CHAPTER 45 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) “Inasikaso kita agad at si Bryan naman ang umasikaso sa kaniya. Sana malagpasan ni Lance ang pinagdadaanan niya ngayon. Nakita ko sa inyo ang pagmamahalan namin ng yumao ko ding mahal noon na si Gerald. Alam ko kung gaano kahirap mawalan ng minamahal." "Anong ibig ninyong sabihin Doc? Sa pananalita ninyo ay parang may laman ang inyong sinasabi." "Akala ko kasi mas grabe ang nangyari sa iyo dahil nauna kang nawalan ng malay. Ngunit sa tindi ng pagkabagok ng ulo mo kaya ka nahilo kasabay din ng madaming dugong nawala mula sa iyo kaya nangyari iyon. Ngunit dahil naagapan ka at maliit lang pala ang sugat mo sa ulo at hindi din ganoon kalalim ang sugat sa likod mo at tama ng baril sa bahaging tagiliran kaya mas mapalad ka pa rin

