Isang lingo na ang lumilipas at magbubukas na rin ang Charlotte’s Collections. Sinusungitan pa rin siya ni Charlie pero hindi naman siya nagpapatinag dito. Araw-araw pa rin niya itong sinusundan sa kahit saan ito magpunta. Dinadalhan pa nga niya ito ng pagkain na kinakain naman ng binata. Ayon kasi rito hindi dapat tinatanggihan ang grasya. Kagaya ngayong araw, nagsuot siya ng sleeveless summer dress na kulay rosas, na lampas ng kaunti sa tuhod ang haba. May dala siyang basket ng mga pagkain para kay Charlie. Busy kasi ang binata sa pag-pa-final ng mini fashion show para sa opening ng boutique nito. Kaya naman heto siya to the rescue sa sikmura ng kaniyang mi amore. “Hi, bhe-bhe! Hello, people!” bati niya rito pati sa mga tauhan ng binata. Kilala na siya ng mga tauhan ni Charlie roon. Da

