THE news spread out like a wildfire. Nalaman kaagad ng lahat ang balita na hiwalay na kaming dalawa. Ang lahat ay hindi makapaniwala at pinanghihinayangan ang anim na taon naming pagsasama.
“Nakausap mo na ba siya ulit?” malambing na taong ni Elle bago niya hinawakan at pinisil ang aking palad. Mula sa pagtingin sa kawalan ay ibinaling ko ang aking tingin sa kaniya at sa buong paligid ng kwarto ko sa bahay ng aking mga magulang.
All of them, Elle, Masien and Cyllene were staring at me while I was sitting on my bed, feeling the emptiness inside. Kausap din nila kanina si Adi na nasa Liazarde habang pinipilit nila akong magkwento.
As expected, Adi didn’t believe that Ryu could betray me. Gusto niya akong puntahan pero hindi siya maaaring umuwi ng Laquiero. As much as I want her here, I cannot risk my best friend’s life just because I am heartbroken.
“Zemira, sinabi niya ang totoo sa amin, pero bakit iba ang pagkakakwento mo sa mga magulang mo?” Tila nanenermon si Cyllene bago naupo sa kama sa aking tabi. Inalok niya rin ako ng pagkain na kaagad ko namang tinanggihan dahil wala akong gana.
“Hindi ko kayang sabihin na nambabae siya. Magagalit ang Papa, magkakagulo ang dalawang pamilya.” Kaysa umiwas ng tingin sa kanilang tatlo ay mas pinili kong ipikit na lamang ang aking mga mata at sumandal sa headboard ng aking kama.
Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay naabutan ko ang kaibigan ko na nandidiring pinulot ang mga gamit ko ng tissue na nakakalat sa aking kama at sa sahig pagkatapos ay naglabas muli ng isa pang box kung sakali raw na iiyak pa ako.
Hinilot ko ang aking sintido bago ko inayos ang buhaghag kong buhok dahil maglilimang araw na yata akong hindi nagsusuklay at nag-aayos ng sarili.
This is how I cope up with my struggle. Kahit noong bata pa lamang ako ay ayaw kong makita ng ibang tao na may masakit sa akin kaya’y nagtatago ako sa lahat at lalabas lang ako sa oras na maayos na ako.
Iyon din ang dahilan kung bakit tinawag nila akong bato. Hindi raw ako marunong masaktan dahil hindi ko pinipiling ipakita sa mga tao na nahihirapan ako.
I faced all my problems alone, even my friends know that. I always cut communication with them if something bad happened to me. I was hurting alone, not until the day he came.
I learned to share my burden and I learned to trust people again, but how can I do it now?
Bumuntonghininga ako at iwinaksi ang bagay na tumatakbo sa aking isip.
“Nandito kami, pwede mo kaming iyakan. Hindi ka man magkwento, sasamahan ka namin hanggang sa kaya mo na ulit,” biglang lumambot na boses ni Cyllene bago ipinrisinta ang kaniyang balikat at lumapit pa sa akin upang yakapin ako.
Medyo gumaan naman ang aking pakiramdam at nakangiti ako ng kaunti. Kahit iwan man ako ng lahat, alam kong may apat pa rin akong kakampi.
“Kaya ko ‘to. Hindi ako iiyak ng dalawang beses para lang sa iisang lalaki. Not worth my time,” may pagmamayabang ko pang salaysay bago tumawa ng mahina, dahilan upang yakapin nila akong tatlo at daganan.
“Pero paano si Kuya Ryu?” biglang tanong ni Elle kaya natahimik silang lahat at nag-aalalang tumingin sa sa akin. Parang mayroon silang gustong sabihin pero natatakot silang banggitin.
“P-pare! Huwag ‘yong Dela Riva na iyon ang isipin mo. Si Zemira ang kaibigan natin,” pagsasalba ni Masien sa aking kaibigan ngunit ramdam ko naman ang kaniyang kaba dahil sa paraan ng pagtawa niya.
“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi masakit, kasi totoo. . . t-totoong masakit.” Humawak ako sa aking dibdib pagkatapos ay tumingala upang pigilan ang pangingilid ng aking luha. “He’s my everything. Hindi lang boyfriend ang nawala sa akin, nawalan din ako ng bestfriend, ng kakampi.”
“Are you crying?” turo ni Cyllene sa akin habang nanunuksong nakangiti. They were teasing me as tears flooded my cheeks.
“No! Hindi, ‘no?” pagtawa ko bago bumangon sa kama. “Ang laki ng nakapuwing sa akin,” palusot ko na hindi nila pinaniwalaan.
“Hindi ‘to tama! Adi is right, hindi magagawa ni Ryu sa’yo iyon, Zemira. Napakinggan mo ba talaga siya bago ka nakipaghiwalay?” Cyllene asked in a serious tone. Malayo sa kaibigan kong palaging may handang green jokes, iba ang nakikita ko sa kaniyang ekspresyon, tila hinahamon ako at kumakampi sa lalaking manloloko.
“Hindi niya ba sinabing may ikinama siya sa Japan? What lame excuse did he tell you?” My voice is plain and cold. Nakipagtitigan ako sa kaniya pagkatapos ay umalis ng kama upang lumabas ng kwarto.
I know her. Kung makulit si Adi, mas triple ang ugali ni Cyllene, lalo na ngayong kasama si Masien na kapag nagsalita ay hindi rin mapipigilan ang bibig. Kaya mas magandang umalis na lamang ako at humanap ng lugar na tahimik.
“He loves you so much. Naaawa kami sa isa. Mababaliw na sa kaiisip kung paano ka makakausap at—” I raised both of my hand, making her shut up. Tiningnan ko silang tatlo at hindi ko maintindihan ang mga ekspresyong kanilang ipinapakita.
“S-so, are you all conspiring against me? Akala ko ba sasamahan niyo ako hanggang kaya ko na ulit?!” sigaw ko nang hindi ko na mapigilan ang pag-aalburoto ng aking sistema.
I sighed out loud then I rolled my eyes. How could they also betray me? I am their friend!
Mabilis ko silang nilampasan at lumabas ng kwarto pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa aking mga kaibigan ay sumalubong naman sa akin ang lalaking pinakaayaw kong makita.
“Bakit ka nandito?” malamig pa sa yelong pag-uusisa ko bago siya tiningan mula ulo hanggang paa.
Magulo ang kaniyang buhok at hindi maayos ang kaniyang damit. Halata ring umiyak siya at walang tulog dahil sa pamamaga ng kaniyang mga mata.
Sa halip na maawa ako sa aking nakita ay lalong lumukob sa aking dibdib ang galit. How could he cry if he’s the one who ruined us?
“P-pumpkin. A-ahm, pwede ba tayong mag-usap?” nauutal niyang tanong ngunit nagtunog na nangungusap.
Napansin kong lumabas din ng aking kwarto ang tatlo kong kaibigan at lumapit sa aking likuran kung kaya’t nilingon ko sila at tinaasan ng kilay.
Umirap ako’t humalukipkip nang mayroon akong mapagtanto. “Pinlano niyo ba ito? Sinama niyo ang lalaking ito rito, para ano?” Dinuro ko si Ryu habang nakatingin sa aking mga kaibigan.
Mabilis na umiwas ng tingin sina Masien at Elle, tanging si Cyllene lamang ang sumalo ng nakamamatay kong tingin.
“Wala silang kasalanan, pumpkin. Pinilit ko sila, kasalanan ko,” he said, making my lips parted. Napunta sa kaniya ang aking atensyon at mabilis ko siyang sinagot.
“Talagang kasalanan mo!” I shouted, causing a scene which caught the attention of my parents in the living room. “Did you also call her pumpkin on bed?” Wala na akong pakialam kung marinig o malaman na ng lahat kung ano ang totoong nangyari sa amin.
Wala sana sa plano ko ang ipagkalat ang tungkol sa pambabae niya, pero wala na akong ibang alam na sabihin sa kaniya kundi ang isumbat sa kaniya ang lahat ng nagawa ko para sa relasyon namin.
“I-I’m sorry,” he apologized again as he tried to reach my right hand.
“D-did you?” Nanginginig ang aking tinig at nagsisimula na namang mayupi ang aking puso sa narinig mula sa kaniyang bibig.
Pati ba naman ang espesyal na tawag niya sa akin ay nagamit niya sa babaeng iyon?
“H-hindi ko alam. Hindi ko matandaan. I was drunk. Pagkagising ko, pareho na kaming walang damit.” Malikot ang kaniyang mga mata at nasaksihan ko ang pagpapanic niya habang nagpapaliwanag.
He was sobbing again while whispering the three magic words that I didn’t want to hear anymore.
“Ang daya mo! Ang daya-daya mo!” panunumbat ko bago sinubukang lampasan siya ngunit nahigit niya kaagad ang aking baywang at naikulong sa kaniyang mga bisig.
“Hindi ko matanggap,” mahina kong pagdaing habang pinapalo ang kaniyang balikat. “Naging tapat naman ako sa’yo, pero ano’ng igaganti mo? Itinapon mo ako, Ryu!”
My heart whimpered as chaos started to invade my whole body system. Hinihingal ako at nahihirapang huminga dahil sa hapding naradama ngunit kahit na ganoon ay nagawa ko pa rin siyang itulak ng malakas upang makawala sa pagyakap niya.
Lumapit na sa amin ang aking mga magulang pati na rin ang mga kaibigan ko upang pigilan kami. Mabilis nila kaming pinaghiwalay bago ako napahagulhol ng malakas.
Masyadong nagulat ang Papa at Mama dahil kahit kailan ay hindi pa nila ako nakita at narinig ang paghiyaw ko sa sakit.
“Sa tingin mo, mapapatawad kita?! Kahit malagutan ka pa ng hininga ngayon sa harapan ko, hinding-hindi kita patatawarin!” I dared him while pointing my index finger to the man who just lost my whole trust.
“Zemira, calm down.” Humarang sa aking paningin ang aking mga kaibigan kung kaya’t pati sila ay tuluyan ng nadamay sa galit ko.
“Isa pa kayo! Paano ako kakalma kung niloko ako ng putanginang iyan?!” Nawala na ako sa sarili. Kasabay ng pagbulahaw ko sa pag-iyak ay ang tuluyang pagtigas ng bagay na nasa loob ng aking dibdib.
Nasa bisig ako ng aking ama, ngunit kahit ano’ng pag-aalo niya sa akin ay hindi tumatalab sa puso ko.
“H-hindi ako makatulog,” salaysay ko habang umiiling. Isa-isa ko silang tiningnan bago ko tinakpan ang aking mukha gamit ang mga palad ko.
“Iniisip ko kung ano’ng kasalanan ko sa’yo o kung bakit mo nagawa iyon. I keep asking myself why, pero wala akong maisip na sagot kasi ginawa ko naman lahat,” Hinang-hina na ako sa aking sarili. I felt drain and my legs trembled in exhaust.
“S-sorry. H-hindi ko alam. Please forgive me. I’ll do everything, huh? Just give me another chance. Hindi na ako aalis sa tabi mo.” May lambing sa kaniyang boses subalit mas nangingibabaw ang pagdadalamhati.
“R-Ryu, ang sabi mo, maganda ako. Ang sabi mo, mabait ako, matalino. Ang sabi mo, nasa akin na ang lahat, pero bakit mo nagawa mo pa rin sa akin iyon?”
Napuno ng iyak at hagulhol naming dalawa ang buong bahay. Pati ang mga kaibigan at mga magulang ko na saksi sa pagmamahalan naming dalawa ay napaluha sa napapanood.
“P-papa, bakit tayo niloloko? May mali ba sa atin?” I asked my father who was still embracing me, his broken child. He didn't answer but I noticed through his hug that my father is hurting, too.
“M-mahal kita, Zemira. Putangina, alam ng lahat iyan. That’s why I hate myself more than you do. Patawarin mo lang ako, sisiguraduhin kong hindi na ulit mangyayari iyon,” Ryu pleaded and knelt down in front of me. Sinaway naman siya kaagad ng aking mga magulang pero hindi siya nagpapigil at pinagkiskis pa ang kaniyang mga palad.
Tila nilukumos ng asin ang aking puso habang pinagmamasdan siya sa ganoong pwesto, pero hindi niyon kayang tibagin ang pader na iniharang ko na laban sa kaniya.
Ilang beses niya na bang sinabi ang salitang sorry at ilang beses ko na bang nilabanan ang sarili ko upang huwag magpadala sa mga pag-iyak at panunuyo niya?
“Kiryu, umalis ka na muna,” anunsyo ng aking ama bago siya sinabihan na tumayo na kaagad niya namang sinunod.
Umayos siya ng tindig habang nakatitig pa rin sa akin at nagmamakaawa. Sa huli ay bumuntonghininga siya at nagpabalik-balik ng tingin sa aking mga magulang.
“N-Ninong, mamamatay ako kung mawawala sa akin si Zemira,” panghihingi niya ng tulong sa aking Papa at Mama sa pag-asa na kaya ng mga ito na baguhin ang aking desisyon.
Tears flooded on my cheeks again. Siya na ang nakagawa ng malaking kasalanan pero bakit siya pa rin ang kinakampihan ng lahat?
Mabilis ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang balikat habang humihikbi at nagsusumamo sa aking mga magulang.
“Ikamamatay ko po, N-Ninong, N-Nina—” salaysay niyang maagap ko nang pinutol habang nagkukumawala sa mga braso ng Papa na nakayakap sa akin.
“Pwes, ikamamatay ko rin kung ipagpipilitan mong magkakaroon pa rin ng tayo!” walang emosyon kong sigaw. Nang makawala ako sa mga kamay ng ama ko ay nagmamadali akong kumaripas ng takbo papalabas ng bahay.