“ZEMIRA, I have good news and bad news for you,” Ryu mentioned after he stormed in the doorway. Naging pamilyar na siya sa bahay dahil simula noong magkasakit ang aking anak ay pinayagan ko na siyang dumalaw-dalaw rito. Pagkatapos gumaling ni Hera ay naging civil kami sa isa't isa. Binigyan ko siya ng schedule kung ano'ng oras at araw siya dapat na pumunta. Sinusunod niya naman iyon palagi, nagpalit na nga muli ng buwan pero consistent pa rin siya sa pag-aalaga sa aming anak kahit na wala pa rin sa plano kong sabihin sa aking anak kung sino talaga ang tunay niyang ama. Madalas pa rin kaming nagtatalo pero hindi na kagaya ng dati na halos isumpa ko siya sa kalangitan. Iyon nga ang pinagtatakahan ko sa aking sarili. Siguro ay dahil nakita ko naman na gusto niya talagang panagutan ang anak

