“MAHAL mo ako?!” hindi ko makapaniwalang singhal bago ako tumawa nang malakas upang tudyuin ang kaniyang binigkas. Ngunit sa kabila ng pagkukunwari kong mga tawa ay humapdi na lang ng bigla ang aking loob ng aking dibdib, alinsunod sa pagpatak ng mga luha sa aking pisngi. Halos panawan ako ng bait habang nagsusumigaw ang aking puso sa sakit na akala ko’y inubos ko na noong sabihin ko sa sariling kong itigil ko na ang aking kahibangan, pero ngayong nandito siya sa aking harapan ay napagtanto kong mayroon pa palang natitirang pighati na hindi ko namalayang itinago ko pala kaya tumigas ng ganito ang aking puso. Bigla na lamang nagpupumilit sa aking isip ang kahapon naming nagdaan. Ayaw ko na ‘yong balikan, ngunit unti-unti ko pa ring naalala ang sinapit kong kabiguan sa piling niya. Mahigi

