CHAPTER 42 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) "Ako na ang nagmamakaawa, tulungan mo ang sarili mo para makalimutan ang lahat. Subukan mong buksan ang isip mo, ipaunawa mo sa puso mo na hindi na tayo, na tapos na yung sa atin. Mahirap sa una alam ko pero pagdaan ng panahon at kung nakatagpo ka na ng taong para sa iyo ay pagtatawanan mong minahal mo ang isang katulad ko lang." "Hindi! Ikaw lang ang mahal ko. Alam kong mahal mo pa rin ako. Alam kong nagalit ka lang sa nakita mo ngunit ako pa rin ang mahal mo." halos humihiyaw na siya. Hindi ko na alam kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya ang totoo. "Anong nangyayari dito?" maalumamay na tanong ni Lance mula sa likuran ko. Nabitiwan ko ang seradura ng pintuan dahil hinila niya ito mula sa loob ng condo. Binuksan niya an

