Kabanata 2

2077 Words
"KIRYU Hensen S. Dela Riva." Titig na titig ako sa kaniyang school ID habang paulit-ulit na binabasa ng mahina ang kaniyang pangalan. Ngiting-ngiti siya sa picture kaya't nawala na naman ang kaniyang mga mata. Dahil sa napaaway kaming dalawa ni Adi noong nakaraang linggo dahil sa pagiging usisera nito ay nawala ang school ID naming dalawa. Pilit niya kasing ipinagtanggol ang isang estudyante ng kabilang school sa mga bully, nadamay lamang ako. Kung hindi pa ipinahiram ni Ryu ang ID nila ni Zadkiel ay hindi kami makakapasok ng ekswelahan. "Ang pakikipag-away ay hindi maganda, Zemira Leigh. Look at your face," panenermon niya habang itinuturo ang galos ko sa kaliwang kilay, kapagkuwan ay bumaling kay Adi na ngayon ay nakasimangot. "At ikaw Adeena-" hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla na lamang lumapit sa aming pwesto ni Zadkiel. We are sitting on the bench in front of cement table as we exchanged our point of views. "They are bullies. Kawawa si Elle at si Alaina," palabang sagot ni Adi pagkatapos ay lumabi at tumingin kay Zadkiel na napailing na lamang sa pagkadismaya. "Sino naman ang mga iyon?" pagsingit ni Dela Riva at tumingin sa akin para kumuha ng sagot. "Mga batang ipinagtanggol namin. Kaibigan niya na agad," sagot ko bago tumayo at ibinalik sa kaniya ang ID niya. “Mauna na ako.” Sinulyapan ko ang aking kaibigan pero na kay Zadkiel na ang kaniyang buong atensyon kaya nagdesisyon na akong iwan siya roon. "Paano pala kayo nakapasok? No ID, no entry, hindi ba?" I heard Adi’s question as I walked away. Matipid naman ‘yong sinagot naman ni Zadkiel at sinabing sa likod sila dumaan. "What? May mga tinik at mga purunggo roon!" paghihisterya ni Adi kaya napailing ako. "Kiel, are you okay? May masakit ba sa'yo?" Napanganga na lamang ako at napairap sa hangin. Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang babaeng iyon— “Pumpkin, wait. Sasama ako sa’yo,” paghabol niya sa aking likuran kaya napatigil ako sa paglalakad at mabilis na humarap sa kaniya. “Stop calling me pumpkin, Dela Riva. Masakit sa tainga.” “But, I love calling you pumpkin.” Nginitian ko siya ng nakaloloko. Gusto ko pa sana siyang salungatin pero nabigo ako nang bigla na lamang siyang ngumiti na nagpakabog ng aking dibdib. Malala na siya. I better stay away from him! Naging magkaibigan nga kami katulad ng sinabi niya. Noong una ay hindi ko gustong nasa paligid ko siya dahil hindi ako sanay na mayroon akong ibang kaibigan bukod kay Adi, pero paunti-unti ay natutuhan kong pakisamahan siya hanggang sa napalapit na ako ng tuluyan sa kaniya. Lalo kaming napalapit sa isa't-isa nang umalis si Adi papuntang Laquiero noong grade 11 kami. Nag-aral din sa PMA ang kaniyang kaibigang si Zadkiel noong maka-graduate sila ng Senior High kaya sila na lang nila Masien, Elle, Cyllene na napadagdag sa aming samahan ang palagi kong kasama. Maayos naman kaming dalawa at kahit na noong gusto na ng mga magulang niya na pasunurin siya sa Japan dahil sa business nila roon ay pinili niyang manatili rito para raw sa akin. We are friends for almost three years while waiting. Naghintay siya ng matagal hanggang sa hindi ko na rin mapigilan ang puso ko at ako na mismo ang bumali sa sinumpaan kong pangako. I was in first year college while he was currently working on his older sister’s restaurant when I decided to level up our relationship. Katulad ng sa iba, hindi rin naman perpekto ang relasyon naming dalawa pero ni minsan ay hindi siya tumingin sa iba kaya tumagal kami. Sa sobrang tiwala ko nga’y ako pa ang pumilit sa kaniya na pumunta ng Japan para i-pursue ang matagal na niyang pangarap, ang maging head ng Sato-Riva Chains of Cuisine. “PUMPKIN!” he shouted as he rushed inside our house. He looked so excited as he couldn’t stop him from smiling. Kaagad niya akong sinalubong ng yakap pagkatapos ay hinalikan ang aking pisngi. “I missed you,” malambing niyang salaysay habang niyayakap ako ng mahigpit. “I have something to tell you. Sama ka sa akin, may pupuntahan tayo,” he exclaimed before he let go of me. Nagtataka man ay hindi na rin ako nag-atubili pa. Kahit na palagi naman siyang umuuwi ng Pilipinas para sa akin ay nadaragdagan ang pagka-clingy niya na gustong-gusto ko kahit na hindi ko ipinahahalata. Mabilis akong nagbihis sa kwarto at nang matapos ay naabutan ko siya sa living room na hindi mapakali pero noong makita niya ako ay bigla na lamang siyang umayos ng tindig at binigyan pa ako ng isang makalaglag panty na kindat. It’s already dark as the sun has set a while ago. Is he taking me on a date? But why does he had to be this tense and excited? “You are always beautiful. Let’s go,” he said as he appreciated my appearance which he never failed to do so. Nagmamadali niyang kinuha ang aking palad at hinila ako papalabas ng bahay namin. Nagpatianod ako at sumakay ng kaniyang kotse hanggang sa makarating kami sa Lamore High kung saan kami nag-aral ng high school. “Anong ginagawa natin dito?” I inquired after we stepped inside the school. Wala akong ibang makita kundi ang kadiliman kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. There was no one, but us. Only the sounds of tiny crickets and the sounds of frogs were the ones that we were hearing. Nang tumigil kami sa gitna ng school ground ay kumunot ang aking noo, lalo na nang tumingin siya sa maulap na langit. “Medyo napaaga yata tayo,” komento niya bago niya ako niyakap patalikod. Hinawakan ko naman ang kaniyang mga kamay na nakapalupot sa aking baywang habang pareho kaming nakatingin sa langit. “Ano ba ang inaabangan natin? Saka bakit tayo nandito? Hindi ba tayo mapapagalitan? Nasaan ang mga security guard?” pag-uusisa ko pagkatapos ay tinangka kong kumawala sa kaniyang mga bisig ngunit lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayap sa akin at isinubsob pa ang kaniyang mukha sa aking balikat. “Dito kita unang nakita. Dito unang tumibok ang puso ko sa’yo, Zemira Leigh. Dito mismo sa kinatatayuan mo,” he muttered, making my heart sung a love song. Hindi na bago sa akin ang sinabi niya dahil halos araw-araw niya yatang binabanggit kung saan at kung kailan niya ako unang nakita. Dito raw sa pwesto na ito, noong pinagagalitan ko si Adi dahil sa pagsunod nang pagsunod kay Zadkiel. “So, what are you implying?” I asked as I whirled around to face him and to shower him cheek-kisses. Narinig ko naman ang mahina niyang pagmumura kaya natapik ko ang kaniyang bibig dahil ayaw kong makaririnig niyon at hindi rin naman bagay sa kaniya dahil sobrang bait niya. “Mahal na mahal kita. That’s why I want this to be memorable,” he whispered before he pointed the sky. Sumilay ang napakagandang buwan, mag-isa itong nagliliwanag sa kalangitan. “I already found the moon that I’ll adore forever. Her name is pumpkin,” he added, causing my lips formed a huge smile. However, I covered my lips with my palms after I saw him kneeling on the ground. Bigla na lamang nagliwanag ang buong paligid at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong kumpleto ang aming mga pamilya, kasama ang aking tatlong kaibigan na sina Masien, Elle at Cyllene. They were all smiling and giggling as they watched us in the middle of the ground. “Zemira Leigh Quijano Villamayor,” he proudly called my full name as he got something on his pocket. Humiyaw naman ang aking mga kaibigan kaya dumagundong ang musika sa aking dibdib. “Under the moon and the stars, can you be mine for the rest of our lives?” masuyo niyang tanong bago ipinakita sa akin ang kulay pulang kahon. Dahan-dahan niya itong binuksan sa aking harapan na naging dahilan nang pagniningning ng aking mga mata. It was a one beautiful ring. Hindi ko akalaing ma-e-experience ko rin ang sinasabi nilang pagbagal ng oras at pag-slow mo ng paligid na parang kami ang bida sa isang pelikula. “Zemira Leigh, will you be my Mrs. Dela Riva?” tanong niya kaya hindi na ako nag-isip at mabilis na akong tumango ng paulit-ulit pagkatapos ay dumukwang sa kaniya upang gawaran siya ng isang halik sa labi. Ang mga sigaw at palakpak ng mga taong mahahalaga sa buhay namin ay naririnig ko pa rin ngunit bakit sa halip ba kiligin ay pighati ang aking naramdaman nang bumalik ako sa masakit na realidad. Niloko niya ako. Ipinagpalit niya ako sa iba. I talked to myself again, asking what I’ve done to suffer how my father felt all this time. Tumungo ako at tiningnan siya habang mahigpit na nakayakap sa aking baywang ang kaniyang mga braso, na parang maglalaho ako kung bibitaw siya. “I-I’m sorry, pumpkin. Please, forgive me. Hindi ko alam ang nangyari, maniwala ka sa akin,” habag na habag niyang pagmamakaawa bago tumunghay sa akin upang paulit-ulit na humingi ng tawad sa akin, subalit sa halip na lumambot ako’y lalong namanhid at nanigas ang puso ko. Pinunasan ko ang aking mga pisngi na puno ng luha pagkatapos ay umiling at marahas na tinanggal ang kaniyang mga kamay sa pagkakayakap sa akin. Ang paglalagay ng distansya sa pwesto naming dalawa na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko. Iniisip ko palang kung paano ang gagawin ko kung mawawala siya sa akin ay pinagsasakluban na ako ng langit at lupa pero mamamatay naman ako sa sakit kung patatawarin ko siya sa kasalanan niya dahil ang ibig sabihin niyon ay binibigyan ko pa siya ng pagkakataon para saktan akong muli. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Dela Riva. Iyon lang ang kaisa-isa kong hiling sa’yo, pero hindi mo tinupad. I can’t forgive and forget, you know that.” “Hindi na ako babalik ng Japan. Dito na lang ako sa tabi mo, huwag mo lang akong iwan. Hindi ko kaya, Zemira.” Labis ang pagsisisi na nakikita ko sa kaniyang mga mata ngunit hindi ko na rin kayang magtiwala pa dahil ganoon din ang mga tingin ni Mama sa tuwing manghihingi siya ng tawad kay Papa. “No.” My answer was short but firm. “Here’s your ring. The wedding is off. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang natin. Hindi mo na kailangang magsalita. I’ll take all the blame.” I announced before I gave back our engagement ring. “Huwag naman ganito. Hindi ko sinasadya. Please, forgive me. You know that I can’t live without you,” he begged and cried out loud, but my decision is final. He was also very aware that I won’t give him an opportunity as he knew that I am a cold-hearted woman who ain’t giving second chance. “I’m sorry, pumpkin. Give me one last chance, please,” pagsusumamo niya kasabay nang pagtulo ng luha naming dalawa. Pumatak na naman ang aking mga luha at nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang marinig ko ang mga katagang palagi ring sinasabi ng Mama sa aking Papa. “M-mahal kita,” he whispered while still sobbing. He tried to put the ring on my finger again, however I jerked his hand away from me, making the ring fell and rolled on the floor. Bigla siyang natahimik habang nakaluhod pa rin at nakatungong sinundan ng tingin ang singsing na gumulong malayo sa aming dalawa. “Pumpkin, kung nasa katinuan lang ako, hindi ko magagawa sa’yo iyon,” salaysay niya na lalong sumaksak sa aking dibdib kaya napatawa ako ng mahina kasabay ng sabay-sabay na pagtulo ng aking mga luha. Drunk or not, he should keep his promise that he’ll never cheat. Ngayon ay pinatunayan niya lamang na wala siyang pinagkaiba sa aking ina na dumurog sa akin at sa tiwala ko. “You can sell this house. Magtatanong-tanong na rin ako kung sino ang naghahanap ng bahay,” pag-iiba ko ng topic bago ako tumalikod sa kaniya upang hindi niya makita kung gaano kasidhi ang hapding nararamdaman ko. “I will only sell this house if I don’t love you anymore and that will never happen.” He stood up then he walked towards me. Niyakap niya ako patalikod, dahilan upang mapahagulhol na ako ng malakas. “M-mahal mo ako pero bakit hindi ako naging sapat?” tanong ko bago ako tuluyang umiyak at maghinagpis ang aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD