CHAPTER 10

3600 Words
PINUNASAN ko ang mga luhang mabilis na namalisbis sa aking mga pisngi. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko dahil sa galit ko sa kaniya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere upang paluwagin ang naninikip kong dibdib. Diyos ko! Ano ba ang pumasok sa isipan niya para paratangan ako ng ganoon? Hindi niya ako kilala, so bakit siya magsasalita sa akin ng ganoon? Simula nang unang araw na tinulungan ako ng Don Felipe na makapasok sa Casa de Esperanza, kahit kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na gamitin o abusuhin ang kabaitan ng matanda para lang makakuha ako ng pera mula rito. Alam ng Diyos iyon. Kaya nga hindi ko matanggap ang tulong na ibinibigay sa akin ng Don kasi nahihiya ako at labis na tulong na para sa akin ang pagbibigay nito sa akin ng trabaho sa hotel. Tapos ang Kidlat na ’yon ay ganoon ang sasabihin sa akin? Are you flirting with him? You’re doing this because of his money, right? How much money do you need para tigilan mo na ang matandang ’yon at umalis ka na lang dito? Five hundred thousand? One million? Name your price. Bumuntong-hininga akong muli. Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga kataga niya kanina. “Psyche.” Bigla akong napahinto sa paglalakad ko papunta sa lobby nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako sa may elevator at doon ay nakita ko si Sir Arwin. Nakangiti ito nang malapad at nagmamadaling lumapit sa akin. Kaagad ko namang pinatuyo ang mga luha sa pisngi ko. “Hey!” “H-hi.” Bati ko rito at tipid akong ngumiti. “How are you? Ilang araw tayong hindi nagkita.” “Okay naman. Ikaw, kumusta?” Nagkibit naman ito ng mga balikat. “I’m good. Actually, kakarating ko lang kanina galing London.” Ah, kaya pala ilang araw ko siyang hindi nakita. “Wait, are you okay? Did you cry?” mayamaya ay kunot ang noo na tanong nito nang mapatitig ito sa mga mata ko. Nag-iwas naman ako rito ng tingin. “Okay lang ako,” sabi ko. “Are you sure? Mukhang... umiiyak ka?!” “Hindi. Napuwing lang ako.” Pagdadahilan ko pa. “So, paano... mauuna na rin ako. Kailangan ko ng umuwi e.” Akma na sana akong maglalakad upang lagpasan ito, pero pinigilan naman ako nito sa palapulsuhan ko. “Wait. Uuwi ka kaagad?” tanong nito. “Kanina pa kita hinahanap e.” “B-bakit?” “Aayain sana kitang kumain sa labas. I mean, I just want to treat you. Pasasalamat lang dahil sa pagtulong mo sa akin sa dance practice ko. You know, hindi kita na-i-treat bago ako umalis no’ng isang araw.” “Nako, okay lang Sir Arwin. Huwag mo na akong i-libre. Okay lang naman ’yon at masaya akong nasamahan kitang mag-practice.” “I insist. Please.” Ngumiti pa ito lalo at nag-puppy eyes sa akin. Nagpapa-cute. Hay! Manang-mana nga ito sa lolo nito. Hindi tumatanggap ng No answer. Kapag gusto nito, dapat iyon ang masusunod. “I just wanted to treat you, ’yon lang ’yon. Kung nag-aalinlangan ka at may iba kang iniisip bukod sa gusto kitang pasalamatan dahil sa tulong mo sa akin.” Saad pa nito. Napabuga na lamang ako nang hangin at tipid na ngumiti rito. “Arwin.” Bigla akong natigilan nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likuran ko. “Kuya Kidlat, hey! How are you?” Kaagad na umalis sa harapan ko si Sir Arwin at lumapit kay sir sungit. Hindi na ako nag-abalang lumingon sa kaniya. Dahil kahit nakatalikod ako, ramdam kong matalim na naman ang titig niya sa akin ngayon. Inayos ko sa balikat ko ang bag ko ’tsaka humakbang na upang umalis. “Psyche, wait a minute.” Anang Sir Arwin. Wala na akong nagawa kun’di ang lumingon dito. At kagaya sa iniisip ko kanina pa, halos mag-isang linya na nga ang mga kilay ni sir sungit habang nakatitig siya sa akin. Parang lalamunin niya na ata ako ng buhay. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina.” “Pasensya na Sir Arwin, pero... kailangan ko ng umuwi e.” Saad ko at matalim na titig din ang ipinukol ko kay sir sungit. Aba, akala niya siya lang ang marunong ng ganoon? Puwes, kung masungit siya... kaya ko ring tapatan ang kasungitan niya. Dang! Mali na naging crush ko agad siya no’ng unang araw na makita ko palang siya. Kung gaano siya kaguwapo, ganoon naman kasama ang ugali niya. “But—” “Ibigay mo na lang sa iba ang treat mo para sa akin. Mauuna na ako.” Pagkasabi ko n’on ay kaagad na akong tumalikod at hindi na hinintay na makapagsalita pang muli si Sir Arwin. Baka sumabog na kami pareho ni sir sungit dahil sa nag-aalab na titigan namin sa isa’t isa. “DID YOU KNOW HER?” tanong ni Kidlat kay Arwin habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong dalaga. Tumango naman ang huli kasabay ng pagpapakawala nito nang malalim na buntong-hininga. “Yeah kuya. Psyche is my friend.” Ngumiti pa ito nang tumingin sa kaniya. “A friend?” “Yeah. Mabait siya... and she’s nice and talented and she’s also a friend of abuelo.” Seryosong tinitigan ni Kidlat si Arwin habang nakangiti pa itong nagkukuwento sa kaniya tungkol sa dalaga. Talaga? She’s nice? Oh, he doubt it. Panigurado siyang ganoon din ang ginagawa ng dalaga sa apo ng Don Felipe. Sa nakita niya kanina habang magkausap ang dalawa, mukhang kursunada rin ata ni Arwin ang dalaga. “Aayain ko sana siyang kumain sa labas ngayon, kaso... hindi niya naman ako pinagbigyan.” “You asked her on a date?” Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ng binata. “Kinda. But I didn’t tell her that I’m asking her on a date. Sinabi ko lang na gusto ko siyang i-treat dahil sa pagtulong niya sa akin sa dance practice ko last week.” “You like her?” Tumitig naman ito sa kaniya at saglit na hindi umimik. “Who wouldn’t like someone like her kuya? I mean, she’s perfect. For me.” Anito na tila ipinapagmalaki pa sa kaniya na gusto nito ang dalaga. “She’s nice. She’s beautiful. She’s talented. Hard working. She has everything I want in a woman. So, what’s there not to like?” tanong din nito. Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Seriously? He didn’t expect to hear those words from Arwin. Sinasabi niya na nga ba e. “Kailan ka pala dumating dito, kuya?” mayamaya ay tanong din nito sa kaniya. Nag-umpisa siyang maglakad at sumabay naman ito sa kaniya. “Last week.” “So, are you staying here for good or babalik ka ulit sa Italy?” “I don’t know yet.” “Bakit hindi ka na lang manatili rito? Or, baka naman may tinatakasan ka na namang babae roon kaya umuwi ka rito?” natatawang tanong pa nito. Arwin is already twenty five years old. Limang taon ang tanda niya rito. Pero dahil close ang pamilya nila, naging parang nakababatang kapatid na rin ang turing niya rito simula no’ng maliliit pa sila. “Bakit kasi hindi ka na lang mag-asawa na para hindi mo na kailangang tumakas sa mga babae mo?” Pabiro pa ring saad nito sa kaniya. “Bakit ikaw ang hindi mag-asawa na para mabigyan mo na rin ng apo sa tuhod ang lolo mo?” “Oh, not now kuya. Hindi ko pa nga nililigawan si Psyche e.” Lihim na lamang siyang napailing nang lumingon ulit siya sa binata. “OKAY KA LANG BA?” Napalingon ako kay Xia nang lumapit ito sa akin habang nakaupo ako sa high chair na nasa labas ng bar. Nasa gilid kami ng swimming pool ngayon. At dahil hindi naman masiyadong matao ngayon at paisa-isa lang ang customer namin, hindi kami ganoon ka-busy ngayon. Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan ko iyon sa ere. Nilaru-laro ko ang lalagyan ng tissue. “Okay lang.” Tinitigan naman ako ni Xia. Tila hindi ito kumbinsido dahil sa sinabi ko. “Are you sure?” tanong pa nito. “Kasi... mukhang hindi ka okay.” “May iniisip lang ako.” “Problema?” Tumango naman ako. Simula kagabi pagkatapos ng pag-uusap namin ni sir sungit sa locker area, hanggang sa makauwi ako sa bahay, hanggang ngayon, laman pa rin ng isipan ko ang mga sinabi niya sa akin. Hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi dahil dinamdam ko talaga ang mga masasakit na salitang binitawan niya sa akin. “Puwede mong sabihin sa akin kung ano ang problema mo para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo.” Sasabihin ko ba kay Xia? Well, kaibigan ko naman siya. At tama nga ito, para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi, sasabog na rin ako dahil sa inis at galit na nararamdaman ko. Bumuntong-hininga ako ulit at saglit na lumingon sa paligid upang tingnan kung kami lang ba ang tao roon. Nang makita kong wala namang ibang tao roon kun’di kaming dalawa lang, nagsalita na rin ako. “Naiinis lang ako. I mean, nagagalit.” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Xia at mas lalo pang napatitig sa akin. “Nagagalit? Kanino?” “Kay Sir Kidlat.” “Huh? Bakit?” “Paano naman kasi... kahapon nang pauwi na ako, pinuntahan niya ako sa locker at nagkausap kami. Tapos, sinabi niyang nakikipag-flirt daw ako kay Don Felipe.” “Huh?” nanlaki ang mga mata nito. Tila hindi makapaniwala dahil sa mga sinabi ko. “Sinabi niya ’yon sa ’yo?” “Hindi lang ’yon.” Saad ko pa. “Hinusgahan niya pa ako. Pinaratangan niya akong pera lang daw ng Don Felipe ang habol ko kaya nakikipag-flirt ako sa matanda. Diyos ko, Xia... para ng tatay ang turing ko kay Don Felipe. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya kahit kailanman ay hinding-hindi ko magagawa ang huthutan siya ng pera kagaya sa paratang sa akin ni Sir Kidlat.” Nanlulumong paliwanag ko rito ’tsaka nangalumbaba sa counter. Napailing naman si Xia. “Grabe, ang sama naman niya! Hindi ka naman niya kilala para sabihan ng ganoon.” “Iyon na nga, Xia.” Saad ko. “Tapos inalok pa niya ako ng malaking halaga ng pera para lang daw tigilan ko na si Don Felipe at umalis na lang ako rito sa Hotel.” “Ang sama pala ng ugali niya. Kung ano ang ikinaganda ng mukha niya, ang itim naman ng budhi niya. Nako, na-turn off na ako sa kaniya dahil sa mga sinabi mo. Ang akala ko pa naman ay mabait siya.” Anito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere. “E, ano ang sinabi mo sa kaniya?” tanong pa nito. “Sinampal ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.” “Buti nga sa kaniya. Deserved niya ’yon. Parang hindi siya lalaki at ganoon ang mga sinabi niya sa ’yo. Nakakainis.” Sumimangot pa ito at umismid. “Psyche,” Napalingon naman ako sa isang kasamahan namin sa trabaho. “Bakit?” tanong ko. “May order ang isang customer. Gusto ikaw raw ang maghatid sa kaniya ng order niya.” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. “Huh?” “Nag-rekwes e. Puntahan mo na. Ilang beses na akong bumalik doon pero ayaw tanggapin ang order niya hanggat hindi raw ikaw ang maghahatid sa kaniya.” “Sige na Sayk, puntahan mo na muna.” Saad din ni Xia sa akin. Wala naman na akong nagawa kun’di ang tumayo sa puwesto ko at tinanggap ang baso na dala ng kasama namin. “Saan ba ang customer na ’yon?” tanong ko. “Ayon oh!” itinuro nito ang lalaking nasa dulo ng malawak na swimming pool. Napatitig ako roon nang makilala ko ito. It was Sir Arwin. Nakangiti pa ito habang kumakaway sa akin. “Customer?!” saad ko. Ngumiti naman ang kasama ko. “Huwag ko raw sasabihin sa ’yo na si Sir Arwin ang nag-rekwes kasi baka hindi ka pumayag.” Saad pa nito at kaagad na umalis. Napabuntong-hininga na lamang ako. Mayamaya ay naglakad na rin ako upang ihatid ang order nito. Sa gilid ng swimming pool ako dumaan hanggang sa makalapit ako sa puwesto nito. “Hi.” Nakangiting bati nito sa akin. Tipid naman akong ngumiti. “Here’s your order sir.” Saad ko at ibinigay rito ang baso na may lamang juice. “Thank you.” Akma na sana akong tatalikod upang bumalik sa puwesto ko, pero mabilis nitong nahawakan ang kamay ko. Napalingon akong muli rito. “Wait, Psyche.” Napatingin pa ako sa kamay naming magkadaop. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagpisil nito sa palad ko. “What are you doing later? I mean, pagkatapos ng trabaho mo?” “Bakit?” tanong ko at pasimpleng binawi ang kamay ko na nabasa na rin. “Hindi mo pa ako pinapagbigyan sa alok ko sa ’yo kahapon.” Saglit kong sinupil ang sarili ko at humarap ako rito habang nakatingala pa rin ito sa akin. “I’m sorry. Pero hindi ko mapapagbigyan ang kahilingan mo—” “Why not? We’re friends right?” Huwag na! Baka madagdagan pa ang paratang sa akin ni sir sungit kapag nalaman niyang nakikipaglapit din ako kay Sir Arwin. Panigurado akong kukulo nang husto ang dugo ko kapag nagsalita pa siya sa akin ng hindi maganda. “Please!” “Pasensya na Sir Arwin. Kung gusto mong magpasalamat sa akin dahil sa pagtulong ko sa dance practice mo, one Thank you is enough. Hindi mo na ako kailangang i-treat, ilibre o kung ano pa man.” “But I wanted to—” “Excuse po Sir Arwin.” Naputol ang pag-uusap naming dalawa nang may isang waiter ang lumapit sa amin. “Yeah?” “Sorry po sa isturbo, pero... pinapatawag lang po si Psyche ni Sir Kidlat.” Bigla akong napatitig sa kasamahan kong waiter nang marinig ko ang sinabi nito. Sino raw? Si sir sungit, pinapatawag ako? Bakit? Kaagad kong iginala ang paningin ko sa buong paligid. Hanggang sa makita ko siyang nakaupo sa lounge chair na nasa gilid ng pool. Nakaupo siya roon habang naka-topless. Swim trunk na kulay blue ang suot niya. Nakaharap siya sa direksyon namin. Damn! Kung sana hindi ako galit sa kaniya ngayon, I’m sure na maa-appreciate ko ang maganda niyang katawan. His body is perfect. Marami na akong nakitang lalaki na nakahubad at nagsi-swimming dito, pero ngayon lang ako nakakita ng ganoon kagandang katawan. Parang inukit ng magaling na sculpture. Kahit may distansya pa sa pagitan namin, I know sobrang ganda ng katawan niya. Oh, holy lordy! Pero naiinis ako sa kaniya ngayon. No, I mean, nagagalit ako sa kaniya ngayon. At simula kahapon, sinabi ko sa sarili ko na aalisin ko na siya sa listahan ng mga crush ko. Ang lalaking kagaya niya na masama ang ugali hindi dapat kina-crush. Napaismid ako. “Why?” Dinig kong tanong ni Sir Arwin. “Hindi ko po alam sir.” “Okay. Go ahead Psyche. We’ll talk later.” Nakangiti pa ito. Muli akong napabuntong-hininga. “Lumapit ka na lang kay Sir Kidlat, Psyche.” Ano pa nga ba? Kahit ayaw ko mang lumapit sa kaniya at ayaw kong marinig ang boses niya, no choice naman ako. Seryoso ang mukha ko habang naglalakad ako palapit sa puwesto niya. Nako, kung nakakatunaw lang ang masamang titig, sigurado akong kanina pa siya naupos sa kinauupuan niya. Nakakainis ang pagmumukha niya. “What took you so long?” tanong agad niya nang makalapit ako sa puwesto niya. Holy lordy! Don’t look at his body, Psyche. Walang-hiya naman kasi. Kung kanina mula sa malayo ay nakita ko na kung gaano kaganda ang katawan niya, ano pa ngayong nasa harapan ko na siya? Damn it parang nangangasim ako ngayon ah! May tinig ding bumubulong sa tapat ng tainga ko at sinasabing tumingin ako sa kaniya at sa katawan niya. Pero pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon. No. Do not look at him, Psyche. “Ano ang kailangan n’yo sir?” seryosong tanong ko sa kaniya. “Is that how you treat your customer Ms. Goncalves?” tanong niya rin sa akin. “Hindi ka humaharap ng maayos sa customer mo!” dagdag pa niya. Napabuntong-hininga naman ako nang malalim. Pinaikot ko ang mga mata ko bago walang gana na tumingin sa kaniya. As far as I can, hindi ko hinahayaang bumaba ang paningin ko sa dibdib niya, sa katawan niya. “What do you want sir?” tanong ko ulit sa kaniya habang seryosong nakatitig sa mga mata niya. At ang walang-hiyang lalaki, nakipagtitigan pa sa akin. Diyos ko, pakiramdam ko hinihigop ng mga mata niya ang lakas ng tuhod ko. Ramdam kong unti-unti akong nanghihina dahil sa klase ng titig niya sa akin. At ang traydor kong puso, sinabi ko ng hindi ko na siya dapat maging crush, pero heto, nag-uumpisa nang kumabog. “O-order po ba kayo or tititigan n’yo na lang po ako?” lakas-loob at mataray na tanong ko sa kaniya. Siya naman ang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ’tsaka nag-iwas ng tingin. “I want pineapple juice. Fresh... pineapple juice.” “Iyon lang po ba sir?” Hindi naman siya sumagot. So, umalis na rin ako at naglakad pabalik sa stall namin. Walang-hiya naman! Puwede naman siyang um-order doon sa waiter na inutusan niya kanina, pero bakit ako pa ang ipinatawag niya? “Fresh pineapple juice, Xia.” “Order niya?” tanong nito. Tumango lang ako at muling nilingon ang kinaroroonan niya. Nakita ko naman siyang tumayo sa kaniyang puwesto at nag-dive sa swimming pool. “Ito na, Psyche.” “Thank you, Xia.” Kaagad akong bumalik kay sir sungit. Saktong pagkalapit ko sa kaniya ay nasa gilid na siya ng pool at naghihintay na sa akin. “Here’s your—” “I change my mind.” Saad niya. Nangunot naman ang noo ko at napatitig sa tsokolate niyang mga mata. “I want strawberry juice.” Aniya. Napatiim-bagang na lamang ako at tumuwid ng pagkakatayo at tumalikod. Bumalik ako sa stall namin. “Oh, bakit?” nagtatakang tanong ni Xia. “I change my mind. I want strawberry juice.” Walang ganang sabi ko. Ginaya ko pa ang sinabi ng magaling na lalaking ’yon. Napaismid din si Xia habang nakatingin ito kay sir sungit. Kinuha nito ang pineapple juice at pinalitan ng strawberry juice. Muli akong lumapit kay sir sungit. “Here’s your strawberry—” “Give me Piña colada instead.” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko sa kaniya. Kagaya kanina, napatiim-bagang ako at matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. Ano ito? Pahirap niya sa trabaho ko? Gusto niyang pahirapan ako dahil sa paratang niya sa akin kahapon? Kahit naiinis na ako sa kaniya at gusto ko ng itapon sa mukha niya ang juice, pinigilan ko ang sarili ko na gawin iyon. Humugot ako nang napakalalim na paghinga. “What? Tititigan mo na lang ba ako?” Walang salita na tumalikod ulit ako at bumalik sa stall namin. “Piña colada, Xia.” “Walang-hiya naman ang lalaking ’yan. Naninira ba siya ng araw?” “Iyon ang gusto niyang mangyari sa akin ngayon.” Nagtitimping saad ko at umupo sa high chair at muling nilingon ang walang-hiyang lalaki na ’yon. Nakatingin din siya sa akin. “Parang gusto niya akong pahirapan ngayon para umalis ako sa trabaho ko. Iyon ang nakikita ko sa mukha niya.” Saad ko pa. Ilang saglit akong naghintay na matapos ni Xia ang paggawa ng Piñacolada. Kapag ito hindi niya pa rin tinanggap, malilintikan na sa akin ang lalaking ’yon. Inis na saad ko sa sarili ko habang naglalakad na naman ako pabalik sa puwesto niya. “Ito na po ang order n’yo sir.” Matalim ang titig ko sa kaniya. “I don’t like—” “Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya. Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang bigla kong itapon sa mukha niya ang order niyang Piña colada. Gulat na gulat siya dahil sa ginawa ko. Maging ang mga taong naroon at nakakita sa ginawa ko. God, kahit ako nagulat din sa ginawa ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis ko sa kaniya. Sumusobra na kasi siya! “f**k!” galit na saad niya rin sa akin. “Ano ba talaga ang gusto mo? Nagtatrabaho ako nang maayos dito tapos ginagago mo naman ako!” singhal ko pa sa kaniya. “Kung issue pa rin sa ’yo ang mga sinabi mo sa akin kahapon... pwes, walang katotoran ’yon!” wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao roon. Ah, bahala siya! Bahala na kung tanggalin ako ni Don Felipe sa trabaho ko dahil sa ginawa ko ngayon. Sumusobra na kasi ang lalaking ito. Parehong matalim ang titig namin sa isa’t isa. Mayamaya, tatalikod na sana ako para umalis, pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at hinila niya ako dahilan ng pagkahulog ko sa tubig. Oh, God! I don’t know how to swim. Dahil sa labis na pagkagulat ko, hindi rin ako agad nakaahon sa tubig. Medyo malalim ang parte na ito kaya habang nasa ilalim ako ng tubig at pinipilit na umahon, nilamon agad ako ng takot ko. Kumawag-kawag ang mga kamay ko upang humingi ng sakloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD