Philippines… Huminga nang malalim si Trixie at dinama ang sariwang hanging sumalubong sa kaniya. ‘Welcome home self!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili. Naglakad na siya palabas ng paliparan kung saan naka-abang na ang kaniyang pamilya sa kaniyang pagdating. “Tita Trixie!” sabay-sabay na sigaw ng mga pamangkin niya. Agad niyang kinawayan ang mga ito at nginitian. Nang makalapit ay pinupog niya ng halik ang mga ito. Lumapit na rin ang kaniyang ama at ina, at sabik na sabik siyang niyakap ng mga ito. “Na-miss ko kayong lahat!” sambit pa niya sa mga ito habang mahigpit na nakayakap sa kaniyang mga magulang. “Trixie, baka naman sa ospital na tayo tumuloy niyan sa sobrang higpit nang pagkakayakap mo kila mama at papa?” biro ng kaniyang Kuya Tony. Agad siyang kumalas sa mga ito at hi

