Kabanata 1

2611 Words
“ZEMIRA-chan, wait! Akala ko palagi na tayong magkasama, kasi sabi mo tutulungan mo ako sa kaibigan mo,” nag-aalala niyang salaysay habang sinasabayan ako sa paglalakad. I rolled my eyes as I showed him my unbothered expression. Nang mapansin niya namang hindi ko siya pinapansin ay inunahan niya na ako sa paglalakad pagkatapos ay humarang sa aking daraanan. Lunch break ngayon at wala akong kasama na magtanghalian dahil ang magaling kong kaibigan na si Adi ay hayun, sasabayan niya raw na kumain si Zadkiel kahit ano’ng mangyari. “Nasa garden sila. Magkasabay kumain,” tila natutuwa pa niyang pagkukwento kaya napahalukipkip ako at sinalubong ang kaniyang mga mata. Kumurba ang kaniyang mga labi kasunod ng pag-iwas niya ng tingin, para bang nahihiyang tinitigan ko siya. Kinunutan ko siya ng noo at napakamot na lamang ng ulo. “May gusto ka ba talaga sa kaibigan ko?” diretsahan kong tanong at napansin ko ang paninigas niya sa aking harapan. “Y-yes! I-I like her!” depensa niya na hindi makatingin sa akin. Tila problema pa siyang naweywang at para bang gusto rin akong sermonan. “Pero kumain muna tayo,” pag-aaya niya matapos niyang kumalma. “Then, you should join them, Dela Riva. Bantayan mo si Zadkiel.” “How about you? Wala kang kasama. Tayo na lang ang magsabay. May ibang raw pa naman para bantayan sila.” Biglang nag-init ang aking ulo sa kaniyang idinahilan. If that’s his perspective, he will never get my friend. He was really a keen observer. Nararamdaman niya kaagad kapag nagbabago na ang timpla ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakagawa siya ng paraan para hindi ako magalit sa kaniya. “I like her. Gusto ko si Adi, pero nagugutom na ako,” he argued, making my lips parted. Sa kaniyang ikinikilos ay para siyang hindi grade 12, kundi kinder student. “Ililibre naman kita. Mayaman kami, huwag kang mag-alala.” Kinakabahan siyang tumawa habang kinakagat ang kaniyang pang-ibabang labi. “Hindi mo ako makukuha sa—” I didn’t had the chance to finish my line as he grabbed my wrist and pulled me towards the canteen. Pagkapasok namin ay kaagad siyang nakakita ng bakanteng mesa at kaagad niya akong pinaupo sa upuan. “Huwag kang aalis. Kapag umalis ka, you will be my lunch,” bulong niya na hindi ko kaagad naintindihan. Saka lamang nag-sink in sa akin ang sinabi niya nang makatalikod na siya sa akin. Nag-init ang aking paligid at sa kauna-unahang beses ay pinamulahan ako ng pisngi dahil sa isang lalaki. W-why am I having dirty thoughts and why the hell with him?! Naguguluhan ako sa biglaang nangyari at hindi ko alam ang gagawin. My heart is currently in panic, but I hid it in front of everyone. Pinanood ko na lang siyang umorder ng aming tanghalian at upang iwaksi ang pagkapahiya sa sarili ay minabuti kong mag-isip na lang ulit ng bagong gagawin para mapalapit siya kay Adi. Nakailang beses na akong nagplano para paglapitin si Adeena at itong si Dela Riva pero lagi na lang akong nabibigo. Palagi na lamang siyang hindi pwede kapag naaaya ko si Adi sa labas kaya pakiramdam ko’y hindi totoo na may gusto siya sa kaibigan ko. Minsan nga’y nakita ko pang tinutukso niya si Zadkiel kay Adi. Ewan ko kung namamlastik lang siya o talagang gusto niyang sinasaktan ang sarili niya nang patago. “Sabay tayong umuwi mamaya,” anunsyo niya nang makalapit siya sa table namin. Bitbit niya ang isang malaking tray ng pagkain at inumin at siya na mismo ang nag-asikaso sa akin kaya mariin akong napalunok. Ano’ng ginagawa ng hapon na ito sa akin? Para akong na-e-engkanto sa pinaggagawa niya. For the first time in my life, my heart’s rhythm has changed. The music went from calm to wild. “Kain na,” alok niya pa bago ilapit sa akin ang coke in can kaya napabuntonghininga ako kasabay ng aking pag-iling para gisingin ang sarili ko. “You should escort Adi, not me,” tanggi ko bago ko hawakan ang kutsara at tinidor sa harap ko. Kaagad na namataan ng aking mga mata ang fried chicken kaya iyon ang una kong inabot ngunit mas mabilis ang kaniyang kamay at naunahan ako. “I know that you only like the skin, that’s why hati tayo. Sa’yo ang skin, sa akin ang meat,” he muttered which made me surprised. Binigyan ko siya ng ‘paano-mo-nalaman’ look na kaagad niya namang naintindihan at kinuwento na nabanggit iyon ng ate ko nang minsan itong makikain sa kanila n hapunan. “Pupuntahan kita sa room niyo o sa gate na lang ako maghihintay?” “May I remind you that you should make a move now. Kung hindi ka pa kikilos, baka umuwi ka na talagang luhaan.” “Kung si Adi ang ihahatid ko, siguradong ihahatid ko rin si Kiel pauwi. She is brave for showing her love confidently and that’s what I like about her. She isn’t afraid of what people will think and say about her.” Napangiwi na lamang ako habang nagkukuwento siya, para bang hindi nasasaktan sa mga pinagsasabi niya tungkol sa mga kaibigan naming dalawa. Hindi na lamang ako nagsalita, hindi ko na rin siya kinontra dahil wala iyon sa bokabularyo ko kung hindi naman ako malapit sa taong kasama ko. Hinayaan ko na lang siyang dumaldal habang kumakain kaming dalawa sa canteen. Nagtataka nga ako dahil hindi siya nauubusan ng kwento at hindi niya rin napapansin na pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante dahil ang ingay niya. Binilisan ko ang aking pagsubo dahil gusto ko nang makaalis sa tabi niya. I was currently chewing my food when some girls went on our table, asking him to date them, however he politely turned them down. “I am sorry, you’re late. I am already faithful to one woman. May relihiyon na ako at iisa lang ang sinasamba ko.” Nagulat ako sa kaniyang binanggit at hindi ko nanguya kaagad ang pagkain sa bibig ko. Napangisi ako bago tumikhim upang kuhanin ang atensyon ng tatlong kababaihan sa harapan namin. “Yeah. He’s referring to Adeena, girls. Back off, hindi niyo kayang kalabanin ang isang Castañanez.” Mukha namang natakot sa sinabi ko ang mga babae habang naglalakad papalayo sa amin. Nagkibit-balikat na lang ako nang makita ko siyang napatanga habang nakatitig sa akin. “You really know how to scared people, huh?” “Am I scary?” “No. Y-you’re beautiful.” Nabulunan ako kaya’t mabilis akong uminom ng softdrinks. “I am done. Babalik na ako sa room. Thank you sa libreng tanghalian.” “Sabay tayo uwuwi mamaya, ha. Hihintayin kita,” nakangiti niyang pagpapaalala kaya napatango ako ng wala sa oras. I don’t know what’s happening. Hindi ko siya gusto pero sa tuwing may sasabihin siya’y mapapapayag niya ako lalo na sa tuwing ngingiti siya at mas sisingkit pa ang mga mata niya. I went back to the classroom. Nadatnan ko si Adi na ngiting-ngiti sa akin kaya nakasisigurado akong nakasabay niya ngang kumain si Zadkiel. Hindi ako nagkamali nang magsimula na siyang magkwento habang kinikilig. I just hope that she’ll never get hurt. Ako ang unang-unang makakalaban ng lalaking mananakit sa kaniya. Hindi naglaon ay maagang dumating ang teacher namin kaya maaga na rin kaming nagklase. Hindi ko na namalayan ang oras dahil na rin sa naka-focus ako sa discussion at kahit daldalin pa ako ng aking kaibigan ay hindi ako nagpatinag. Nang magpaalam ang panghuli naming guro sa araw na ito ay bigla na lamang akong kinabahan. “Zem, mauuna na ako. Sasamahan ko si Kiel sa kanila.” Adi quickly ran away, leaving me all alone. Namo-mroblema akong napaupo muli sa aking upuan habang nag-iisip ng paraan para hindi makasabay ang lalaking iyon pero waoa akong maidahilan. Mayamaya pa ay nasa harap na ng pintuan si Dela Riva at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Habang papalapit ako sa kaniya at habang nakikita ko ang pagngiti niyang iyon ay tila namamaligno ako. Ewan ko kung bakit bumibilis ang kabog sa loob ng aking dibdib. “Dela Riva, mauna ka na. Cleaner ako ngayon. Habulin mo na lang si Adi,” pagsisinungaling ko bago siya tinalikuran. “Hihintayin kita rito. Saka may ikukuwento pala ako kay Ma’am Vallejo tungkol sa anak niya.” Tumaas ang aking kilay at napasinghap ng hangin nang pumasok siya sa loob ng room at lumapit sa adviser namin ni Adi na nanay ni Zadkiel. Nang pagmasdan ko sila ni Ma’am ay parang mag-ina na rin ang turingan nila hanggang sa mapailing na lamang ako nang simulan niya nang itsimis ang kaibigan niya sa nanay nito. “Kahapon ka cleaner, ‘di ba?” sabi ng isa kong kaklase kaya napatingin ako kaagad kay Dela Riva, nag-aalalang baka narinig niya ang sinabi ng kaklase ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong busy siya sa pagkukwento kay Ma’am kaya hindi niya naintindihan ang kaklase ko. Nang matapos ang paglilinis ay inaya ko na siyang umuwi. Hindi yata sila titigil ni Ma’am sa pagkukwentuhan tungkol kay Zadkiel at kay Adi kaya inawat ko na silang dalawa. “Zemira, akin na ang bag mo.” “Why?” “Ako na ang magdadala.” “Dela Riva—” “My name is Kiryu Hensen. Call me by my name. Ryu is accepted.” Seryoso siya kung kaya’t nahiwagaan ako dahil palaging nagbibiro ang approach niya sa lahat ng tao. Walang nagsasalita sa amin habang papalabas ng gate pero naagaw niya sa akin ang bag ko. “We’re not close. Kahit kinakapatid kita, hindi kita kilala,” pagbasag ko sa katahimikan kaya napatigil siya sa paglalakad at kaagad akong hinarap. “Gaano ba kalapit ang gusto mo?” pabitin niyang tanong kasabay ng paghakbang niya papalapit sa akin. “Ganito?” He leveled his face on me while grinning. Nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat at kaagad akong umatras upang lumayo sa kaniya. “Don’t use sarcasm on me, Dela Riva. Pumapayag lang ako sa gusto mo dahil ang akala ko’y may gusto ka kay Adeena.” “M-may gusto ako sa kaniya.” “Wala kang gusto kay Adi. I am sure of it.” Hindi na siya nakasagot dahil mabilis na akong naglakad papunta sa paradahan ng tricycle. Magkasabay man kami pauwi ay hindi na kami ulit nag-usap. We are neighbors. Matalik na magkaibigan ang ama naming dalawa. Matagal na rin ang bahay nila rito pero ngayon lang sila umuwi ulit dahil sa Japan sila namamalagi. Ang mga kapatid lang namin ang talagang magkakilala at magkaibigan. Ang Ate niya lang din ang medyo ka-close ko bukod sa kaniyang ina na palaging kakwentuhan ni Mama. “Kuya, dito na lang po,” sabi ko sa driver at kaagad na bumaba ng sasakyan. Magbabayad na sana ako pero naunahan niya na ako kaya sa kaniya ko inabot ang aking pamasahe para magbayad. “You’re right. Wala akong gusto kay Adi.” I was taken aback when he uttered those words, even if I already knew it. Lalo akong napatigagal nang hindi lang ang bayad ko ang kunin niya, kundi pati ang palad ko rin. “I-ikaw ang gusto ko, Zemira-chan.” Marubdob ang pagpintig ng aking puso, tila tumigil din sa pag-ikot ang aking mundo nang magsalubong ang aming mga mata. Ngunit hindi ko pa man siya nasasagot ay bigla na lamang kaming nakarinig ng malakas na pagbagsak ng kung ano-anong mga bagay kaya pareho kaming napalingon sa bahay namin. I immediately moved his hand away from me before I ran towards my house without minding him. Then there, I saw my father outside the doorway, crying. Napatigil ako sa paglalakad at kaagad na nag-unahang tumulo ang luha ko sa aking mga pisngi. “Ilang beses mo pa ba akong lolokohin? Ilang beses mo pa akong papalitan?” He asked to my mother who was just standing in front of my father. “Mahal kita. Mahal na mahal ko kayo,” she begged as she grabbed my father’s hand. Patuloy lang siya sa pagsasabi ng mga katagang lalong nagpapatindi ng sakit at galit sa puso ko laban sa aking ina. “Nanlalaki ka na naman?” entrada ko bago tinanggal ang pagkakasukbit ng aking bag sa likod. Nagulat ang aking mga magulang pati na rin ang ate ko na tahimik lang na umiiyak sa gilid. “Kami na ng mommy mo ang bahala rito. Aayusin namin ito, Zemira,” Papa declared then he ushered me to go inside our house. Pero dahil sa sobra na ang ginawa ng Mama ay hindi na ako nakapagpigil. “Hindi ba pwedeng maghiwalay na lang kayo?” suhestiyon ko kaya’t natigilan silang dalawa, pati na rin ang Ate na tahimik lang ay nag-react na rin. “Walang maghihiwalay. Walang hiwalay. Mahal na mahal ko kayo. Hindi pwede,” pagtutol ni Mommy kaya bumuntonghininga na lamang ako. “You are always like this! You’re always saying that you love us, but you’ll always end up cheating!” I screamed my lungs out while sobbing. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng likido na mula sa aking mga mata. Galit na lumapit sa akin ang aking ama kaya inihanda ko na ang sarili ko sa isang matinding sermon. Alam kong dapat ay manahimik na ako, pero bago ko gawin iyon ay pinakiusapan ko muna siya. “Don’t give her another chance, Papa. The more you give her chance, the more we’ll get hurt!” “Zemira Leigh!” “N-Ninong, sandali lang po.” Natuod ako sa aking pwesto nang biglang umeksena si Dela Riva na hindi ko namalayang sumunod pala sa akin. “May ibibigay raw po si Mommy kay Zemira. Pahiram po muna ng anak niyo.” Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako kahit na ayaw kong sumama sa kaniya. Pagkarating namin sa kanila ay plano ko siyang sigawan kung hindi lamang bumungad sa akin ang mommy niya na kaagad akong sinalubong ng yakap. Kumuha kaagad siya ng tubig at pinakalma nila akong lahat. Hindi ko man masabi pero nagpapasalamat ako sa kaniya at sa pamilya niya dahil hindi nila ako tinanong o pinagalitan kahit na alam kong narinig nila ang pagsigaw ko kanina. I stayed on their backyard. Mayroong duyan doon kaya doon ako tumambay at nagpahangin. Madilim na ang paligid at marami na ring bituin sa langit. Tahimik na rin kaya’t alam kong nakapag-usap na muli ang aking mga magulang. Pinatawad na naman ni Papa si Mama. “Okay ka lang?” malumanay niyang tanong bago niya ako tinabihan sa duyan. “Hindi ko lang talaga matanggap na paulit-ulit na siyang niloloko, paulit-ulit niya pa ring tinatanggap ang babaeng iyon.” “That’s love,” komento niya kaya napabuga ako ng malakas na hangin. “Then, I won’t do love.” I looked at him after I muttered those words. Hindi ako papasok sa isang relasyon, maliwanag na iyon sa akin kahit noon pa. “May matino pa rin naman. Humanap ka ng lalaki na hindi kayang maghanap ng iba dahil patay na patay sa’yo.” Mahina akong napatawa ng mapakla bago hinuli ang kaniyang mga mata. “You’ll just waste your time on love. I can only offer you friendship, nothing more, nothing less,” I exclaimed, remembering what he’d said earlier. Nasaksihan ko ang panlulumo ng kaniyang itsura na kahit ako ay naapektuhan. “We can be friends for now,” nakatungo niyang saad pagkatapos ay tumunghay siya at tumingin sa akin. “Hihintayin kita kahit gaano pa katagal,” he said before he suddenly winked and smiled at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD