I escaped away from him. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa hindi ko na namalayan kung saang lupalop ako ng Pilipinas nakarating.
Wala akong dala na kahit ano, ni cellphone o wallet ay nakalimutan kong kuhanin bago ako umalis ng bahay. Tanging lungkot, galit at paghihinagpis lamang ang bitbit ko habang patuloy na nagtatanong sa sarili.
Walang tigil ang pag-ikot ng kung ano-anong bagay sa aking isip. Ayaw ko naman talaga ng ganito, e. Hindi ko gustong isumbong sa pamilya ko ang mali niyang ginawa, dahil sobrang laki ng tiwala nila sa kaniya lalo na ang Papa.
Pero napuno na ako. Narindi na ako sa paulit-ulit niyang paghingi ng tawad; hindi naman kasi maalis niyon ang bigat sa aking dibdib.
My mind got drained and what I could see is just black. Tila nawala ako sa aking sarili habang naglalakad sa kawalan.
Nagising na lamang ako sa realidad nang bigla akong magulantang sa malalakas na busina ng barko. Naramdaman ko rin ang pag-uga sa aking kinauupuan kaya napalingon ako sa aking paligid.
Habol-habol ko ang aking paghinga kasabay nang marubdob na pagtibok ng aking puso. “Nasaan ako?” Iyon na lang ang nasambit ko nang mapagtanto na nasa loob ako ng isang ferry boat.
Napatayo na rin ako sa aking pwesto upang maglakad at tingnan sandali ang karagatan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, sumakay lang ako sa bus papuntang Liazarde kahapon tapos. . . tapos bakit dito ako napunta?
Huminga ako ng malalim at muling luminga sa paligid. Gulong-gulo ako habang pinapanood ang mga tao na nag-uusap malapit sa akin.
Kaagad kong kinuha ang atensyon ng matandang babae na nakatayo sa aking tabi upang magtanong. “Ma’am, saan po papunta ang barko na ‘to?” nag-aalangan kong tanong dahil busy sila ng kasama niya sa pagkukwentuhan.
“Sa Micora. Malapit na tayo, anak. Bakit hindi ka muna matulog sandali? Pansin kong kahapon ka pa nakatulala at hindi makausap. Nag-aalala na nga kami sa’yo, mabuti na lamang at parang natauhan ka na ngayon,” mahaba nitong sagot sa aking tanong kaya lalo akong naguluhan.
Micora?
I held my breath then I bit my lower lip as I questioned myself. Bakit sa lahat ng lugar sa Pilipinas ay rito pa ako dinala? Dito sa lugar kung saan plano naming pumunta pagkatapos ng kasal.
“M-may cellphone po ba kayo?” I stammered before I gulped. Malakas ang pagdagundong sa loob ng dibdib dahil nagbabadya ang pagpatak ng aking mga luha.
“Mayroon, pero wala akong load,” sagot ng ginang at ipinakita ang de-keypad nitong cellphone sa akin kaya tinanguan ko na lamang siya at pasimpleng bumuntonghininga.
Gusto kong tawagan ang Papa para sabihin kung nasaan ako at sunduin niya na ako kaagad dito para matigil na ang lungkot at panghihinayang sa aking puso, pero wala naman akong kakilala rito.
Ayaw kong tumigil sa amin sa Laquiero pero lalo ayaw ko rito sa Micora dahil iyon 'yong lugar na pangarap naming puntahan noon na hindi na namin magagawa nang magkasama ngayon.
Bumusina na naman ng malakas ang barko at nagsimula na ring magsitayuan ang mga tao. Nagpatianod ako at nakita ang isang napakagandang isla, ang probinsya ng Micora.
It has white glittering sand and bountiful trees that unexpectedly calmed my heart. Para bang sinasabi ng isla na kaya niya akong pasayahin kahit wala sa tabi ko ang lalaking gusto kong makasama.
Nang makalabas ako ng sasakyang pandagat ay masarap na simoy ng hangin ang kaagad na bumungad sa akin. Tuwang-tuwa ang aking mga mata nang makita ang mga bata na nagtatampisaw sa dalampasigan.
“Hey.” Napalingon ako sa isang matangkad na lalaki na kumuha ng aking atensyon. Kinunutan ko lamang siya ng noo at hindi pinansin ngunit makulit siya ay hindi nagpapigil at sumabay pa sa aking paglalakad.
Sa unang tingin pa lamang ay malalaman nang hindi siya Pilipino dahil sa sobra niyang mestizo. Ang hindi ko lang maamin at matanggap ay mukha siyang isang bad boy karakter sa mga librong nabasa ko.
I chose to ignore him again. Hindi ko naman siya kilala para makipag-usap ako sa kaniya. Saka may kailangan akong gawin, iyon ay humanap ng telepono upang makausap ang aking Papa.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad ngunit napansin kong sumusunod lamang siya nang sumusunod sa akin. Hindi ko na sana siya papansinin pero nang magsimula na siyang dumaldal at kausapin ako ay roon ko na siya hinarap.
“What do you need, Mister?” agaran kong tanong pero hindi ko na siya pinasagot dahil mabilis ko na ring dinugtungan ang sinabi ko.
“If you are looking for comfort women, I’m sorry, but it's not me. Better ask somebody,” walang emosyon kong sambit saka siya inirapan, subalit umiling lamang ang loko at lalo pang nilakihan ang ngiti sa akin.
“I don’t use comfort women, Miss. I might get STD. By the way, I was the one who bought you ticket. Have you forgotten?” Nanlaki ang aking mga mata, hindi dahil sa naalala ko kundi dahil sa wala akong makolekta sa aking isip.
Kaya ba ako napunta rito ay dahil sa kaniya? Or is this some sort of scam?
“Hi. I am Blade Aidem. You are?” He extended his hand, however I just sighed out loud. Tiningnan ko lamang ang kaniyang kamay bago muling nakipagsalubungan ng titig sa kaniya.
“I don’t have money, Sir. So, please leave me alone,” matabang ang aking pagkakasabi kasabay ng pagpipigil ko sa pag-init ng aking ulo. Ramdam ko na ang pagkulo ng aking dugo pati na rin ang pagbilog ko sa aking kamao.
Hindi niya yata napansin na wala akong pera kaya sa akin niya balak na manggantso.
Sayang naman ang itsura niya kung mang-i-scam lang pala siya, o baka naman ganito na uso ngayon para makapambiktima sila ng marami.
“What is your name, Miss?” Walang sabi-sabing napatingin ako sa langit at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.
Hindi yata marunong makiramdam ang lalaking ito.
“Mga Amerikano nga naman. Pasensya ka na Kuya, ginago na ako ng Hapon kaya ayaw ko munang kumausap sa ibang lahi,” mabilis kong sambit sa pag-aakalang hindi siya nakakaintindi ng Tagalog, ngunit nagkamali ako nang tumawa siya ng malakas.
“Sinong Hapon ang nanggago sa’yo? Gusto mong gantihan natin?” Napakurap ako ng dalawang beses nang marinig ang pagtatagalog niyang tila Filipinong-Filipino.
“Surprised? O tinatablan ka na ng kagwapuhan ko?” he questioned as he posed like a model in front of me which totally ruined my day.
“f**k off. I am not here to entertain any of you, f*****g male species.”
“Ouch. Who’s that Japanese that made you generalize all male species?”
“Leave me alone.” Nagtatalo pa kami nang bigla na lamang tumunog ng malakas ang aking sikmura at sabay pa kaming napayuko upang tingnan ang aking tiyan.
“Hindi ka pa kumakain? Sabay na tayo. Libre ko,” salaysay niya kaya napalunok ako. Kahapon pa ako hindi kumakain at wala rin akong pambili kung sakaling tumanggi ako.
“I won’t bite you, I promise. Kakain lang tayo roon, oh,” he stated before he pointed a mini-restaurant, couple of meters away from us.
“Napilitan lang akong sumama sa’yo, ikaw ang nangulit kaya ako sasama,” may pagkamaangas ang aking tono na kaagad niyang sinang-ayunan kaya habang naglalakad kami papunta sa karinderia ay nagtataka ako.
What’s his real motive? Bakit niya ako tinutulungan?
Nang makapasok kami sa loob ng kainan ay ikinuwento niya kaagad sa akin ang kagustuhan na maging chef. Ang pagluluto lang daw kasi ang alam niyang gawin sa buhay.
Marami pa siyang ikinuwento habang nakaupo kami at naghihintay ng inorder namin.
“Are you American?” I curiously asked as I glanced on the counter. Hinihintay ko ang waiter na sinabihan namin ng order kanina dahil gutom na talaga ako.
“No. I am half-English and half-Filipino. I came from a wealthy clan in England and I don’t do work,” he proudly answered but I didn’t pay my attention. Mas gusto kong malaman kung nasaan na ang pagkain namin.
“How about you, Miss?” pagbalik niya ng tanong. “Who are you?”
“Zemira Leigh,” pagpapakilala ko bago ngumiti ng tipid. “Taga-Laquiero ako, hindi ko alam kung paano ako napunta rito sa Micora. Siguro dahil wala ako sa sarili kahapon. Niloko kasi ako ng fiancé ko,” wala sa sariling paglalahad ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang titigan niya lamang ako.
“Ang ganda ng sinayang ng fiancé mo, Zemira.” Nakikisimpatya ang kaniyang tono ng pananalita niya kaya hindi ako makasagot. Mabuti na lamang at dumating na rin sa wakas ang in-order namin kanina.
“Sayang luha mo sa mga lalaking manloloko,” he commented while chewing his food. Napatingin naman ako sa kaniya kaya nginitian niya lang ako at nagkibit-balikat.
“Ang sabi niya hindi niya naman daw sinasadya. Lasing siya.” I stopped for a moment to let out a deep sigh. “We’ve been together for six years.” pagtatanggol ko kay Ryu na nagpakabog ng mahapdi sa aking puso.
“Naniwala ka naman? I touched a lot of women, drunk. And I still know what I did. One fact about us, men, hindi kami aamin ng kasalanan kahit na magkabukingan pa.” He looked so serious. Tila ba magka-close na kami at nanermon na siya bigla.
“And wala sa tagal iyan. We can’t be sure, you might be building a man for another woman.” Sapul sa puso ko ang sinabi niya kaya bigla na lang akong hindi makapagsalita.
Bigla akong napipilan at napaisip ng malalim. Paano kung totoo ang lahat ng sinabi niya?
“I-ikaw, bakit ka nandito sa Pilipinas?” pag-iiba ko ng diskusyon upang pigilan ang aking pagdaramdam.
“Well, that is to find my dad. He’s been away for almost a year. Nabalitaan kong may kinalolokohan daw siyang babae rito na kasing-edad lang ng kapatid ko.” Lalong sumeryoso ang kaniyang ekspresyon at may nabatid akong galit sa kaniyang mga mata ngunit nang tumingin siyang muli sa akin ay bigla na lang ‘yong naglaho.
“If you want to stay here for some time, you can have a vacation with me. Libre lahat, basta samahan mo lang akong hanapin ang matanda,” dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.
“Ano’ng pakialam ko sa tatay mo?” prangka ang paraan ng pagtatanong ko na naging dahilan ng kaniyang pagtawa ng malakas.
Why would I join his journey of finding his dad? Gusto ko na ngang umuwi at isubsob ang sarili ko sa trabaho lalo na at ilang araw na akong absent. Mapagagalitan na ako ng boss ko.
“Silly, I bought you a ticket and I paid for your lunch. Malay mo pahiramin pa kita ng cellphone para makatawag ka sa inyo. Baka dito ka na rin makapag-move on. Ayaw mo niyon?” he offered which caught my attention, not until I realized something based on what he said.
“How did you know that I need to call my family?” naguguluhan kong tanong bago humalukipkip. Nakataas ang aking kilay pero ni isang beses ay hindi ko siya nakitang na-intimidate sa akin.
“I was watching you the whole time,” he answered, making my lips parted. “Sa Liazarde port pa lang, umiiyak ka na. Tapos wala ka pang ticket noong sumakay ka sa ferry. Mabuti na lang dalawa ang binili kong ticket kaya ibinigay ko sa'yo.”
“That’s creepy,” I commented before I drank my water. Napalakas ang pagkakababa ko sa baso kaya na ikinagulat ng malapit sa amin. Tumawa lang naman siya sa naging reaksyon ng karamihan.
“Hindi ba pwedeng nag-aalala lang?” sabi niya bago tinawag ang waiter upang magbayad ng kinain naming dalawa.
Habang nasa counter siya ay napaisip ako. Siya lang ang kilala ko rito na handang tumulong sa akin at wala pa akong gagastusin dahil libre ang lahat.
“Zemira, nakapag-decide ka na ba?” he asked while grinning. Lumapit siyang muli sa aming mesa habang hinihintay ang sagot ko.
“Sige. Sige na. Sasamahan kitang maghanap sa tatay mo, basta ipahihiram mo sa akin ang cellphone mo at. . . at huwag kang feeling close dahil hindi kita kilala.” Nagkunwari akong napipilitan para hindi naman masyadong mapahiya ang sarili ko.
“Don’t worry, I won’t take advantage of a broken woman. This vacation is wholesome. No s*x allowed.” Nanlaki ang aking mga mata sa gulat dahil sa sinabi niya. Sasagot pa sana ako pero nawala ang sasabihin ko nang ilahad niya sa akin ang kaniyang palad.
“You’ll be safe with me. Hindi ako nangangain,” he uttered before he gave me a smile that calmed my broken heart.