Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Nag-aayos si Trixie ng nursery room, at natutuwa siya sa mga gamit na nandoon. Kagaya nang hiling ni Camille, kambal nga ang magiging anak nila ni Charlie, isang babae at isang lalake. Labis-labis ang kasiyahan nila ni Charlie ng mag-gender reveal sila. Ngayon nga ay kabuwanan na niya at ito na rin ang pinakahihintay nilang sandali. “Mga anak, ngayong araw mami-meet na namin kayo ni Daddy. Excited na kaming makita kayo Charlotte and Charles.” Nakangiti pa siya habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. “Bhe, Let’s go?” Maya-maya’y tawag sa kaniya ni Charlie, na nakasilip sa pintuan ng nursery at may bitbit na mga bags. Ngayon na kasi sila pupunta ng ospital para sa kaniyang delivery sa mga kambal. Cesarian kasi siya kaya naman nai-schedule na siya ng k

