CHAPTER 37 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Huminga ako nang malalim. Pitong taon akong nalayo sa anak ko at ngayon na kailangan niya ako, ipagkakait ko pa ba iyon? “Sige Mom, sa akin na lang ho. Isasama ko na lang ho siya sa Manila.” “Mabuti naman anak. Nasasabik na ang anak mo sa’yo.” Nasa ganoon kaming pag-uusap ni Mommy nang biglang may narinig na akong boses ng bata. “Mommy! Dadddyyyy!” “Naku nandiyan na ang apo ko. Nandiyan na ang anak mo. Halika ka na, dali.” Paglabas namin sa kusina. Nakita ko ang anak ko. Kamukhang-kamukha ko nga talaga siya noong bata ako. Kasunod ng anak ko si Joan na nahihiyang nakangiti. Niyakap ko agad si Jay-ar. Kahit malaki na siya ay kinarga ko at hinalikan ng hinalikan sa kanyang pisngi. Nasabik ako ng sobra sa aking anak. Ala

