng maghapon ay bigo pa rin kaming makita si Mr. Hiddleston, ang daddy ni Blade. Marami kaming napagtanungan na mga bisita, naghiwalay na rin kami ng direksyon sa paghahanap at binigyan niya rin ako ng picture ng daddy niya pero wala pa rin kaming nakuhang magandang balita. Nang pareho kaming mapagod ay umupo na lang kami sa buhanginan at naggawa siya ng sand castle. Kulimlim naman ang panahon kaya hindi ramdam ang init, isabay pa ang malakas na ihip na hangin. Mataman kong pinagmamasdan ang paligid, humihiling sa dagat ng mga bagay na imposible nang mangyari. “What are you thinking?” Blade suddenly asked, interrupting my silence. Tumigil siya sa paggagawa ng kastilyong buhangin at tinabihan ako sa pagkakaupo. “Naisip ko lang na sana binabangungot lang ako, na sana magising akong hindi totoo na nagloko siya at itinapon ang lahat ng pinagsamahan namin.” I told him what my heart desires. Kung kaya ko lang na kalimutan ang panloloko niya sa akin at kung madali lang sana ang magpatawad, pero hindi, e. Hinding-hindi ko siya kayang patawarin. Ginawa niya akong tanga rito sa Pilipinas. “Wipe your own tears, no one will do it for you,” may pagkamatalinhaga niyang salaysay bago tumayo at lumayo sa akin. “You have to accept it, Zemira. Lalong nagdurusa ang mga tao kapag hindi nila matanggap ang isang bagay.” Lumusong siya sa tubig-dagat at nakipaglaro sa mga alon. Tumayo na rin naman ako upang lumapit sa kaniya at ilabas ang lahat ng hinanakit ko kay Kiryu. I wasn’t an expressive type of person. Hindi rin ako madaldal pero magaan ang pakiramdam ko kay Blade kahit na isang araw pa lang kami na magkakilala. “He’s crying and begging. He even knelt down, embraced my legs and crawled. Pakiramdam ko ay ang sama kong tao dahil hindi ko siya mapagbigyan sa gusto niyang pakikipagbalikan.” Napatigil siya at tinitigan lamang ako nang matagal. I saw a hesitation written on his face again just like what I’ve seen yesterday. But my eagerness to share my story didn’t stop to let out the pain and hatred in my heart. “Wala akong kakampi. My family and my friends kept on siding him. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako. Parang gusto ko na lang na mawala sa mundo.” Tumingala ako sa langit para pigilan na ang pag-iyak, ngunit mayroon pa ring mga nakatakas na luha sa aking mga mata. Humahapdi na naman ang sugat ko sa loob ng aking dibdib. Pakiramdam ko’y sobrang bigat pa rin kahit na nailabas ko na ang gustong-gusto kong isigaw sa mundo. “I really don’t know what to say. Maybe you should try this,” he mentioned before he gave a number of small stones that he picked up. “Throw it away as far as you could. Treat those stones as the pain you’ve feeling.” Nauna niyang ginawa ang sinabi kaya nakigaya rin ako. Sa una ay wala akong gana sa aking ginagawa pero noong sinabayan niya ng pagsigaw ang ginagawa naming pagtapon ng maliliit na bato sa dagat ay nag-enjoy na rin ako kahit papaano. “What did your father say? Susunduin ka ba niya rito?” he unexpectedly asked before he looked away. Tumango-tango naman ako habang namumulot ng mga maliliit na bato na ihahagis ko sa dagat. “He will fetch me. Kausap ko na ang Papa kanina. Malapit na raw siya.” “What if that Japanese accompanied your father?” he asked before he picked up a large rock, then he threw it out to the sea. Natalsikan tuloy kami ng tubig-dagat nang hindi niya naihagis sa malayo ang malaking bato. “I told Papa not to tell any single word to Ryu. Hindi ako uuwi kapag ang gagong iyon ang sumundo sa akin.” Sigurado akong hindi sasabihin ni Papa kay Ryu na nandito ako. Kailanman ay hindi pa siya nagsinungaling sa akin. “What do you want me to do if I see him here? Do you want me to cut his buddy down there or just give him a several punch all over his face?” Iminuwestra niya ang kaniyang kamao sa hangin at ipinakita rin ang kaniyang biceps at triceps sa akin na umani ng matalim na irap mula sa akin. “Why would you do that? We are not friends,” salaysay ko pagkatapos ay inaya ko na siya pabalik sa resort. “We are friends. We are,” sagot niya naman at nagpaulit-ulit ang pagtatalo namin na iyon hanggang sa makarating kami, sa tapat ng resort na tinutuluyan namin. “Bakit hindi mo na lang tawagan ang daddy mo?” pag-uusisa ko nang mapansin kong nililibot niya pa rin ng tingin ang buong beach. “If I did, he will surely hide his woman or maybe he knows that I am here. Damn that guy.” May galit akong nakita sa kaniyang mga mata ngunit nawala rin naman kaagad iyon nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. I chose not to ask why he’s doing this. May malalim na rason naman siguro siya para mag-exert ng effort na hanapin ang kaniyang ama. “It’s already past 4 o’clock in the afternoon. You should be preparing your things. Do you want some help?” I was about to answer when I heard someone calling my name. Boses iyon ni Ryu kaya narinig ko ang malalakas na pagdagundong sa loob ng aking dibdib. Iginala ko ang aking paningin sa direksyon na pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. “Ryu,” bulong ko sa hangin kasabay ng pagsasalubong ng aming mga paningin. My heart bled and crampled when I saw his face. He looked so terrible and stressed. Bumalik ang kirot na pilit kong kinalilimutan nang makita ko na naman siya. He quickly ran towards me, but when he noticed Blade beside me, he stopped momentarily. Kung kanina ay mabilis ang pagtakbo niya papunta sa akin, ngayon ay dahan-dahan na lamang siyang naglalakad na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Naglaban sila ng tingin ni Blade nang makalapit na siya sa amin. “Is that him? No worries, I won’t let him take you. Hide behind my back, baby,” Blade declared as he gripped my wrist and hid me behind. Narinig naman niya ang sinadyang iparinig sa kaniya ni Blade kaya lalong lumungkot ang kaniyang ekspresyon. “B-baby?” he questioned before his eyes travelled down on my wrist. His expression became vulnerable when he saw how Blade intertwined our hands. Bumaling ang kaniyang mga mata sa akin, tila naghahanap ng isang eksplanasyon. “Dela Riva, bakit ikaw ang nandito? Nasaan ang Papa?” sunod-sunod kong tanong na hindi niya naman pinansin dahil mas gusto niyang malaman kung sino ang kasama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD