CHAPTER 9

2226 Words
“MAGANDANG araw po, Don Felipe.” Nakangiting bati ko sa Don nang makalapit ako sa puwesto nito. Kasalukuyan itong nasa loob ng restaurant at naghihintay sa pagdating ko. Kanina kasi habang nasa trabaho ako, pinuntahan ako ni Mang Oscar at sinabing pinapatawag daw ako ng Don Felipe. “Hija, nariyan ka na pala. Come here, have a sit.” Anito at imenuwestra ang isang kamay upang paupuin ako sa upuan na nasa katapat ng puwesto nito. Ngumiti akong muli. “Salamat po,” sabi ko. “Um, pinapatawag n’yo raw po ako?” tanong ko mayamaya. “Yeah. Pinapuntahan kita kay Oscar.” “Bakit po?” “Well,” kibit-balikat na saad nito. “I just want to eat lunch with you, hija.” Bahagya akong natigilan at napatitig sa mukha ng Don. Again? Well to be honest, simula nang magtrabaho ako rito sa Casa de Esperanza, hindi lang naman iisang beses na inaya ako ng Don Felipe na kumain ng lunch dito man sa kainan na ito o sa ibang resto. Pero hanggang ngayon ay naiilang at nahihiya pa rin ako. At isa pa sigurado akong issue na naman ito sa mga makakakita sa amin na magkasama kami ngayon. Lalo na ang Ma’am She. Panigurado akong mamaya, nakaabot na kaniya ang balita. “Nako po, hindi n’yo na po sana ako inimbitahan na sumama sa inyo Don Felipe. Nakakahiya naman po sa inyo at—” “No it’s okay hija. Walang may nakakahiya sa pag-imbita ko sa ’yo rito.” Lihim na lamang akong napabuntong-hininga habang pinipilit ng ngumiti sa Don. Ito talaga ang ugali ng Don Felipe. Kapag gusto talaga nito, hindi ito tumatanggap ng Hindi na sagot. Kahit ano pang dahilan o pagtanggi ang gawin mo, he always insisted, hanggang sa mapapayag ka na lang din. At iyon ang nangyayari sa akin. Ayoko din naman kasing magdamdam o magtampo ito sa akin kung aayawan ko ang paanyaya nito. “Excuse me po Don Felipe, here’s your order po.” Nang lumapit sa mesa namin ang dalawang waiter at in-serve sa amin ang pagkain na in-order na pala ng Don kanina. “Thank you. Thank you.” Anito. “Go on hija, let’s eat.” “Thank you po.” Saad ko na lamang at nagsimula na ring kumain. “So, how was your work this morning?” “Okay naman po.” “How about... ang paghatid ni Kidlat sa ’yo kagabi?” Saglit akong tumingin dito bago muling sumubo ng pagkain. “Um, o-okay rin naman po.” Sabi ko. “I mean, ganoon pa rin po siya sa akin. Masungit.” Ngumiti ako. Tumawa naman ng pagak ang Don. “Hay, ang batang ’yon talaga oo. Hindi ko alam kung kailan magiging maaliwalas ulit ang mukha n’on.” Napapailing pang anito. “Hindi po kaya may malaking galit siya sa mundo kaya po laging masungit?” pabirong tanong ko. Muling tumawa ang Don dahil sa sinabi ko. “Ewan ko ba hija. Maybe. Baka may malaking problema lang ang batang ’yon. Kasi noon, hindi naman siya ganiyan. Masiyahin at pilyo ang inaanak kong ’yan sa totoo lang.” “Wala po ba talaga siyang girlfriend?” pasimpleng tanong ko pa. “I mean, babaeng kahit papaano po ay magpapaamo po sa kasungitan niya?” dagdag na tanong ko pa. “Nako, single pa rin ang batang ’yan hanggang ngayon. Walang nobya, wala pa atang balak na mag-asawa. Look, he’s already thirty pero hindi pa rin binibigyan ng apo si Stefano.” What? Trenta na si sir sungit? Wow! Parang hindi naman halata. I mean, kahit naman nababalot ng balbas ang mukha niya, hindi maikakailang baby face siya. Bata pa rin siyang tingnan. Ang buong akala ko nga ay nasa late 20’s lang siya. “Try n’yo po kayang hanapan ng jowa baka po sakaling bumait na siya.” Pabiro ko pa ring saad at humagikhik ako. Muling tumawa ng pagak ang Don. “Well to be honest hija... kami na ni Stefano ang nagre-reto sa kaniya sa anak ng mga amigo namin. But he’s not interested. Hindi nga sumisipot sa mga date na sini-set namin para sa kaniya e.” “Grabe naman po.” Saad ko. “E, baka po...” Tumingin sa akin ang Don Felipe. “Baka ano hija?” “Huwag po kayong magagalit sa ’kin Don Felipe huh?” saad ko. “E, baka po... shokla kaya po ayaw ng babae?!” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng Don at mas lalo pang napatitig sa akin. “What’s shokla? What do you mean hija?” Nginuya at nilunok ko muna ang pagkain na isinubo ko bago ako sumagot. “’Yong ano po... binabae po ganoon.” “Oh! You mean gay, hija?” Ngumiwi ako kasabay ng pagtango ko. Nakakahiya naman sa Don at sinabi ko pa ’yon. Ano na lamang ang sasabihin nito sa akin? Baka magalit na ito sa akin dahil sinabi kong bading ang inaanak nito. Ngunit taliwas sa inaasahan ko, tumawa itong muli. Tumawa na rin ako ng pilit at napainom ng tubig. “Oh, no hija. Giulio is a straight man. He’s not gay.” Anito. “Talaga po?” “I’m sure hija. Silang tatlo na magkakapatid, purong lalaki. Walang tapon, walang gay sa kanila.” Ah, mabuti naman. Akala ko bading siya kaya laging mainit ang dugo sa akin. Baka kasi ayaw niya sa kagandahan ko kaya lagi siyang nagsusungit at magkasalubong ang mga kilay niya kapag ako ang kaharap niya. Nako, sayang ang lahi kung magiging magkalahi kaming tatlo nina Eva. “Sorry po. Akala ko po kasi ay alien ang dugo niya.” Pabiro pa ring saad ko habang nakangiti na ng malapad at itinuloy na rin ang pagkain ko. “Alien?” “Green po, Don Felipe." “Oh, you’re so funny hija.” Tumawa itong muli. “Hindi n’yo naman po ako isusumbong sa kaniya na sinabi ko po sa inyo na shokla siya hindi po ba Don Felipe?” Tumawa lamang ito ulit. “Baka po mas lalong kumulo ang dugo niya sa akin.” “Don’t worry hija, tayo ang magkakampi rito.” “Mabuti naman kung ganoon. Nako, baka kainin na po niya ako ng buhay.” Kung anu-ano pa ang mga napag-usapan namin ng Don Felipe habang pinagsasaluhan ang mga pagkaing in-order nito para sa aming dalawa. Hindi ako ganoon katakaw sa pagkain, pero dahil napasarap ang kwentohan naming dalawa, hayon at halos maubos ko na ang natirang pagkain ng Don. Inabot na rin kami ng halos isa’t kalahating oras sa pagkain. “Nako po, late na po pala ako sa trabaho ko Don Felipe.” Nang mapatingin ako sa suot kong relo. “That’s okay hija.” “E, panigurado pong magagalit na naman po si—” “I will talk to Sheila later. It’s not your fault kung bakit na-late ka ng balik sa trabaho mo. Napasarap lang ang kwentohan natin.” Anito. Oh, Diyos ko! Kahit naman po kausapin ninyo si Ma’am Sheila Don Felipe, magagalit at magagalit pa rin ’yon sa akin pagkatapos. Lihim na lamang akong napadasal sa mga mangyayari mamaya. Pagkatapos naming kumain ng Don Felipe, nag-insist na rin ito na ihahatid ako sa Bar para kausapin nito ang manager namin. Tahimik lamang ako habang magkaagapay kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng hotel hanggang sa marating namin ang bar. “Don Felipe.” Nakangiting bati agad ni Ma’am She sa Don nang lumapit ito sa amin. “Psyche,” nang tingnan ako nito ay biglang nagsalubong ang mga kilay nito at tumalim ang titig sa akin. “Where have you been? Isang oras lang ang lunch break. And I know aware ka naman sa oras dahil may relo kang suot. Pero bakit late kang bumalik?” Napalunok naman ako ng laway ko. “S-sorry po—” “God, mahiya ka naman Psyche! Nandito mismo ang may-ari ng Hotel.” Pinutol nito ang pagsasalita ko. “I’m really sorry po Don Felipe. Hayaan n’yo po... I will report this to HR para ayusin ang last sahod ni Psyche—” “No Sheila. It’s my fault kung bakit na-late ng balik dito si Psyche.” Maagap na saad ng Don. “She was with me. Ako ang nagpatawag sa kaniya kanina dahil may pinag-usapan lang kami over lunch.” Kaagad namang tumitig sa akin si Ma’am Sheila at naningkit ang mga mata nito. I know, sinasabi na naman ng isipan nito ngayon na nilalandi ko talaga ang Don Felipe. Sa klase ng titig din nito sa akin ngayon, halos katayin na ako nito. Bumuntong-hininga ito nang malalim at pilit na ngumiti sa Don. “Is that so Don Felipe?” “Yeah. Kaya inihatid ko na rin siya rito para hindi mo na siya pagalitan. Please, Sheila... huwag mo ng sermunan ang batang ito. It’s not her fault.” Saglit na tumingin sa akin si Ma’am Sheila at ngumiti. “Of course Don Felipe.” Saad nito. “Well, I’ll go ahead. Thank you again for the time, hija.” Hinawakan pa ng Don ang palad ko at masuyong pinisil iyon. Alanganing ngumiti rin ako. “T-thank you rin po Don Felipe.” “Bueno, see you around.” Anito. “Sheila.” “Have a good day po, Don Felipe.” Nang tumalikod na ang Don upang umalis, kaagad na rin akong naglakad papasok sa bar. Hindi ko na hinintay na magsalita si Ma’am Sheila. Dahil sure akong puro masasakit na salita na naman ang ibibigay nito sa akin. Nag-focus na ako sa trabaho. Buong maghapon na nasa akin lang ang paningin ni Ma’am Sheila. Nakamasid ito sa lahat ng kilos at galaw ko. Kahit nakakailang man, hindi ko na lamang ito masiyadong pinansin. “JESUS!” GULAT na sambit ko nang palabas na sana ako sa locker area ay ’tsaka naman sumalubong sa akin si sir sungit. Usual, nakasalubong pa rin ang mga kilay niya. “Gusto n’yo po ba akong patayin sa gulat sir?” inis na tanong ko sa kaniya habang nakahawak sa tapat ng dibdib ko ang isang palad ko. Seryosong tingin din ang ibinigay ko sa kaniya. “Can we talk?” aniya. Huminga ako nang malalim ’tsaka iyon pinakawalan sa ere. Magsasalita na sana ako, pero humakbang naman siya papasok kaya napaatras ako. Mayamaya ay nagulat naman ako nang bigla niyang ini-lock ang pinto. Ipinagpalipat-lipat ko ang tingin ko sa kaniya at sa pinto na nasa likuran niya. “S-sir... b-bakit n’yo po ini-lock ang pinto?” nauutal na tanong ko. Pero hindi naman siya nagsalita upang sagutin ang tanong ko. Sa halip ay nagtiim-bagang siya at ipinasok sa bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang mga kamay at mataman akong tinitigan sa mga mata. God, ano ba ang gagawin niya? May... may binabalak ba siyang hindi maganda? Sinabi ba sa kaniya ni Don Felipe na sinabi kong bading siya kaya siya nandito ngayon? Wala sa sariling napalunok ako ng aking laway at saka nagbaba ng tingin sa kaniya. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. “What are you doing?” tanong niya. Bahagyang nangunot ang noo ko at muling nag-angat ng mukha upang tingnan siya uli. “Po?” “This. All of this. Why are you doing this?” tanong pa niya. This? “Teka po sir. H-hindi ko po kayo maintindihan.” Sabi ko sa kaniya. “I just want an honest answer Ms. Goncalves.” Aniya. Muling nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig ako sa kulay tsokolate niyang mga mata. I don’t understand him. Ano ba ang nais niyang iparating sa akin? “Are you flirting with him?” Biglang naging blanko ang mukha ko. Ano raw? Flirting with who? “A... a-ano? Ano ang ibig mong sabihin?” “You’re doing this because of his money, right?” Napatanga ako at natigilan saglit dahil sa hindi ko inaasahang mga sinabi niya sa akin ngayon. Diyos na mahabagin! Ito na nga ang sinasabi ko e. “How much money do you need para tigilan mo na ang matandang ’yon at umalis ka na lang dito?” Napatiim-bagang ako at nagpantig ang aking mga tainga dahil sa mga sinabi niya. “Ang sakit n’yo naman pong magsalita, sir.” “Really? Nasaktan ka?” Saglit kong sinupil ang aking sarili upang huwag kamagawa ng masama sa kaniya. God! Tagos sa kalamnan ko ang sakit dahil sa mga sinabi niya. Mga paratang na wala namang katotohanan. I’m not flirting with Don Felipe. At lalong hindi ako naghahabol sa pera ng matanda. “Five hundred thousand? One million? Name your price—” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis na umangat ang isang kamay ko at malakas na sinampal siya. Rinig ko ang pagdaing niya. Malamang na hindi niya rin inaasahan na sasampalin ko siya. “How dare you?” mariing saad ko. Gusto ko siyang singhalan at pagsasapmalin pang muli dahil sa mga paratang niya sa akin, pero hindi ko na nagawa dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Ramdam kong ganoon din ang katawan ko dahil sa labis na pagpupuyos ko ng galit. Nang maramdaman kong nag-uumpisa ng mag-init ang sulok ng mga mata ko, mabilis akong nagbaba ng mukha at tinabig siya upang umalis siya sa daraanan ko. Nagmamadali na akong lumabas sa locker area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD