CHAPTER 31 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Sinilip ko ang laman ng binalutan ng diyaryo. Isang box. Binuksan ko ang laman ng maliit na box. Chocolates? Napangiti ako sa kabaduyan niya. Sa akin kasi parang makaluma naman yatang gawin ang ganoon lalo pa't hindi naman ako babae. "Dahil ayaw mo ng santong paspasan, subukan natin ng santong ligawan. Kinindatan niya ako. Akala ko nang una kitang makita, gusto lang kita ngunit ng hindi na ako mapalagay na di kita makausap at makita ng ilang linggo, sigurado akong mahal na kita. Sana bigyan mo ako ng katiting na puwang sa puso mo para maipadama ko iyon sa'yo." Tinignan ko siya. Sinagot ko ng matamis na ngiti ang kaniyang sinabi. Bigla akong parang maluha sa mga naririnig ko sa kaniya at sa kaniyang ginawa. Kung wala na t

