CHAPTER 29

2676 Words
“PSYCHE!” Biglang gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ko nang makita ko sina Xia at Cj na nasa locker. Pagkatapos ko kasing kunin sa opisina ng Don Felipe ang mga papeles na ipinag-utos nito sa akin ay nagpaalam ako saglit kay Mang Oscar na dadaan muna ako sa locker para makita ang dalawa kong kaibigan. Ilang araw na rin kasing hindi kami nagkikita-kita. Nami-miss ko na sila. “Xia, Cj!” nagmamadali pa akong lumapit sa dalawa at nagtitilian kaming nagyakapan. Para namang ilang taong hindi kami nagkita. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong sa akin ni Xia mayamaya. “May ipinag-utos lang si Don Felipe kaya nagpunta ako rito,” sabi ko. “Kumusta kayo rito?” “Okay lang naman. Nami-miss ka na rin namin kahit iilang araw pa lang na hindi tayo nagkakasama rito sa trabaho.” Sagot ni Cj sa akin. Napangiti akong lalo. “Miss ko na rin kayo.” “E, kumusta naman ang Don Felipe?” tanong ulit ni Xia. “Medyo okay na rin ang pakiramdam niya. Pero ang sabi ng doctor niya kailangan pang ma-maintain ang pagmo-monitor sa kaniya para masigurong okay na talaga ang kalagayan niya ngayon.” “So, magtatagal ka nga talagang nasa mansion ng Don?!” “Ang sabi ng Don Felipe, mga dalawang buwan nga raw Cj. Pero, okay lang. Mabilis lang naman ang araw e. Babalik din ako rito at magkakasama rin tayo ulit sa trabaho sa bar.” Saad ko. “Ituring mo na lang na parang bakasyon mo ang trabaho mo sa mansion ng Don Felipe. Sa ilang taon naman kasi na nagtatrabaho ka sa bar, ni minsan hindi ka pa nag-take ng mahabang bakasyon. Puro day-off lang.” Napangiti akong muli dahil sa sinabi ni Xia. Totoo ’yon. Simula nang magtrabaho ako sa Casa, hindi pa ako nakapagbakasyon ng matagal. Hindi manlang ako makapag-relax or unwind. Iniisip ko kasi, kung magbabakasyon ako sa trabaho, gagastos lang ako ng malaki at walang pera na papasok sa wallet ko. Kaya mas prefer na lang ako na magtrabaho. At least, nakakapag-ipon ako. Ngayong kinuha ako ng Don bilang personal nurse nito, parang nakapagbakasyon na nga rin ako. Kasi wala naman akong masiyadong ginagawang trabaho roon. Hindi naman mahirap alagaan ang Don. Mas marami pa nga ang oras na nakaupo lang ako at nakikipagkuwentohan kay Natalija. “Okay lang na wala ka na muna rito. Para kahit papaano ay makalayo ka muna sa dalawang kontrabida sa buhay mo rito.” Dagdag pa ni Xia. “Sabagay.” Pagsang-ayon naman ni Cj. “Nanahimik sina Ma’am She at si Jass simula no’ng hindi ka na pumasok dito bes. Halatang ikaw nga talaga ang pinag-iinitan nilang dalawa.” “Hayaan na lang natin sila.” Saad ko. Gusto ko pa sanang makausap o makatsismisan ang dalawa, pero hindi na rin ako nagtagal at nagpaalam na ako sa kanila dahil baka naghihintay na sa akin ang Don Felipe. “Pasyal ka ulit dito huh,” sabi ni Xia. Nakangiting tumango naman ako. “Oo naman. Kapag nag-day off ako magpapaalam ako kay Don Felipe kung puwede akong magpunta rito para pasyalan kayo.” “Aasahan namin ’yan bes.” Cj. “Sige na at kailangan ko ng umalis at naghihintay si Mang Oscar sa labas. Mag-iingat kayo huh!” “Ikaw rin bes. Ingat ka lagi.” Saad ni Xia. “Bye!” Kaagad din akong lumabas ng locker area at nagmamadali ng tinungo ang lobby. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa entrance ng hotel ay nakita ko naman si Sir Kidlat na nasa labas at may kausap na babae. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ’yon. Iyon ang babaeng nakausap ni Sir Arwin kahapon habang nasa mall kami. Ano nga ulit ang pangalan n’on? Luana? Oo tama. Iyon nga ang pangalan ng babae. Ewan ko ba sa sarili ko, pero bigla akong may naramdaman na inis sa puso ko habang nakikita ko kung paano ngumiti ang babae kay Sir Kidlat. Lalo na no’ng magyakap silang dalawa at halikan ni sir sungit sa pisngi ang babae. Wala sa sariling napaismid na lamang ako at naglakad na palabas. Magkukunwari na sana akong hindi ko sila napansin at didiretso na ako sa kotse ng Don Felipe, pero tinawag naman ako nitong Luana na ito. “Excuse me. You are Psyche, right?” tanong nito. Napahinto naman ako sa paglalakad at napapikit. Humugot ako saglit nang malalim na paghinga ’tsaka humarap sa kanila ni Sir Kidlat. Pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Opo ma’am.” Sagot ko. Nang tumingin ako kay Sir Kidlat, magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Tila nagtataka kung paano ko nakilala nitong kasama niyang babae. “Hi. We meet again!” nakangiti pang saad nito sa akin. “Hello po ma’am.” “You know her?” takang tanong ni sir sungit. “Not really. Nakilala ko lang siya yesterday, she was with Arwin. Nasa mall sila kahapon.” Anito. “She’s Psyche, personal nurse raw ni Tito Felip. And, she is Arwin’s future girlfriend.” Dagdag pa nito. Biglang naging seryoso ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Ano raw? At naniwala naman ang babaeng ito sa sinabi ni Arwin kahapon?! Nang tumingin naman ako kay Sir Kidlat, tinitigan niya ako ng seryoso. Ewan ko ba, pero may kakaiba na naman akong nakikita sa mga mata niya. Pero hindi ko maipaliwanag kung ano iyon. “Did you know her babe? Kasi I’m sure madalas kayong magkita ni Tito Felip kaya hindi malabong hindi mo siya kilala.” Babe? So, girlfriend niya ang babaeng ito? Ouch naman! Ang sakit sa puso. Ang akala ko pa naman ay single siya, pero may nagmamay-ari na pala sa kaniya. Hay naman kasi, Psyche. Kahit naman kasi single ’yang si sir sungit... sigurado namang hindi ka niya papatulan. Hinding-hindi siya magkakagusto sa ’yo. Sino ka ba para magustohan ng isang kagaya niya? Ang mga tipo niyang babae ay kagaya nitong nasa tabi niya, maganda, matangkad, sexy, maputi at may sinabi sa buhay. Hindi katulad mo. Dahil sa isiping iyon, hindi ko mapigilan ang sarili ko na manliit. Nagbaba ako ng tingin kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang banayad ngunit malalim na paghinga upang pakalmahin ang puso kong biglang nabugbog dahil sa nalaman ko. Grabe naman, crush pa nga lang ang nararamdaman ko para sa kaniya pero nasaktan na ako agad. Saklap naman ng buhay! “Ma’am Psyche!” Napatingin ako kay Mang Oscar nang tawagin ako nito. Muli akong tumingin sa babae, hindi na sa kaniya. “Um, sige po ma’am, sir. Mauuna na po ako. Naghihintay na po kasi ang Don Felipe.” Saad ko. “Nice meeting you again, Psyche.” Tipid at pilit na ngiti na lamang ang ginawa ko bago ako tumalikod at nagmamadali ng tinungo ang sasakyan at lumulan ako sa front seat. Hindi na rin ako nag-abalang lumingon sa kinaroroonan nilang dalawa. NAGING TAHIMIK lamang ako sa buong biyahe namin ni Mang Oscar. Ewan ko, pero hindi na nawala sa isipan ko ang sinabi ng babae kanina. Paulit-ulit at parang sirang plaka na naglalaro sa isipan ko ang pagtawag ng Luana na iyon kay Sir Kidlat ng babe. Hanggang sa makarating kami sa mansion. Nang makababa ako sa sasakyan ay yakap-yakap ko ang folder na ibinigay sa akin kanina ng secretary ni Don Felipe. Hindi pala si Sir Arwin ang naghatid sa akin kanina kagaya sa pagpi-presenta nito kagabi sa lolo nito. Ewan ko, baka galit iyon sa akin dahil sa naging pag-uusap namin kagabi sa swimming pool area. Mabuti na rin iyon. Para ngayon pa lamang ay alam na talaga nitong wala itong aasahan sa akin. Hindi talaga ako interesado sa nararamdaman nito para sa akin. Kung kaibigan lang, matatanggap ko. Puwede pa kaming maging mag-best friends. Kasi alam ko naman na mabuting tao si Arwin. Pero kung lover? “Psyche.” Tawag sa akin ni Natalija nang makasalubong ko ito sa sala. “Ang sabi ng Don Felipe, dumiretso ka raw sa library. Naroon siya at naghihintay sa ’yo.” “Ganoon ba? Sige, salamat Natalija.” Nakangiting saad ko ’tsaka dumiretso na nga papunta sa library na opisina rin ng Don. Nang nasa tapat na ako ng pintuan niyon ay saglit akong kumatok bago pinihit ang doorknob. Nakita ko naman agad ang Don na nakapuwesto sa tapat ng mesa nito habang may hawak-hawak na malaking parang libro. Nang makita nito ang pagpasok ko, kaagad nitong itiniklop iyon. Doon ko lang napagtanto na isang photo album pala ang tinitingnan nito. “Hija, nariyan ka na pala!” Naglakad ako palapit sa mesa nito. “Kakarating lang po Don Felipe,” sabi ko. “Ito na po ang pinapakuha ninyo sa secretary ninyo.” Iniabot ko rito ang dala ko. “Thank you hija. Please, have a sit first.” Tumalima naman ako umupo sa isang single couch na naroon sa gilid ng mesa nito. Nakatingin lamang ako sa Don habang tinitingnan nito ang laman ng folder. Mayamaya ay nag-angat din ito ng mukha at tiningnan ako. “Do you know what is this, hija?” tanong nito. Tipid akong ngumiti. “Wala po akong ideya, Don Felipe.” Sagot ko. Inilapag nito sa mesa ang folder pagkuwa’y tinanggal ang suot na salamin at ipinatong din iyon sa ibabaw ng folder. Tinitigan ako nito ng mataman. Mayamaya ay nagpakawala ito nang malalim na paghinga. “This is a full scholarship for you.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. “P-po?” “I know ilang beses mo ng tinanggihan itong offer ko sa ’yo. Pero sana, this time ay hindi mo na ako ayawan. I just wanted to help you, hija. Sana tanggpin mo na itong tulong na ibinibigay ko sa ’yo. Hindi ka na iba para sa akin. Para ng anak ang turing ko sa ’yo, Psyche.” Anito at ngumiti pa ng matamis. “Pero po—” “Please, no more buts hija.” Pigil nito sa pagsasalita ko. “Next week is my 75th birthday. Gusto kong ito na lang ang ibigay mong regalo sa akin. So please...” Saglit akong nakipagtitigan sa Don bago nagbaba ng mukha. Kinagat ko pa ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata. “Kapag tinanggap mo ito hija, I will be happy. And... ito na ang magiging pinakamagandang birthday ko sa tanang buhay ko.” Muli akong nag-angat ng mukha upang tingnan ang Don. Hindi ko na rin napigilan ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. Alright, ramdam kong mula sa puso talaga ng Don ang pagtulong nito sa akin. At sabi nga ng inay noon, huwag tumanggi sa grasyang kusong loob na ibinigay sa ’yo. Ayoko lang tanggapin noon itong alok ng Don kasi malaki na talaga ang naitulong nito sa akin. Pero ngayon, okay fine. Matutupad na ang pangarap kong makapag-aral sa college. Muling kinuha ng Don ang folder at ibinigay iyon sa akin. Dahan-dahan namang umangat ang kamay ko upang tanggapin iyon. “Ipinaasikaso ko iyan sa abogado ko no’ng nakaraan pa. Ngayon ko lang naibigay sa ’yo kasi nga... lagi mong tinatanggihan ang alok ko sa ’yo. Pero kung hindi mo pa rin iyan tatanggapin ngayon, magtatampo na ako sa ’yo.” Mas lalo akong napangiti habang may luha na sa mga mata ko. “Hindi ko po alam kung... paano ko po masusuklian ang lahat ng kabutihan at tulong ninyo sa akin, Don Felipe.” “Hindi ako naniningil, hija. Kusang loob at taos puso akong nagbibigay sa ’yo ng tulong kaya hindi mo kailangang bayaran ang lahat ng ito.” “Bakit po napakabuti n’yo po sa akin, Don Felipe?” naitanong ko. “Because...” anito at huminto sa pagsasalita. Naghihintay naman ako sa susunod na sasabihin nito. Nakatitig lamang ako ng mataman sa mukha at mga mata nito. Mayamaya ay nakita ko ang pag-balong ng luha sa mga mata ng Don. “Because you are Yolanda’s daughter.” Anito. ISANG MALALIM na paghinga ang pinakawalan ko sa ere habang nakatingala ako sa malawak at madilim na kalangitan. Ni wala akong makita na bituin. Siguro ay uulan mamaya. Nakaupo ako sa gilid ng swimming pool habang nakalunoy sa tubig ang mga paa ko. Alas dyes na ng gabi at nagpapahinga na ang mga kasama ko rito sa mansion. Hindi pa naman ako makatulog kaya nagpasya akong magpunta rito sa swimming pool area para magmunimuni. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko sa mga sandaling ito kaya nagugulumihanan ako. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga napag-usapan namin ng Don Felipe kanina sa library. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi nito... “Are you not sleepy?” Bigla akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Sir Kidlat. Nakita ko siyang naglalakad palapit sa puwesto ko. May bitbit siyang bote ng alak. Siguro ay kauuwi niya lamang dahil suot niya pa rin ang damit niya kanina. Isa iyong puting long sleeve na nakatupi ang manggas hanggang sa kaniyang siko. Ang dalawang botunes naman sa tapat ng kaniyang dibdib ay nakabukas din kaya bahagyang nasisilip ang maskulado niyang dibdib. Itim na pantalon ang partner niyon. Kaagad akong nagbawi ng tingin at sinupil ang aking sarili bago pa man siya makalapit sa akin ng tuluyan. Mayamaya ay umupo siya sa tabi ko. Inilubog niya rin sa tubig ang kaniyang mga paa dahilan upang mabasa ang pantalon niya. Bahagya pa nga rin akong nailang dahil halos wala ng espasyo sa pagitan namin. Hindi ko alam kung sinadya niyang tumabi sa akin o ano?! Hindi rin nakaligtas sa ilong ko ang pinaghalong natural scent at pabango niya. Damn, ang bango niya talaga! Oh, Psyche. Remember, may jowa na ang sungit na ito kaya tigilan mo na ang kahibangan mo sa kaniya. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Mayamaya ay kikilos na sana ako sa puwesto ko upang bumalik na sa loob ng bahay. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakagalaw ay nagsalita naman siya. “Stay.” Seryoso at maotoridad na saad niya sa akin. Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig sa kaniya. Ano raw? Gusto niyang manatili ako rito? Bakit? Gusto niya akong makasama rito? Gusto niya akong makausap? Psyche! “Please, stay!” Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig ako ng mataman sa naka-side view niyang mukha. Damn, malamlam at kalmado ang boses niya ngayon. Tila, bigla akong nanghina dahil doon. Walang-hiya naman ang lalaking ito. May girlfriend na siya pero bakit ganito ang ginagawa niya sa akin? Gusto niya ba akong magkasala? Gumalaw ang mga labi ko, ngunit wala akong maapuhap na salita. Nakatitig lamang ako sa kaniya. “B-bakit?” nauutal na tanong ko. Finally. Akala ko ay napipi na ako e. Bumuntong-hininga naman siya nang malalim ’tsaka ako nilingon. Doon ko nakita na parang malungkot ang mga mata niya. Parang nababalot iyon ng kalungkutan at pagkabigo. Huh? Bakit? Nag-away ba sila ng Luana na ’yon? Hindi nga ba’t mukhang masaya naman sila kanina? “I just... I just want you to stay. Please!” aniya at kumilos ang isa niyang kamay na nakapatong sa kaniyang hita. Bigla naman akong napatingin sa kamay ko nang hawakan niya iyon. What? Wait! What is he doing? Wala sa sariling napalunok ako ng aking laway habang nakatitig sa mga kamay naming ngayon ay magkahawak na. Damn, ano ba ang ginagawa niya? Dahan-dahan akong nag-angat muli ng tingin upang salubungin ang mga mata niya. God, ano ba ito? Ang puso ko, nagregodon na naman nang husto nang magkatitigan kami sa isa’t isa. s**t! Mayamaya ay naramdaman ko ang masuyong pagpisil niya sa aking palad. “Is he courting you?” Ano raw? Hindi ko masiyadong narinig ang tanong niya. Mas naririnig ko kasi ang t***k ng aking puso. Pakiramdam ko nabibingi na ako ngayon. Muli akong napatingin sa palad kong hawak-hawak pa rin niya. Mas lalong humigpit ang pagkakapisil niya roon. “I like you, Psyche.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD