CHAPTER 41 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) “Sa dinadami ng sinasabi mong sakit nong tao, nalilito na ako. Puwede bang sabihing may sakit talaga siya sa pag-iisip hindi yung binibigyan mo ako nang kung anu-anong personality disorder na 'yan. Saka ipagdasal na lang natin na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo kaya huwag ka ngang ganiyan. Saka hindi ako pababayaan ni Lance." "Ayyy naman, haba ng buhok. O siya. Sinabi ko lang para kahit papano ay makapaghanda-handa ka kunsakali man. " Akala ko, walang epekto ang ibinalita ni Jasper sa akin pero unang araw, pangalawang araw hanggang pangatlo, balisa ako. Hindi ako mapakali. Napapakislot ako sa tuwing may nagba-buzz. Kailangan ko na ba talagang matakot at kabahan? "Okey ka lang ba mahal? Tatlong araw na kitang napapans

