Araw ng proposal ni Jaspher kay Maggy. Maaga silang nagtungo sa bahay ni Xandrie, dahil doon sila mangga-galing bago magpunta sa venue ng proposal ni Jaspher. Gagawin nilang dahilan ang gown ni Xandrie, at siyempre hindi muna ire-reveal ang relasyon nila ni Charlie. Balak nilang sorpresahin ang kaibigan sa ibang araw. “Bhe, parang walang tao. Sure ka ba na ito ‘yong address ni Xandrie?” tanong niya kay Charlie. “Oo naman bhe, hintayin na lang natin sila baka may pinuntahan lang ang mga iyon.” Nginitian siya nito at masuyong hinaplos ang kaniyang pisngi. Ang sweet lang talaga nito sa kaniya. “Bhe, ayan na yata sila,” maya- maya’y sabi ni Charlie nang mapansin ang paparating na sasakyan. Nang makababa sina Maggy mula sa sasakyang nakaparada sa kanilang likuran, ay agad siyang umayos sa

