CHAPTER 30 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Hindi siya sumagot ngunit alam kong pinag-iisipan din niya ang sinabi ko. Iyon ang mga consequences na dapat niyang malaman. Hindi biro ang pumasok sa relasyon. Hindi parang laro iyon na kung natalo ka. Ganun lang iyon. Puso at utak ang sinusugal dito. Bahagi ng iyong buhay ang ipinupusta. At kung darating si Lance, paano kami? Mauulit na naman ang problema. Ang hirap naman talaga. Ngunit kung hindi pa magparamdam si Lance, kung hindi niya ako balikan pa lalo pa’t ilang buwan na lang ang paghihintay ko, siguro bigyan ko na ng chance si Tovi. Baka siya nga talaga ang sa akin at hindi si Lance. Kung babalik si Lance na hindi ko pa sinasagot si Tovi, ibig sabihin, si Lance nga talaga ang sa akin ay itinadhana. “Ano? Nakapagdesi

