Kabanata 44

2318 Words

TILA bigla na lamang nawala ang mabilis na pagsikdo ng aking puso at napalitan iyon ng kakaibang damdamin na ngayon ko lamang naranasan bunsod sa takot na malaman niyang mayroon kaming anak. Nagpabalik-balik ako sa aking paglalakad matapos niyang umalis sa loob ng aking bahay. Nakatitiyak akong aalamin niya kay Thalia ang dahilan kaya pinagpapawisan ako nang maigi. Pero hindi ako dapat na matakot. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isip habang inililista ang lahat ng mga atraso nila sa akin ng kaniyang pamilya. Wala akong dapat na katakutan, siya pa nga ang dapat na matakot sa akin dahil kailanman ay hindi ko siya palalapitin kay Hera. Kaagad kong pinuntahan ang aking anak sa loob ng aming kwarto habang naghihintay kay Blade, ngunit nagising na ang aking anak ay hindi pa rin si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD