CHAPTER 28

2738 Words
KAAGAD akong nagbawi ng tingin kay Sir Kidlat nang ilang segundo na siyang nakatitig sa akin habang nasa hagdan pa rin siya. Mayamaya ay nagmadali na rin akong maglakad papunta sa kwarto ng Don Felipe. Bago ko pinihit ang doorknob ay kumatok muna ako ng tatlong beses. “Oh, nandito ka na pala hija!” anang Don nang makapasok ako at makita ako nito. Nakasandal ito sa headboard ng kama habang may binabasang libro. “Pasensya po Don Felipe kung medyo natagalan po kami.” Paghingi ko agad ng paumanhin. Medyo nahihiya talaga ako ngayon dito. Kung hindi lang talaga si Sir Arwin ang nagsama sa akin sa mall, hindi ko iiwan nang basta-basta ang trabaho ko. Bawat oras ko naman ang binabayaran ng Don pero heto at nagagawa ko pang mag-mall. Although, hindi ko naman talaga kasalanan. “That’s okay hija. No problem.” Saad nito at isinarado ang hawak na libro at tinanggal din ang suot na salamin. Ipinatong ang mga iyon sa bedside table nito. “Where is Arwin?” “Um,” lumingon muna ako sa likuran ko. Ang akala ko kasi ay nakasunod pa rin ito sa akin. “Nasa labas po. Magkausap po ata sila ni Sir Kidlat.” Saad ko na lang. “Ganoon ba? Alright, come here hija. Tulungan mo ako at gusto kong tumayo. Parang nananakit na ang likod ko.” Kaagad akong kumilos. Saglit kong inilapag sa sofa ang paper bag na bitbit ko ’tsaka lumapit sa puwesto nito. Inalalayan kong makabangon ang Don. “Lalabas po ba kayo?” “Yeah.” “Saglit po at kukunin ko po ang wheel—” “No need hija. I just want to walk.” “Sigurado po kayo?” kunot ang noo na tanong ko. Ngumiti ito sa akin at kinuha ang isang kamay ko at ipinulupot sa braso nito. Nagsimula itong humakbang palabas ng kwarto kaya napasabay na rin ako. “I’m sure hija. I can walk. Look,” sabi pa nito. “I think mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw.” “Sigurado po kayo? Baka po pinipilit lang ninyo na maglakad pero ang totoo po ay nahihirapan pa kayo?!” Tumawa ito ng pagak. “You know what hija,” anito at tinapik pa ang kamay kong nakahawak sa braso nito. “Hindi ako nagkamaling kinuha kitang nurse ko. Kasi, magaling kang mag-alaga. You see, dalawang araw mo pa lang akong inaalagaan, but I feel better. Not totally, but I know nag-improved ang lakas at sigla ng katawan ko.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng Don. “Talaga po?” nakakatuwa naman kung ganoon. Ibig sabihin ay very good ako sa trabaho ko. “Yeah.” “E, mabait at masunurin din naman po kasi kayong pasyente kaya po madali po ang paggaling ninyo,” sabi ko pa. “Well, kung kagaya mo namang nurse ang mag-aalalaga sa akin araw-araw, lagi akong magiging mabait at masunuring pasyente hija.” Bahagyang tumawa ulit ang Don pagkasabi niyon. Hindi ko na rin napigilan ang mapahagikhik dahil doon. “Oh, hijo Kidlat, kailan ka pa dumating?” Bigla akong napatingin sa unahan namin ni Don Felipe nang marinig ko ang sinabi nito. At doon, nakita kong nakatayo nga sa harapan namin si sir sungit, seryosong nakatitig sa amin; or sa akin lang ata tapos magkasalubong pa ang mga kilay. Para bang naiinis or galit na naman siya sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Um, kanina lang ninong. I went to your room when I arrived, pero nagpapahinga kayo.” Tumango naman ang Don at muling humakbang. “So, kumusta naman ang trabaho mo sa France?” tanong nito. Nang nasa tapat na ako ni sir sungit ay kaagad naman siyang kumilos. Ang akala ko naman ay lilipat siya sa tabi ng Don Felipe nang umagapay siya sa paglalakad namin papunta sa kusina, pero nanatili siya sa tabi ko. Oh, God! Heto nga at parang biglang nahiya ang lakas sa mga tuhod ko dahil nasa tabi ko siya ngayon. Parang gustong tumiklop ng mga tuhod ko, lalo pa at amoy na amoy ko ang pabango niyang tila naging paborito na ata ng ilong ko kasi biglang lumaki ang butas niyon. Parang gusto kong singhutin lahat ng amoy niya. Ang kabog din ng puso ko, grabe! Diyos na mahabagin! Para bang gusto na niyang kumawala sa ribcage ko at magtatalon sa harapan ni sir sungit. Nang hindi sinasadyang masagi ng braso ko ang braso niya, parang pakiramdam ko bigla akong nakuryente at nagising ang mga paru-paro sa sikmura ko. My God! Nababaliw na ata ako at bawat araw na lang ay palala nang palala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ang t***k ng puso ko, mas lalong lumalakas. “Good, ninong.” “Naayos naman ba agad ang problema?” “Yeah. Nagawan ko naman agad ng paraan.” Mula sa gilid ng mata ko, pasimple ko siyang tiningnan. Nakatingin din siya sa akin; or kay Don Felipe kasi magkausap sila? Ah, basta. Nakatingin siya sa akin. Mayamaya, muling nagkabungguan ang mga braso namin. This time, hindi lang basta bungguan... nagkadikit kaming dalawa nang papasok na kami sa pintuan ng kusina. Ewan, pero para bang sinadya niyang sumabay sa akin papasok upang magkadikit kami. Hindi ko sinasabi, feeling ko lang naman sinadya niya. Bago pa lumala itong pagreregodon ng puso ko dahil sa pagkakadikit naming dalawa, kaagad akong lumayo sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa mahabang dining table. Siya ang humila sa silya sa kabisera para kay Don Felipe. Samantalang nakaalalay pa rin ako rito. “Have a sit hija.” “S-sasabay po ba ako sa pagkain ninyo?” tanong ko. “Yeah. Saluhan mo na kami ni Kidlat.” Saglit akong tumingin sa kaniya na ngayon ay nakaupo na rin siya sa silyang nasa kaliwang bahagi ng lamesa. Hindi na seryoso ang tingin niya sa akin, pero hindi ko masabi kung anong emosyon iyon. Nang mailang na naman ako sa titig niya, nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya. “Um, m-mamaya na lang po ako Don—” “Come on. Have a sit hija. I want you to join us. Hindi ba’t ang sabi ko ay kakain ako kung sasaluhan mo ako lagi?” Bina-blackmail na naman ako ng matanda. E, ayoko sanang sumabay sa pagkain nila lalo na at kasabay rin si sir sungit. Kung hindi ako mabubusog sa pagkain ko dahil nasa harapan ko siya, baka mabilaukan pa ako. “What are you waiting, Ms. Goncalves?” Muli akong napatingin sa kaniya. “Sit,” sabi niya pa. Napalunok na lamang ako ng laway ko at wala sa sariling umupo na nga sa silya. “Hey, hindi ba ako kasali sa diner?” Napalingon kami sa may pintuan ng kusina nang pumasok naman si Sir Arwin. Usual, nakangiti na naman ito nang malawak. Hayst! Kung sana si sir sungit ang laging ganiyan, laging maligaya ang puso’t kaluluwa ko. Ang problema, hindi. Magkaibang-magkaiba silang dalawa. “Ang akala ko ay hindi ka na kakain ng hapunan.” Anang Don. Nang makalapit sa mesa si Sir Arwin ay kaagad itong umupo sa tabi ko. “Well, I’m still full lolo. Pero gusto kong kumain ulit lalo pa at nandito sa tabi ko si Psyche.” LIHIM NA NAPABUNTONG-HININGA at napatiim-bagang si Kidlat dahil sa narinig niya. Tiningnan niya si Arwin. Malapad ang ngiti nito sa mga labi habang nakatitig kay Psyche. Mayamaya ay lumingon din si Psyche kay Arwin. “You know lolo, nakakaganang kumain kapag si Psyche ang kasama.” Saad pa nito. “Well,” napatango-tango ang Don Felipe. “That’s true. Kaya gustong-gusto ko na laging kasabay kumain itong si Psyche.” Ngumiti rin ito ng malapad. Lihim siyang muling napabuntong-hininga nang malalim. Ang mga kamay niyang nakapatong sa mga hita niya ay hindi na niya napigilang ikuyom iyon nang mariin. Seriously? Ang Ninong Felipe niya pati si Arwin ay pareho na ring may gusto kay Psyche? Fuck! Sa isip-isip niya. Alright, he’s in love with her. Inamin na niya iyon sa kaniyang sarili. Ang hindi lamang niya matanggap... kung bakit sa dinamirami ng babaeng puwede niyang magustohan, bakit si Psyche pa na gusto rin ng ninong niya at ni Arwin? Or, bakit sa dinamirami ng babae sa mundo na puwedeng magustohan ng Don Felipe bakit si Psyche pa? Okay lang sana kung sila lang ni Arwin ang parehong may gusto sa dalaga, kaya naman niyang kunin si Psyche ng walang kahirap-hirap para hindi na ito makuha ni Arwin. Pero ang Ninong Felipe niya? He can’t betray him. Oo nagagalit siya no’ng malaman niyang may gusto ito kay Psyche, kasi sigurado siyang pera lang nito ang habol ng dalaga, pero hindi naman niya maaaring hadlangan ang puso nitong nagmamahal. If he really loves her. Matagal naman na itong byudo. Pero tumayong pangalawang tatay na sa kaniya ang Don Felipe kaya hindi niya ito maaaring traydurin. Pero paano naman ang puso niyang ngayon na lamang ulit tumibok para sa isang babae? Ang puso niyang sa muling pagkakataon ay umiibig na naman? “Are you okay kuya?” Napakurap siya nang marinig niya ang tanong ni Arwin. Oh, damn it! Hindi niya namalayan nakatitig na pala siya kay Psyche. “Um,” tumikhim siya at nagbawi ng tingin. Mayamaya ay naglagay na rin siya ng pagkain sa plato niya. “Napatitig ka na kasi kay Psyche.” Natatawa pang saad ni Arwin. “No I’m not. May iniisip lang ako.” Pagdadahilan niya. “About your business in France?” Tumango na lamang siya at nagsimula na ring kumain. “By the way hijo Kidlat,” mayamaya ay sabi ng Don. “Yes Ninong?” “Pupunta ka naman bukas sa Casa, right?” “Yeah. Why?” “Isama mo na itong si Psyche at may ipapakuha ako sa kaniyang files sa office ko.” “Sure—” “Lo, ako na po ang maghahatid kay Psyche sa Casa. Pupunta rin naman po ako roon e.” Agaw ni Arwin sa pagsasalita niya. Napalingon siya rito. “Si Kidlat ang inuutusan ko.” “Wala naman po akong gagawin bukas e. And besides, I want to go there.” Anito pagkatapos ay tinapunan din siya ng tingin. ”So, ako na lang ang maghahatid kay Psyche, kuya.” “At ano naman ang gagawin mo roon?” “Well, um, one week na rin po akong hindi nagpupunta roon lolo kaya bibisita lang.” Muli siyang lihim na napatiim-bagang. Damn, gusto niyang tumutol at sabihing sa kaniya na sasabay si Psyche bukas, pero hindi niya naman magawang sabihin. Pasimple niyang tinapunan ng tingin si Psyche na tahimik lamang kumakain. “Alright. Para naman hindi ka maghapong nakahilata lang sa kwarto mo,” mayamaya ay sabi ng Don. Damn it! No. Tahimik na itinuon na lamang niya ang paningin sa pagkain niya. “Is that okay with you, Psyche?” dinig niyang tanong ni Arwin sa dalaga. “Um, o-okay lang.” Muli siyang napabuntong-hininga. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakaligtas sa Don ang kaniyang ginawa. “Are you alright, hijo?” tanong nito sa kaniya. Nag-angat siya ng mukha upang tapunan ng tingin ang Don. “I don’t.” Seryosong sagot niya. “But why?” “Maybe... I’m just tired ninong. Mahaba rin ang naging byahe ko kanina.” “Pagkatapos nito, magpahinga ka na rin.” Tumango na lamang siya at isinubo ang huling pagkain na nasa plato niya. Pagkatapos ay kaagad siyang tumayo. Nawalan na siya ng gana. “I’m done. Excuse me.” Saad niya at kaagad na naglakad palabas ng dining. PAPUNTA NA SANA siya sa swimming pool area para doon magpahangin at magpaantok habang may bitbit na bote ng alak. Pero nang matanaw niyang naroon si Psyche at kasama si Arwin, bigla siyang napahinto sa paglalakad at tiningnan ang dalawa na nag-uusap. “Salamat pala sa pagpayag sa date natin kanina, Psyche.” Oh, he knew it. Nag-date nga ang dalawa. Hindi lang basta pagpunta sa mall ang ginawa ng mga ito. Hayon na naman ang panibugho ng kaniyang damdamin. Oh, f**k! Napabuga siya ng malalim na paghinga ’tsaka tumalikod at bumalik na lamang sa loob ng bahay. “Hindi naman ’yon date Sir Arwin.” Saad ni Psyche sa binata. Ngumiti ng malapad si Arwin. “For you it’s not. But for me, it’s a date. That’s our first date. And I really enjoyed it.” “Iyon lang po ba ang sasabihin mo sir kaya ipinatawag mo ako rito?” sa halip ay tanong ng dalaga. “Kasi kailangan ko ng pumasok sa loob para asikasuhin ang lolo mo.” “Bakit parang pakiramdam ko iniiwasan mo na ako ngayon, Psyche?” balik na tanong nito. “Parang biglang nag-iba ang pakikitungo mo sa akin?! Hindi ka naman ganiyan ka-cold no’ng una. No’ng nasa Casa ka pa. I thought we were friends?” Hindi naman agad sumagot si Psyche, sa halip ay tinitigan lamang nito ang binata. “Dahil ba sa sinabi ko kay lolo na gusto kita? Look, I wont say sorry because of that. Dahil unang-una, totoo naman ang sinabi ko at alam kong alam mo na gusto kita dati pa. But—” “Pero sinabi ko na rin sa ’yo Sir Arwin na hindi ako interesado sa nararamdaman mo para sa akin.” “Why? I mean...” tumigil ito saglit. “...just give me a chance Psyche. Baka, baka magkaroon ng chance na magustohan mo rin ako. I promise I will do everything. Just—” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Psyche sa ere. “Kaya tinapat agad kita no’ng araw na sinabi mong may gusto ka sa akin, kasi ayokong umasa ka na gusto rin kita. Arwin, hindi ako ang babaeng bagay sa ’yo. I mean, maraming ibang babae riyan. Sila na lang at huwag na ako. Alam mo naman na mahirap lang ako at—” “I don’t care.” Saad nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ni Psyche. “Hindi naman ang estado sa buhay mo ang tiningnan ko para magustohan ka, Psyche. It’s you. Your personality. Your heart. Your everything. I don’t care kung wala kang pera, hindi ka mayaman, kung nagtatrabaho ka lang sa Casa. I just don’t care. I still like you.” NAPATITIG AKO sa mukha ni Arwin. Bigla akong na-speechless dahil sa mga sinabi nito. Oh, kahit na. Hindi pa rin ako nito dapat magustohan kasi hindi naman magbabago ang mga sinabi ko rito no’ng nakaraan. At isa pa, si Sir Kidlat ang gusto ko. Hindi naman ganoon lang kadali na ibaling kay Arwin ang pagtingin ko kay sir sungit. “Sorry,” sabi ko at nagbaba ng tingin. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. “Hindi ko naman puwedeng sabihin sa ’yo na bibigyan kita ng chance kasi sigurado ako sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng gusto sa ’yo... Arwin.” Saad ko. “Thank you kasi sa dami ng babaeng nakilala mo o kakilala mo ay ako ang napili mong magustohan. Pero, ayoko talagang paasahin ka.” Nang mag-angat ako ulit ng mukha ko ay lungkot at dismaya ang nakita ko sa mukha at mga mata nito. Nakaka-guilty naman. Pero kailangan kong sabihin iyon para hindi na ito mag-assume sa akin. “Sorry,” sabi ko ulit. PAGKATAPOS nang pag-uusap namin ni Arwin ay kaagad akong nagtungo sa silid ng Don Felipe upang i-check muna ito bago ako pumanhik sa kwarto ko at magpahinga na. Tulog naman na ang Don nang madatnan ko kaya kaagad na rin akong lumabas at umakyat sa hagdan. Naglalakad na ako papunta sa silid ko nang bumukas naman ang pinto ng kwarto ni sir sungit at lumabas siya roon. Heto na naman ang pagkabog ng puso ko. Oh, irog ko! Pareho kaming saglit na natigilan. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Nang maisarado niya ang pinto ng kaniyang kwarto ay naglakad na rin siya. Humakbang na rin ulit ako. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “G-good evening po sir.” Bati ko sa kaniya. Pero sa pagkadismaya ko, hindi niya manlang ako binati pabalik. Seryoso lang siya na nilagpasan ako. Nalaglag ang mga balikat ko. “Ang sungit talaga kahit kailan!” bulong ko at nilingon ko siya. Hanggang sa makababa na siya sa hagdan. Napabuga na lamang ako ulit ng paghinga ’tsaka pumasok na sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD