Chapter 28

1569 Words

Maagang nagising si Charlie dahil binulabog siya ng tawag ni Marcela. At dahil mahina ang signal nila sa loob ng kanilang bahay, napilitan siyang lumabas ng kanilang bahay, para lang magkaintindihan sila ng harot niyang kaibigan. “Nakakaloka ka talagang bakla ka!” bungad niya rito nang magkarinigan na sila nito. “Ayyy, sorry naman bakla kung nagising kita,” anito sa kaniya. “Anyways, huwag ka nang ma-HB diyan. I just want to inform you that we’re flying out from Paris to Philippines tomorrow!” excited na turan nito sa kaniya. Agad namang napalitan ng magandang ngiti ang kaniyang pagkainis sa kaibigan. Nangako kasi itong pupunta sa opening ng kaniyang boutique. Kaya naman labis-labis ang kaligayahang nadarama niya ng mga sandaling iyon. “Eeeiii!!! Totoo ba iyan?” tumitiling tanong pa ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD