“MANAHIMIK ka, Dela Riva.” Nakataas ang isa kong kilay bago ko siya dinuro. Tumingin din ako sa nakabukas na pinto ng aming bahay upang makapag-ingat kung sakaling lalabas si Papa. Walang tigil sa pagdagundong ang aking mundo kasabay nang mabilis na pagtaas at pagbaba ng aking dibdib dahil sa matinding poot na kasalukuyang lumulukob sa aking buong pagkatao. “Wala kang kailangang panagutan dahil wala kang anak sa akin,” matabang kong salaysay bago ako umalis sa kaniyang harapan, at kahit ano pa mang pagpipigil ang kaniyang gawin ay hindi niya ako natinag. All these years, he neither tried to communicate with me, nor apologized for the grave sin that he committed. Pagkatapos ngayon ay babalik siya at umaasang napakasimple ng hinihiling niya sa akin. “Zem, hindi pa tayo tapos mag-usap,” p

